Taguan (Oneshot)

2.3K 54 87
                                    

Kaya pala di mo ko mahanap kasi...

~~~~

"Wooy! Kyre, laro tayo! Puh-lease! Sige na!"

"Nang ano? Walang katapusang taguan?!"

Mukhang medyo inis na to si Kyre sakin. Kababata ko yan! Simula nung magka-isip ako lagi ko na syang kalaro ng taguan.

Ewan ko ba may something sa kanya na simula nung una ko siyang makita eh, parang lagi na akong naiihing nakikiliting ewan. Hanggang ngayon na senior highschool na kami, lagi ko pa rin siyang inaaya maglaro ng taguan.

Wala eh, anong magagawa ko masaya ako kapag kasama ko siya kaya gumagawa na ako ng paraan para makasama siya.

"O sige na nga di na ako maglalaro ng basketball baka umiyak ka pa pag di kita napagbigyan. Pasalamat ka malakas ka sakin!" sabay gulo ng buhok ko

"Yeeeees! Thank you Kyre!"

"O sige na tago na! Ako ng taya, yan naman lagi ang rules mo eh, kaya walang nakikipaglaro sa'yo nung bata pa tayo."

Tama siya gusto ko ako yung nagtatago. Ewan ko ba pero mas gusto ko talaga kasing ako yung nagtatago. Tulad ngayon magtatago ako. 

At dapat di niya ako mahanap.

"Hadjee dapat nakatago ka na, 1,2,3,4,5...."

Ayun, at naglalakad lakad na siya,kulang na lang mag 360 yung ulo at mata niya kakahanap sa akin. Magaling kasi ako magtago. Kaya nga pati yung nararamdaman ko sa kanya natago ko ng 12 years. Ganun ako kagaling! Tumatakbo takbo na siya papunta sa room! 

*silip*

Pumasok na siya ng tuluyan sa room, di niya na NAMAN ako nahanap. Lagi na lang.

Naglakad na ako papuntang faucet para maghilamos. Matamlay akong umakyat nt room, natapos ang PE period namin ng di niya pa rin ako mahanap. Hay.

"Oy! Hadjee, sa'n ka ba nagtatago! Galing mo talaga sumuot kung saan!" sabay tapik sa balikat ko.

"Ako pa! Bilib ka na naman sakin" fake smile.

Dumiretso na ako sa upuan ko, masyado akong napagod. 

"Wooooooooohhh! Kyreeeeeeeeee! Si Kiraaaaa binibisita ka! HAHAHA"

Paano naman ako nito makakapagpahinga masyadong maingay mga kaklase ko.

Yan na naman sila, ba't ba lagi nilang nili-link si Kyre kay Kira, ba't kami hindi. *sigh*

Palihim akong tiningnan ng malungkot ni Creah. Alam niya kasi eh. Tumabi siya sakin at kiniliti ako.

"Oy! Ok lang yan! Huwag damdamin! Hahaha"

"Hahaha shunga! Di ko dinadamdam!"

"Oh sige balik na ako sa upuan ko, mag emote ka na dyan!"

"Laki talaga ng sapak mo sa utak!" 

*yaaaaawn*

Buti pa nito matulog na lang, kesa naman puro sigawan at tilian nila ang marinig ko. Kakabad vibes.

Nang akmang yuyuko na ako sa arm chair ko biglang may pumigil sa ulo ko.

"Hoy! Ano ba inaantok ako. =_________="

"Hadjee, lagi ka na lang inaantok!"

"Tingnan mo si bespren mo! Ang sweet nila ni Kira nuh. Selos na yan! Yaan mo na andito naman ako. Labyuuu!" sabay siko sakin

Leshee masyado ba akong obvious.

"Ewan ko sa'yo! Ba't naman ako magseselos. Makatulog na nga lang."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 01, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Taguan (Oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon