Time Check - One Shot Story

150 2 0
                                    

This story was based on my dream.

May mga dinagdag lang din ako sa first part and iniba but the ending was most likely similar to my dream.

---------------

“Guys, ano ba nangyari kay Jian? Hindi na pumapasok tapos hindi rin nagrereply sa text. Pag tinatawagan, hindi naman sumasagot. Nagtampo ba satin yun?” Mylene.

These past few days, hindi na namin nakikita si Jian sa school. Nung mga huling araw din na nakita namin siya, parang malungkot siya tsaka lagi siyang matamlay. Palagi din siyang pinapauwi ng maaga nila Tita, tapos biglang maraming bawal. Hindi na rin siya pinapadala ng sasakyan. Ayaw naman niyang sabihin samin kung bakit.

“Sayang naman kung hindi na siya papasok. Ilang araw nalang din naman, summer na.” Christel.

***

Lumipas ang araw, linggo, buwan, hindi pa rin namin nakikita si Jian. Hindi rin siya naka-attend ng recognition namin. Sabi ng mga teachers, baka nagbakasyon daw kaya hindi na nakabalik.

Sabi ni Sir Romero, nakita daw niya si Tita sa mall nung Sabado. So we assume na nandito na sila sa Pilipinas. Birthday na rin bukas ni Jian, plano namin na i-surprise siya sa birthday niya. 18 na kasi siya, pero namention niya dati na ayaw niya ng bonggang party kasi baka masayang lang daw, tapos baka hindi rin naman matuloy pag nagplano pa.

Kaya kami nalang yung gagawa ng paraan para kahit papano, mag-enjoy siya sa birthday niya. Mayaman naman kasi sila pero napaka-simple lang niya talaga.

“Guys, check this o.” Pinakita samin ni Nicole ang iPhone niya, nagtweet si Jian.

May mga bagay talagang kahit ayaw mong mangyari, kung yun ang nakatakda, hinding-hindi mo talaga yun matatakasan. Lord, thank you. Kayo na po ang bahala sa akin. :’)

“Huh? Kelan pa siya naging religious?” Grechelle.

“Baka naman yan yung epekto ng bakasyon niya.” Pabiro kong sabi.

Pero nakakapanibago, medyo gets ko kung ano yung ibig niyang sabihin, pero ayaw ko mag-assume, at ayoko rin isipin na ganun nga talaga ang nangyayari sa kanya ngayon.

“Guys, why don’t we surprise her today? I mean mamayang gabi? Sabayan natin siya sa pagsalubong ng birthday niya. I think mas maganda yun kesa bukas pa natin siya i-surprise dba?” Ako.

“Game!”

We started planning for our surprise for her. Simple lang, tulad ng gusto niya. Balloons, cake and finger foods lang. “Sana magustuhan mo.” I said while preparing my gift for her.

Sa last three months ng school year lang din kami naging close na dalawa, pero na-enjoy ko lahat ng oras na kasama namin siya. Hindi ko pa man siya gaanong kilala, but I’m willing to spend more time with her to know her better.

(May 30, 2013.. 8PM)

Papunta na kami ngayon sa bahay ni Jian, habang nagpapark ng kotse, nakita namin si Dr. Sweden na lumabas sa gate ng bahay nila. Si Dr. Sweden yung family doctor nila.

“May sakit ba si Tito or Tita?” Tanong ni Grechelle.

Nagkibit balikat lang kaming lahat since hindi naman namin alam.

This time, mas lalo akong kinabahan.

What if totoo yung iniisip ko? Wag naman sana.

Pumunta kami sa harap ng gate nila at nagdoorbell. Naka-ngiti kami habang hinihintay na bumukas ang gate, at excited na din kaming sorpresahin siya.

Time Check - One Shot StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon