Chapter 1

77 40 5
                                    

Chapter 1

Shone's POV

Ako nga pala si Shone Clouford at nakaranas narin ako nang love, sabi nila na " Love is like a rosary full of mystery " pero bakit yung samin hindi, Parang Destiny. Hayaan niyo ikwento ko sa inyo ang pagmamahal ko para kay Shara Smith.

Lunes- 8:00am

Pumunta ako sa school, nasa 3rd floor pa yung room namin at nung papasok nako sa room namin bigla kong nakita si Shara. Ang Pinaka Magandang Dilag sa buhay ko at ang malupet nag-hi siya sakin. Grabe ka-lalaki kong tao kinilig ako.

8:15am
Nag-simula ang klase at dumating si Mr. Darugong ang masungit naming teacher. Hindi ko napapansin na habang nagtuturo si Mr. Darugong sa unahan hindi ko napapansin na tulala ako. " Shone! Shone! " sabi ni Mr. Darugong " Bakit Sir?! " sagot ko. " Well. Tulala ka lang naman " sabi ni Mr. Darugong.
" Eh.. Sir! si Shone kaya tulala kasi nag-hi sa kanya si Shara.. Ayie! Ayie! Ayie! " sabi nang Teacher's pet namin sa klase siya si Joseph Chrisostomo.

" Ayiee.. " sabi nila
"Stop! Just focus on the topic Mr. Clouford!!!" sabi ni Mr. Darugong

9:25am

natapos ang klase at dumaretso nako sa Library para gawin ang mga assignments na binigay ni Mr. Darugong at alam niyo ba nakita ko si Shara. Wahaaaa! May problema nandun din si Joseph at dinala niya si Shara sa isang lugar at dahil chismoso ako sumunod ako.

" Shara may sasabihin ako sayo pero wag mong ipagsasabi kahit kanino? " sabi ni Joseph

" Sure.. why not, ano ba yun? " rinig kong sabi ni Shara.

" Si Shone kasi.......may gusto sayo " Pabiro ni Shone.

" Sus! Sure ka?! " sabi ni Shara

" Yes. tulala nga yun kanina sa klase eh. " sabi ni Joseph

" Well that's a good one.. " sabi ni Shara.

Oh see that's a good one daw sabi ni Shara iba talaga karisma ko. Great Job Shone!

9:48am
Habang naghahanap ako ng libro para sa assignment ko nakita ko si Shara na may inipit na papel sa libro ko at dali dali ko itong binasa.

Dear Shone,
Ako ito ang Ms. Flawless ng buhay mo, siguro naman nabalitaan mo na ang paparating na prom? Sa totoo lang wala pa akong date pero kung okey lang sayo gusto mo bang maging date ko sa prom? papayag ka ba?
<3 Shara
10:30am
Pumunta kami ni Shara sa canteen at pinag usapan ang paparating na prom " Grabe naman tong si Shara lahat gagawin lahat maging date lang ako " bulong ko sa sarili ko.

Conversation:
Shone: Shara Can I get your number?
Shara: Why?
Shone: Para ma-contact kita
Shara: Sure

( binigay ni Shara ang number niya kay Shone )

11:15am
Pauwi nako sa bahay at sinundo nako nang service ko. Makalipas ang isang oras nakarating nako sa bahay at sinalubong ako nang chismosa kong ate na si Ate Jane.
" Shone! ano? kayo naba ni Shara? " sabi ni Ate Jane
" Hindi pa ate.. pero konti nalang:) " sagot ko
umakyat narin ako sa kwarto.

7:00pm
Nakita ko na malungkot ang bunso kong kapatid nasi Sophie kaya naglaro kami malungkot kasi ang bata kaya pinasaya ko muna.

7:24pm

nag dinner ang family at eto na naman kami puro bussiness lang naman ang pinag uusapan so I walk out.
Tumawag si Shara sinagot ko pero hindi ako nag salita tignan
lang natin..

" Hello! Hello! Shone!! magkita tayo bukas. sa tapat nang library 8:00am " sabi niya

Tuesday 8:00am

Nagkita kami ni Shara sa tapat nang library. " Hi Shone! " bati niya. Hello din sabi ko. Pumunta kami sa Tagaytay Starbucks at ipinakilala sakin ang isang designer na si Mr. Felipe Gonzales sayang nga eh akala ko date na. " Mr. Felipe this is Shone my date make sure you will make him a wonderful suit " sabi ni Shara. Isang black suit ang binili niya sakin nakakahiya nga siya pa yung bumili at pagkatapos namin makipag meet pumunta na kami sa school dahil dun naka park yung kotse ko.

The Right TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon