“Nak hndi kta masusundo, sobrang lakas ng ulan hintayin na lang kita sa bahay ingat sa pag-uwi dala mo naman ang payong mo db?”
Yan ang text ni Nanay, kasalukuyan ako ngayong nasa school, sa may waiting shed to be exact habang hinihintay siya. Palagi kasi akong hinahatid at sinusundo ni Nanay kahit first year highschool na ako. Palibhasa nag-iisa lamang akong anak kaya ganun si Nanay pero gaya nga ng text niya hindi niya ako masusundo ngayong gabi dahil sa sama ng panahon.
Binuksan ko na ang payong ko at nireplyan si Nanay.
“Ok lng po Nay, dala ko po ang payong, pauwi n rn po aq, luv u nay.”
Hanggang nsa mga oras na ito ay nag hihintay pa rin ako ng masasakyan, paano ba naman kasi punuan ang mga jeepney dahil sa lakas ng ulan at oras na rin ng uwian. Sinilip ko ang celphone ko at nakita ko na may mensahe ako galing ulit ito kay nanay.
“Ok nak, ingat love you too.”
Engineer sa Dubai ang Tatay kaya hindi nakapag tatakang sweet kami Nanay syempre minsan nag kakatampuhan rin kami, pero minsan lang naman hindi naman namin ito pinapatagal.
Makalipas ang tatlompung minuto ay nanatili pa rin akong nakatayo sa may waiting area habang nag hihintay ng masasakyan, punuan pa rin at hindi pa rin humuhupa ang malakas na ulan kaya napag- pasyahan kong lumakad na lamang dahil sa kabilang kalsada ay may sakayan din naman.
Dulot ng masamang panahon ay lalong dumilim ang paligid kaya binilisan ko ang aking pag-lalakad, isa kasi sa ayaw ni Nanay ay ang pag uwi ng masyadong late.
Nagdahan-dahan ako sa pag lalakad dahil napansin kong may sumusunod na Itim na sasakyan sa akin simula kanina pa, nung huminto ako ay huminto rin ito.
Para! sa wakas ay may nadaan ng Jeepney na konti lang ang sakay, hindi naman nakapag tataka kasi gumagabi na rin at kokonti na lamang ang mga pasaherong pauwi.
Neh saan ang baba mo?-tanong ng drayber at nilingon ako.
Ah kuya sa may Olivero street po.
Ah neh pagarahe na kasi ako kasi masyadong malakas ang ulan okey lang ba kung ibaba kita malapit sa Molave street?
Medyo malapit-lapit na iyon sa amin kaya tumango ako at sinagot si kuya drayber.
Okey lang po.
Ako ang huling pasaherong bumaba at kapansin-pansing mas lalong lumakas ang ulan na may kasama ng kulog at kidlat kaya agad kong binuksan ang payong ko
Halatang lahat ng tao ay nasa kanya-kanyang mga bahay dahil sa sama ng panahon. Gustong gusto ko ng umuwi at humiga sa malambot kong kama ng bigla akong napatigil. Nakita ko ulit ang itim na sasakyang sumusunod ata sa akin kanina, bigla akong kinabahan kaya binilisan ang aking pag lakad.

BINABASA MO ANG
SA AKING PAG-UWI (one shot)
Mystery / ThrillerRINGGGGGGGGGGGGGGGG!!!!!!!!!! SA WAKAS UWIAN NA...