Ate Vina,
Hi ! Kumusta ? Balita ko may pamilya kana. Nakita ko sa facebook mga post mo kasama ang anak at pamilya mo. Wala ako sa mood para kamustahin ka ng bongga kasi sa pag kakatanda ko bago kami umalis diyan sa atin ay medyo naiinis ako sayo dahil sa ginawa mo noon.
Hindi mo na siguro naaalala yung araw na iyon. Ang tagal na nun eh. Almost 11 years pero tandang-tanda ko pa ang mga sinabi mo noon sa akin na nagpaiyak sa akin ng sobra.
Gusto mo bang i-kwento ko sayo yung mga nangyari na kahit hindi mo mabasa ito ay okey lang. At least hindi ko makalimutan ang mga araw na iiwan niyo ako sa ere dahil sa mga selfish reason mo.
So let's start by going back 11 years ago...
Hindi ko na masyadong i-kekwento ang ibang detalye pero natatandaan ko ang mga araw na iniwan niyo ako ni Mae Ann.
Natatandaan ko pa yung araw na sinumbong mo ako kay Mama na may vandal sa school tungkol sa akin. Napagalitan pako noon dahil sa sumbong mo na hindi naman totoo kasi pinagkaisahan ako noon sa school.
At mas lalong lumala ang mga pang-iiwan niyo noong
dumating sila...
noong dumating Siya ...
noong dumating si Princess..
Gaya ng isinulat ko, ayaw niyo sa kanya. You don't like her kasi sabi niyo masyado siyang maarte, malandi, pala-mura at salbaheng bata. Sinabihan niyo akong lumayo sa kanya, na kapag hindi ko sinusunod ay ako ang nilalayuan niyo. Bata pa ako noon, mga bata pa tayo pero naranasan ko na ang pambubully niyo sa akin noon sa tuwing hindi ako sumusunod sa gusto niyo. Marami kayong sikretong hindi sinasabi sa akin kasi sabi niyo madaldal ako, okey lang ... wala naman akong paki-alam sa mga sikreto niyo.
Si Princess lang ang kalaro ko at kasama ko noong araw na iniwan niyo ako, noong araw na sinabihan mo si Mae Ann na huwag akong pansinin. Paulit-ulit lang ang nangyayari ... Isang araw magkakaibigan tayo, tapos sa susunod na araw hindi na naman. Away-Bati ang nangyayari sa ating tatlo. Yun nga lang ako ang kadalasang naiiwan.
At dumating sila.
Dumating Siya...
At gaya nga ng isinulat ko, mas dumami tayo, mas maraming kaibigan. Maraming kalaro at makakasama. Sabi mo nga noon mayroon crush sa Kanya si Regine kasi gwapo Siya.
Paki-alam ko ba.. puro laro lang ang nasa isip ko noon...
Hanggang sa dumating ang araw na nanligaw Siya...
Wala akong sinabihan, wala akong pinag-kwentuhan sa inyo, kahit kay Princess hindi ko sinabi ang nangyayari. Minsan nagtataka nga si Princess kung bakit ako tumatakbo papasok sa bahay pag nandyan na Siya. Hindi niya alam ang dahilan, hindi niyo alam dahil sigurado akong magagalit ka.
Pero may isang araw na kina-usap ako Niya sa likod ng jeep nila Mae Ann,
tinanong Niya kung bakit ako takbo ng takbo.
Syempre hindi ako sumagot at nakakahiya kasi sa aming dalawa Siya ang may mas alam sa ginagawa Niya. Balak kong mag walk-out noon kaso lang nakita mo kami.
Natakot ako sa tingin mo noon, sabi mo kakausapin mo ako kaya iniwan ko Siya doon sa jeep.
Naaalala ko noon pinagalitan mo ako noon. Marami kang sinabi pero may isang salita mo na nag-paiyak sa akin ng todo...
Tinawag mo akong "MALANDI" ....
Sinabi mo malandi ako,
na dapat kay Regine lang Siya.
Marami ka pang sinabi pero hindi ko na naitatak sa utak ko kasi umiiyak na ako sa mga sinasabi ko..
Natatandaan ko pa noon, tumakbo ako palabas ng umiiyak.
Nakita pa nga Niya ako noon at tinanong Niya ako kung ano daw ang sinabi mo sa akin.
Hindi ako sumagot noon at tumakbo lang ako papasok ng bahay, buti na nga lang hindi ako nakita ni mama...
Pagkatapos ng araw na iyon, bumalik na naman sa lahat. Hindi niyo ako pinapansin at hindi niyo ako pinapasama sa mga lakad niyo.
Si Princess lang ang lagi kong kasama at ang mga kapatid Niya...
At dumating araw na iyon,
araw na hindi man lang ako nakapagpaalam sa inyong lahat...
BINABASA MO ANG
Sudden Memories
Non-FictionSa mga taong nakilala ko noon... Sa mga taong naging kaibigan at nagbigay ng kulay sa buhay ko... Sa mga taong naging kontrabida ng storya ko... Sa mga taong hindi ako iniwan noong mga panahong iyon... Sa mga taong naging parte ng buhay ko... Sa tao...