Umalis ng Batangas ang ST family maaga palang dahil may work na ang iba sakanila sa hapon. 11 am palang ay nasa Manila na sila. Hindi na muna umuwi si Vice kundi dumeretso muna sa condo ni Denise.
*knock knock*
D: Sino---oh? Bakit ka nandito? Nakabalik na pala kayo? Hi!! --- Sabi ni Denise at hinug si Vice.
Vice responded with a sad smile at dumeretso sa dining table ng condo ni Denise. Sumunod naman si Denise.
Denise: Are you okay? :/
Vice: Yes I am. Why are you so surprised na nandito ako? I just came here because you said you wanted to talk.
Denise: Akala ko kasi ako yung pupunta. Kumain ka na ba? You want---
Vice: I'm fine, let's just talk.
Denise: Look, i'm sorry about yesterday.
Vice: I told you, wag mo na yun isipin. Lumabas nalang tayo ngayon. Gusto mo pumunta sa---
Denise: Vice hindi pwede ngyon, may trabaho ako.
Vice: Ah ganun ba? --- Sabi ni Vice na napaisip. Osige, pagkatapos nalang, iintayin nalang kita dun. Dun nalang ako sa set nyo, para atleast nakikita kita diba. :)
Denise: Anong gagawin mo dun?! Sasayangin mo lang oras mo.
Vice: Anong sasayangin?! Andun ka, makakasama kita, hindi sayang ang oras ko. Iintayin nalang ki--
Denise: Vice hindi nga pwede! Trabaho yun! Bakit mo ba pinipilit?!
Vice: Ikaw pa nagagalit? Denise nam-miss na kita! Gusto kitang makasama. Alam mo ba kung ilang araw na tayo di maayos na nakakapag usap? Alam mo, ako kaya kong ibalance yung tayo at trabaho. Bakit ikaw di mo magawa yun?!
Denise: So isusumbat mo yan sakin ngayon? Wow! Oh my gosh. Akala ko ba naiintindihan mo? Akala ko ba tanggap mo? This is what i'm saying. Tignan mo, pareho tayong nasasaktan! Ngayon alam mo na kung bakit ako nagka-second thoughts nun! --- Sabi ni Denise na napa-face palm pa.
Vice: Kailan ka ba aalis? Ha? Next week na ba? Why are guys in a rush? Next year pa ang alis mo!
Denise: Alam mong hindi ganun kabilis makabuo ng pelikula. Alam kong alam mo yan. Alam kong alam mo kung bakit minamadali namin to lahat ngayon. Gosh Vice, I thought naiintindihan moko.
Vice: Eto ang nakakalungkot satin e, di na nga tayo laging naguusap at nagkakasama, naga-away pa tayo when we are together. I'm so sad. --- Sabi ni Vice na napatayo.
Denise: What are you saying? Ayaw mo'kong makita? Then go, i'm not forcing you to stay with me. Hindi lang ikaw nahihirapan, don't talk as if ikaw lang nalulungkot. Hay, akala ko naiintindihan mo.
Pagkatapos ng mga narinig ni Vice na mga salita mula kay Denise, umalis nalang muna sya at umuwi na, dahil baka nga kailangan muna nila ng space sa isa't isa.
-
Pagka-park ng kanyang hummer ay pumasok na ng deretso si Vice sa bahay. Nasa sala naman ang kanyang mga kaibigan. It was a normal sunday for all of them.
Buern: Oh, hi meme! Welcome back!
Hindi naman sila pinansin ni Vice at dumeretso lang sa pag-akyat sa kanyang kwarto. Nagkatinginan naman ang magkakaibigan. Sumunod si Buern kay Vice paakyat at sinundan din sila ng buong team Vice.
Buern: Oh ano? Sinong papasok? Ayoko ha! Bahala kayo jan! Dito lang ako magiintay.
Donna: Ikaw nangunguna-nguna ditey tapos di mo pala kaya?! Basta hindi rin ako ha!