Chapter 19

6.3K 209 10
                                    

GENES for HIRE
by...emzalbino
Chapter 19....

Matapos ang masaganang pagsasalo salo sa hapunan ng mga pamilya ni Elly kasama sina Czarinna at baby Elizabeth ay sandaling nakipagkwentuhan pa ang mga ito at ng sumapit na ang oras ng alas otso ay saka na nagpaalam sina Elly para ihatid na ang kanyang mag ina dahil inaantok na ang kanilang anak.

Nang makarating na ng mansion ng mga Ibañez sina Elly ay nagmamadali niyang binuhat ang kanyang anak an noon ay nakapikit na.

"Anak, you have to take a quick bath first para presko ang pagtulog mo" ani Elly kaya napadilat ang bata.

"Okay daddy!.." sagot ni Elizabeth na naghihikab pa.

Bitbit naman ni Czarinna ang mga pinamili nila para sa kanilang anak at inilapag nalang niya ito sa may maliit na mesa sa kwarto ng anak at inihanda nito ang damit pantulog niya habang si Elly ay pinapaliguan nito si Elizabeth at ng matapos ay agad na binuhat ni Elly ang anak at ipinasok sa kwarto mula sa banyo.

Agad namang biniisan ni Czarinna ang anak nito at pinatuyo ang buhok sa pamamagitan ng hair blower para matuyo agad at binahasan ng isang maiksing fairy tale story hanggang sa makatulog.

"Napagod siya ng sobra!" nakangiting wika ni Elly habang nakamasid sa anak na nakatulog na at yakap yakap nito ang kanyang cuddly pink bunny.

"Papaanong hindi mapapagod eh, mula pa sa mall ay halos walang tigil sa kalalakad at pagdating sa bahay niyo eh sige parin ang laro kaya hayan bagsak na" sagot naman ni Czarinna saka nito ibinalik ang libro sa may book shelves ng anak.

"Ganyan talaga ang mga bata, ini enjoy nila ang pagiging bata nila" ani Elly saka nito nilapitan ang anak at hinagkan ang ulo nito at pisngi........"I love you my princess, good night" pabulong na sabi ni Elly sa anak kahit na hindi nito naririnig.

Parang may kung anong inggit ang naramdaman ni Czarinna sa paglalambing ni Elly sa kanialng anak, tumalikod siya para kunwari ay ayusin ang mga pinamili nila para kay Elizabeth ngunit maya maya ay.

"Pwede ba tayong mag usap sandali?.." lakas loob na tanong ni Elly at tumango naman si Czarinna at lumabas na sila ng kwarto ng kanilang anak.

"Anong pag uusapan natin?.." pasimpleng tanong ni Czarinna ngunit parang biglang kumabog ang kanyang dibdib ng halos hindi kumukurap na nakatitig sa kanya si Elly.

"May pupuntahan ka ba bukas o kaya ay may lakad kaba?" deritsahang tanong Elly.

"Sa umaga hanggang tanghali ay may lakad kami ni Lovely" sagot ni Czarinna.

"How about dinner, may i me meet kaba?" muling tanong ni Elly.

"Wa-wala!.." sagot ni Czarinna sabay iling nito.

"Kung ganun, pwede ba kitang ma invite for dinner? Tayong dalawa lang"

"Ah, eh!.." hindi makasagot ng deritso si Czarinna ngunit ang isip niya ay parang gustong sumigaw ng YES o kaya ay OO.

"Pwede ba, Czarinna?".. muling tanong ni Elly.

"Su-sure!.." nagkanda utal utal na sagot nito dahil parang biglang nagkarerahan ang mga daga sa kanyang dibdib.

"Salamat!.." kaytamis ng ngiting sumilay sa labi ni Elly ng mapapayag niya si Czarinna.

"Walang anuman iyon at salamat sa pag imbita".. iwas ang tingin ni Czarinna dahil parang naiilang siya na hindi niya kayang salubungin ng tingin ang mga makahulugang titig ni Elly.

Maya maya ay nagkunwari na siyang inaantok at pasimpleng naghikab siya at nakita naman ni Elly.

"Inaantok kana?.." may paghihinayang ang boses ni Elly dahil nais pa sana niyang makasama ng ioang sandali si Czarinna.

"Medyo napagod kasi ako sa kasusunod kanina kay Elizabeth".. alibay nito sa binata.

"Uuwi na ako kung ganuon para makapagpahinga ka na but tomorrow ay susunduin kita by 7:00pm "...saad ni Elly at napatango naman si Czarinna.

"Ihahatid na kita sa may pinto" ani Czarinna at napatango naman si Elly.

Nang nasa may pinto na sila ay napatitig si Elly kay Czarinna na para bang kaytagal niyang hindi nakita ang ina ng kanyang anak.

Huminga siya ng malalim na para bang humugot muna siya ng lakas ng loob saka tumikhin ito.

"C-Czarinna, pu-pwede ba akong makahingi ng isang good night kiss sa iyong labi kahit na ngayon lang?"... lakas loob na samo ni Elly.

Parang naumid bigla ang dila ni Czarinna at hindi makapagsalita, napatitig nalang siya sa mukha ni Elly at ng hawakan ng magkabilang kamay ni Elly ang mukha niya ay parang napasinghap siya.

"E-Elly!.." parang nanginginig ang boses nito sa pagsambit sa pangalan ng binata.

"Pwede ba Czarinna?".. muling untag ni Elly na noon ay dahan dahan ng lumalapit ang distansiya ng kanilang mukha.

Abot abot ang kaba sa dibdib ni Czarinna, hindi siya makapagsalita para sabihin ang kanyang kasagutan ngunit sa totoo lang ay nais niyang sabihing OO, PWEDE.

Maya maya pa ay damang dama na ni Czarinna ang mainit na hininga ni Elly kaya napatingala siya dahil ng sandaling iyon ay iniyuko niya ang kanyang ulo.

Biglang namula ang kanyang mukha ng malamang halos isang hibla nalang ang layo ng kanilang mga labi.

"Czarinna, noon ko pa gustong gawin sa iyo ito! Noon ko pa gustong hagkan ka dahil na miss kita ng sobra" pabulong na sabi ni Elly saka nito dahan dahan at banayad na hinagkan ang labi ni Czarinna.

Parang tumigil ang pag ikot ng mundo ni Czarinna ng dumampi sa kanyang labi ang mainit na labi ni Elly. Napasinghap pa siya ng magsimulang gumalaw ito na para bang inaakit siya.

Napapikit nalang si Czarinna ng mga sandaling iyon at ewan ba niya kung bakit bigla nalang dumaloy ang masaganang luha sa gilid ng kanyang mga mata habang nakapikit ang mga iyon.

"Bakit?.." mahinang bulong ni Elly saka nito pinahid ng mga daliri ang mga luhang naglandas sa pisngi ni Czarinna ngunit walang sagot na narinig dito bagkus ay napahikbi ito........"Czarinna, I love you! I love you so much!" kaylambing at punong puno ng pagmamahal na pahayag ni Elly saka nito niyakap ng mahigpit si Czarinna at isinandal sa kanyang matitipunong dibdib ang ulo nito malapit sa may tapat ng kanyang puso kaya dinig na dinig ni Czarinna  ang malakas na pagpintig ng kanyang puso.

Hinagkan  ng paulit ulit ni Elly ang noo ni Czarinna habang nakayakap dito at maya maya pa ay iniangat niyang muli ang mukha ni Czarinna........."Alam ko na punong puno ng takot ang iyong puso, but let me go inside to caress it, to melt and break the ice that covered on it. My love for you will help you to forget the pain of yesterday, don't be  afraid to love me because I will promise you that I will take care of your heart and I won't let it to be broken for the second time." madamdaming saad ni Elly saka muli nitong inangkin ang labi ni Czarinna.

"E-Elly!.." tanging sambit ni Czarinna at ng maghinang na muli ang kanilang mga labi ay kusa ng binigyang laya ni Czarinna ang labi ni Elly upang malayang maisagawa nito ang kanyang pag angkin sa kanyang labi at maya maya ay tumutugon na rin siya at ang mga kamay nito ay nakayakap sa leeg ni Elly kaya naman hindi napigilan ni Elly ang pagdaloy ng luha nito, ang luha ng kaligayahan dahil kahit na walang salitang namutawi sa mga bibig ni Czarinna ay damang dama niya sa ganti ng halik at yakap na pareho sila ng nararamdaman.

Abangan..... Mommy Czarinna and Daddy Elly's romantic dinner date.....💋💋💋

GENES for HIRE......by...emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon