Lumapit si Don Fredo at Madame Viva sa pamilya Fuentes.
Sa una ay nag-aalinlangan pa si Madame Viva sa pag harap sa mga ito ngunit kailangan niyang iisang tabi ang kaniyang personal na buhay sa kanilang negosyo.
" Hello. Kumusta kayo. Kami pala ang Familia Andrews. Ako si Viva Andrews, ang may bahay ni Fredo Andrews. Si Blake at Naelito ang aming mga anak." Panimula ni Viva.
Nakatingin si Rodrigo sa kaniya habang nagsasalita.
Napansin iyon ng lahat.
" It's nice to see you again Viva." Nasabi nito.
" Again?" Nasa sa isip ng walang ka alam alam na si Aida.
Dumagundong ang puso ni Viva sa kaba, ayaw niyang masamain ni Fredo ang nasabi na iyon ni Rodrigo.
Kung kaya't kailangan niyang salagin ito.
" Well of course, it is very nice to see your old friends again together with his beautiful family." Sagot ni Viva.
Nahalata ni Fredo ang ilangan.
" Let's go inside, may kaunting salu salo kaming inihanda para sa ating lahat, duon na lamang tayo mag-usap patungkol sa offer." Pormal na nasabi ni Fredo upang maiwasan ang ilangang nangyayari.
" Tama Rodrigo. Let's go inside." Nasambit sa Mahinang boses ni Aida.
Narinig ni Fredo ang mga tinig na iyon ni Aida na parang musika sa kaniyang pandinig.
Ngunit kailangan niyang maging matibay para sa kaniyang pamilya.
Nagpunta sila sa dining table.
Habang kumakain.
" Aida, why don't you introduce our family to the Andrews." Basag ni Rodrigo sa katahimikan.
Maingat na inilapag ni Aida ang kaniyang mga kubyertos at nagsalita.
" Kami pala ang pamilya Fuentes. Ako si Aida ang asawa ni Rodrigo Fuentes at ang aming anak na si Zen. Ikinagagalak namin kayong makilala. " maikling pagpapakilala nito.
Tutok na Tutok si Fredo sa pagsasalita ni Aida. Hindi alam ng kapaligiran na may interes siya dito nuon. Siya lamang ang nakakaintindi ng kaniyang nararamdaman.
Kahit si Viva ay hindi alam ang nangyayari. Wala ring ka alam alam ang pamilya Fuentes sa tunay na nararamdaman ni Fredo patungo kay Aida.
" Blake anak, hindi mo man lang sinabi sa amin na nobya mo pala ang anak ni Rodrigo at Aida?" Nasambit ni Viva.
Nangiti si Blake habang hawak hawak ang kamay ni Zen na kaharap ni Mildred at Nonong.
" Well ma, Na open ko lang naman kay Zen ang tungkol sa proposal ng ating company and she suggested it to Sir Rodrigo at Madame Aida." Putol na pagpapaliwanag ni Blake.
" Iho, anak, Tita Aida na lang." Mahinhing nasabi ni Aida kay Blake habang nagpapaliwanag.
" Oo nga naman iho, tito na lamang ang itawag mo rin sa akin, tutal ay nakikita namin kung gaano mo kamahal ang aming anak na si Zen." Dagdag ni Rodrigo.
Laking gulat ni Viva at Fredo sa dalawang mapagkumbabang mag -asawa. Hindi nila akalain na sa sobrang yaman ng mga ito ay nakuha pa nilang maging mababa sa paningin ng ibang tao.
" Very well said Rodrigo, you still keep on impressing me." Nasambit ni Viva sa kaniyang sarili habang umiinom ng wine at pinagmamasdan ang masayang pamilya nito.
"Since when pa kayo naging mag nobyo Blake? " tanong ni Mildred. Nag silbing isang malaking katanungan na Naiwan sa kanila simula ng biglang naglaho si Zen sa kanilang landas.
BINABASA MO ANG
Si Sumpa at Si Mang KuKulam
Short StoryA Love of Friendship and a Sacrifice For Hatred.