Kabanata 2.
Justine's POV
''May tanong ako, Ericka.'' sabi ko sa baklang kapatid ko na busy sa pagdadrive. Siya kasi ang sumundo sa akin dahil may date daw si Kuya X.Y.''Gusto kong sagutin mo ako nang maayos kung ayaw mo pang mamatay ngayon.'' dagdag ko pa.
Inirapan niya ako at nagpatuloy sa pagmamaneho.''Ano ba kasi yun at kailangan mo pa talagang takutin ako? Kalurkey ka sis.''
Huminga ako ng malalim at hinarap si Ericka na mukhang handang makinig sa itatanong ko.
''Ano ang gagawin mo kung brokenhearted ang kaibigan mo?'' tanong ko.
''Jusko naman, Sisteret. Yan lang pala ang itatanong mo sa kin kailangan mo pa akong bigyan ng death threats.'' he said and rolled his eyes.
Sapakin ko kaya tong baklang to! Hindi na lang sumagot! Ang dami pang sinasabi.
Sasapakin ko na talaga sana siya ng bigla ulit itong nagsalita.
''Pag brokenhearted siya eh di tulungan mong magmove- on.'' Sabi nito.''O kaya naman ligawan mo na para makalimutan niya yung babaeng nanakit-Ouch naman!''
Binatukan ko nga. Hindi talaga makausap ng matino ang ulikbang to! Bwisit!
Ano yung sabi niya? Ligawan ko daw si Dylan? Para makalimutan niya si Eunice? Na-ah! Di kami talo ni Dylan. Bestfriend lang talaga turing namin sa isa't isa.
Hanggang sa makauwi kami ng bahay ay walang magandang nasabi si Ericka. Halos ihampas ko yung ulo niya sa manibela sa sobrang asar ko sa mga pinagsasasabi niya. Hayun nga ang ulikba at agad kumaripas ng takbo papasok ng bahay dahil alam niyang sisipain ko siya.
Ipinikit ko ang aking mga mata ng makarating ako sa aking kwarto at makahiga sa aking kama. Parang sumakit yung ulo ko sa pakikinig sa mga non sense na sinabi ng baklang yun. Bat ba kasi ako nagtanong duon? May sapak yun eh.
Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang nagakaganda kong kisame. Nakapaint kasi duon ang mga mukha ng idol na idol kong kpop boy group na BTS. Regalo ni Daddy sa akin ito nung mag eighteen ako. Nagsusuka sa BTS ang kwarto.
Nalipat ang tingin ko sa picture frame na nakalagay sa may wooden cabinet na nasa gilid ng kwarto ko. Picture namin yun ng mga tropapips ko. Naalala ko na naman si Dylan.
Kailangan ko talagang umisip ng paraan para maging maayos si Dylan. Kung kinakailangang iblackmail ko si Eunice mahalin niya lang si Dylan ay gagawin ko. Patayin ko na lang kaya si Abrenica? Anu ba yan, nagiging brutal na ako dito.
Nakatulog ako ng wala man lang ideya ang pumasok sa utak ko. Paano ko matutulungan si Dylan?
''Parekoy, may naisip kaming ideya para matulungan si pareng Dylan.'' Ani Matt ng magkita kita kami sa canteen. Dalawang araw ng absent si Dylan. Mukhang nakapatay din ang cellphone nito dahil hindi ko siya makontak.
''Ano?'' tanong ko habang sinusubukang tawagan ulit si Dylan.
Ngumisi si Matt at lumapit sa akin. Nilapit niya ang mukha niya sa akin at bumulong.
''Kailangan mong maakit si Nash Abrenica.''
Napalayo ako sa kanya at halos maibuga ko ang kinakain ko dahil sa sinabi nito. Ano daw?
A-aakitin ko daw si Nash? Ulol ba siya? Mukha ba akong ganung klaseng babae?
''Mukha mo, Matt!''
Akit pa ang gusto. Kung gusto niya siya na lang mang-akit sa hinayupak na yun. Pag naiisip ko yun, kinikilabutan ako.
''Yun lang yung naisip naming paraan, Kuys.'' ani Matt.''Ayaw mo bang tulungan si Dylan? Hahayaan mong mapunta ang pinsan mo sa manlolokong iyon? Sige ka! Sobrang broken si Pareng Dylan ngayon. Sa sobrang broken nun baka magpakamatay yun. Kakayanin ba ng konsensiya mo yun?'' pangongonsensya pa nito.
BINABASA MO ANG
My Boyish Girlfriend
RandomLove is foolishness for Nash Abrenica. Hindi siya naniniwala sa salitang Love at wala siyang balak maniwala duon. For him, that word didnt exist. That the word Love is just only a word. Not a promise to forever. Love is only lies that everyone's bel...