"Mahal na mahal kita. Tandaan mo iyan," ani Yannie. "Pero kailangan na talaga kitang kalimutan para sa ikabubuti ko," aniya at pinunasan ang mga luha sa mata. "Paalam minamahal kong Pizza!" aniya habang nag mumukmok.
"Siguro ka na ba diyan Yannie? Mag da-diet ka na talaga? Actually hindi ka naman mataba eh palakain ka lang," sabi ng kanyang kaibigan na si Amie habang kumakain ng potato chips.
Bumuntong hininga si Yannie. "Kailang ko na talagang mag diet. Tumataba na ako! Tignan mo oh itong uniform ko sumisikip na! Kailangan nang palitan ng bago," sabi niya at nag pout.
"Hahahah! Tama na kasi ang pagkain ng madami. Ayan tuloy tumataba ka na," sabi ni Amie.
Tumango naman si Yannie. "Kakayanin ko! Goodbye minamahal kong mga pagkain! Huhuhuhu hinding hindi ko kayo kakalimutan!" anito at natawa naman sakanya si Amie.
"Hahahah tama na nga iyang kadramahan na iyan. Tara na! Baka malate pa tayo," sabi ni Amie ay dumiretso na sila sa mga rooms nila.
Yannie's POV
Boring! Boring talaga kapag walang pagkain. Aish. Nakakainggit naman itong si Amie kung makakain wagas eh. Argh! Nang iinggit ata ito eh!
"Hmm sharap," sabi niya habang nilalamon yung burger na kakabili lang niya. Ako naman ay nag juice at isang biscuit lang. Ang daya!
Ano ba kasing ginagawa ng babaeng ito at kahit ilan beses pa siyang kumain ay hindi naman siya tumataba? Siguro may monster sa loob ng tiyan niya at yun yung kumakain at hindi siya. Waaahh! Pero imposible naman iyon.
Patuloy pa rin siyang kumakain. Argh! Hindi ko na kaya! Pero kakayanin ko! "Stop it Amie," sambit ko. Tumingin naman siya sa'kin at may ketchup pa talaga yung gilid ng labi niya.
"Sige aalis na muna ako kawawa ka naman baka mainggit ka," sabi niya at lumipat ng upuan pero nakikita ko parin siya. Argh!
Makakain na nga lang. Pag tapos ko kumain pag lingon ko wala na si Amie doon sa kabilang upuan umalis na siguro at hindi na naman nag paalam. Loka loka talaga yun. Nag basa muna ako ng libro. The Selection ang title ng libro na binabasa ko si Kierra Cass ang author, nice siya.
Habang nag babasa ako may biglang umupo sa harapan ko. "Can I sit here?" tanong niya.
Napataas ang kilay ko. "You are already seating tapos may gana kapang magtanong sa'kin kung pwede ka ba umupo d'yan?" sabi ko.
Ngumisi siya. "Bakit galit ka?" sabi nito. "Pikon!" sabi nito sa'kin.
"Shut up," sabi ko. "Marami pa namang upuan diyam bakit dito ka pa uupo?" mataray na tanong ko.
"Kasi gusto kitang maging kaibigan," sabi niya at nginitian ako.
"Utot mo. Hindi ako basta bastang nag titiwala sa ibang tao noh atsaka ayaw ko sa bastos na katulad mo," sabi ko.
"At sa tingin mo talaga totoo yung mga sinasabi ko? Ang assuming mo!" sabi niya.
"Pwede ba? Tumigil ka na lang. Hindi ka nakakatuwa," sabi ko.
Tumawa siya. "Bakit nag papatawa ba ako?" sabi niya.
"Pilosopo!" sabi ko.
"Pikon!" pag ganti niya.
"Bastos!" sabi ko.
"Hindi pa nga nag huhubad bastos na agad?" sabi niya. Argh!
Tumayo ako. "Manahimik ka na lang pwede!? Mag pasalamat ka na lang na pina upo pa kita dito!" sabi ko.
"Kahit anong sabihin mo uupo at uupo parin ako dito," sabi niya. Tinarayan ko siya at umalis na doon sa pwesto na iyon.
"Hoy pikon! Aalis ka na? Bye!" sigaw niya habang papalayo na ako. Kainis! Bwiset talaga itong araw na ito!
Amie's POV
Nag taka ako. Tahimik kasi si Yannie at mukhang bad mood. Anyare dito? Baka nagugutom na talaga ito kawawa naman.
"Uy Yannie. Problema mo teh?" tanong ko sakanya pero hindi niya ako pinansin at binilisan niya lang ang paglakad niya. Pauwi na din kasi kami.
"Wala!" sigaw niya. Anong wala? Mukhang galit nga siya eh.
"Sabihin mo sa'kin. Kung hindi mo kayang hindi kumain ng madami huwag mo na pilitin ang sarili mo!" sabi ko sakanya.
Humarap siya sa'kin. "Listen Amie. Kaya ko namang hindi kumain ng madami kaya lang ako naiinis kasi meron nang trip sa'kin at nakakainis talaga siya!" sabi niya at tumalikod at nag lakad na ulit.
Wait.. may nang trip sakanya!? "Hoy! Anong sinabi mong nan trip sa'yo? Inano ka niya ha? Binastos ka ba niya? Ano? Oh my god! Ni rape ka ba niya? Nooo!!! Wala na ang pinaka iingatan mo Yannie!" sabi ko. Hindi ito pwede!
Binatukan niya ako. "Ano ka ba Amie. Hindi ko hahayaang makuha ng kung sino sino ang virginity ko noh! At isa pa sino nag sabi sa'yo na binastos ako? Ang ibig kong sabihin ay nan trip lang sa'kin pero kahit na! Nakakainis parin iyon!" sabi niya ng dire-diretso.
"Tara?" sabi ko.
"Anong tara?" tanong niya. Ano ba iyan napaka slow talaga nitong babaeng ito!
"Tara resbakan na natin!" sabi ko. Ito kasi ang gusto ko. Ang makipag away kasama ang best friend ko. Enjoy kaya iyon.
"Manahimil ka nga Amie. Lalaki iyon hindi natin yun kaya," sabi niya. Ano daw!? Lalaki?
Nagulat naman ako dun. "Lalaki? May nang trip sayong lalaki? Maygad besh baka may gusto iyon sa iyo! Ano daw pangalan besh? Ayiiieeee!" sabi ko. Nakakakilig! First time na may mag kagusto sa besprend ko!
Binatukan niya nanaman ako. Sumosobra na ito ah! "Manahimik ka nga! Walang gusto gusto! Walang resbak! Wala lahat! Manahimik na lang tayo. Gulo lang iyang gusto mo," sabi niya.
Aww ang bait talaga ng besh ko. "Okay besh basta mag da-diet ka parin ah!" pang aasar ko sakanya at lalo pa siyang naging badmood. Hahahaha!!
BINABASA MO ANG
My Girlfriend is a Glutton
RomancePaano kung yung Girlfriend mo ay walang ginawa kundi kumain? Yung tipong mas mahal niya pa yung pagkain kaysa sa'yo. Hahahha! Huwag kang mag alala matakaw lang talaga iyon pero mahal ka parin niyan. Basta ito ang tandaan mo, kapag pagod ka na huwag...