Jollibee

180 6 1
                                    

Isa.

Mataba.

Pula.

Bubuyog.

Nainlove ako...

Sa isang Jollibee.

***

Isang araw.

"Welcome to Jollibee Ma'am!" Bati sa akin pagpasok ko sa Jollibee.

Biruin mo araw-araw ata akong dumadaan dito.

Sa Jollibee may pagkain.

Sa Jollibee may party!

At sa Jollibee kaya masaya ako.

Sino bang malulungkot kapag nagparty at kumain ka dito Aber?! Kung yung mga matatanda pa nga dito dinadala ng kanyan mga anak at apo. Masaya na nga, Complete Family pa!

Araw-araw nga akong nagdadaan dito pagkatapos ng school. Madalas kung kainin ang Jollibee sphagetti. Kapag ka busog ako, dumadaan parin ako at bibili ng Sundae, Coke Float o kaya'y Milo Mix. At kung busog na busog naman na talaga ako, dumadaan ako para... Umihi. :D

Alam niyo bang isang buwan nalang 16th birthday ko na? At gusto ko dito mismo ako magpaparty. Ang saya kaya! Try niyo!

Speaking of party, mukhang may party nga. Nak'z Si Jollibee makikita ko na! Ngingiti at sasayaw at kakaway. HAHAHAHA Kaya ko rin kayang gawin yun. Sasayaw ng nakangiti na kumakaway. ASTIG!

Pumila na ako para mag-order. Asusual mahaba ang pila.

Sa wakas!

Ako na ang susunod.

*After 20 Minutes*

Ugh.

Gaano ba kadami ang inoorder nitong lalaki sa harapan ko at halos abutin na ng kalahating oras?

Dahil sa nangangati na ang mata ko.

Sinilip ko yung inorder niya.

0______0

"Anak ng hamburger naman po yan! Inabot ka ng dalawang minuto tapos FRENCH FRIES lang inorder mo?!"

Napatingin lahat ng mga tao sa lakas ng pagsigaw ko -_____- Nakakapang-init ng ulo kaya. Lokong to!  Nakipagchit-chat pa siguro to sa Girl Counter.

"Pwede mo naman daanan sa bulungan. Galing mo rin talagang sumigaw nuh Curly Sphagetti hair?" Nang-iinis ba siya?! Pasalamat nga siya ako lang ang nakapila sa likod niya. Paano kung marami kami? Aba! Machine Gun ang dadapo sakanya.

Natuto pa ako akong simangutan!

Binigyan ko siya ng mukhang di magawa ni Jollibee.(1) Ang isalubong ang kilay. (2) Mag-usok ng ilong. (3) At Gigil na gigil sa galit ang nguso ko.

"A-h. I'm Sorry Ma'am. *tingin sa taong french fries* Sir JB ngayon na daw po kayo mag-start sabi ng Daddy niyo."

Inirapan niya yung Girl Counter tapos taas noo siyang umalis sa pila.

Tama yan! Mag-out ka!

*Buuuurrpp*  Aaah.. I'm full! 

"Mommy! Mommy! It's Joyiibii..!" Tumakbo yung bata papunta kay Jollibee. 

Ang cute talaga niyang bubuyog na yan. :)

Ang saya-saya ng mga bata. Sobrang saya! 

Sana lahat na lang ng tao may ganitong wagas at tamis na ngiti katulad ni Jollibee. Ayiee! Bubuyog kana rin. ^____^

Nagulat ako nung lumapit siya. Hala?

Napagkamalan ata akong bata?

Kinuha niya ang kamay ko paraan para mapatayo ako.

JollibeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon