"Oy! Anong problema mo, at bigla bigla ka na lang nangbabangga??!!"
- tanong sakin ng isang nomads na tao..Ooops! Actually hindi ko alam kung tao sya..Tss. D-U-H?
Seriously? Sa ganda kong to hindi nya ko kilala?! Excuse me lang ha??"Alam mo ba kung paano iispell ang salitang TANGA?, well wag mo nang itanong IKAW yun" -easy kong sabi sa kanya.. Na ikinausok ng pango nyang ilong, na ikinaaliwalas naman ng maganda kong mukha..
"Aba! Bastos kang babae ka! Ang kapal ng-" hindi nya na natapos dahil akmang sasampalin nya na ko ay nabuhos ko na ang mamahaling cappuccino frappe ko sa ulo nya.
"Ahhh!! How dare you??" - tanong nya este sigaw nya.
Inayos ko muna ang poise ko dahil nawawalan na ko ng gana.Nawawalan na ko ng ganang patagalin pa to."Let me introduce myself first. I am the owner of this cafe' Im Amber Gem Faulkerson. My father is the owner of Faulk's University. At ikaw hindi kita kilala pero ang pagkakaalam ko, ikaw ang anak ng YaYa ng lil' Sis ko right?? - napalunok sya sa sinabi ko.
"Im really sorry Ms. Amber" - sabi nya na ikinabulungan dito sa loob ng pinagawa kong cafeteria sa university na to.
"Its Okay be my slave" - tipid kong sagot. Aba? Sa tingin nya ganun nalang yun? Sino nga ba kasing hindi magugulat don? Yaya lang ang Nanay nya. May ari ako ng university na to. So 'what was that for' be my slave..
Tinaasan ko nalang sya ng kaliwa kong kilay na aabot na ng universe sa taas na ikinasunod nya kung saan ako pupunta.
Naupo ako sa 'tambayan ko' pinagawa ko yan para hindi ako mabored minsan, isang wide and cool ambiance na room lang naman to. Agree naman si Dad and Mom.By the way Im Amber Gem Faulkerson. Mayaman kami, Maganda ako, may lil' sister ako..
Buo ang pamilya ko, busy sila sa pagpapatakbo ng malaki naming company..
Kung itatanong nyo ko kung may lovelife ako..PWES! wag nyo nang itanong dahil NBSB ako..
Ewan ko ba sa mga lalaking yan, sa ganda kong to! And for boys information wala akong pakialam sa mukha nila! Kelangan ko puso!
Hindi pa ko tapos sa pagdadrama.
Nang magsalita naman tong slave ko.."Ms. Amber pwede na po ba kong pumasok sa next subject ko?"
"k. By The Way anong pangalan mong pangit ka?"
"Ahm Messy po"
"Eeew! Why cheap? What kind a MESS is you?, ok lunchbreak pumunta ka dito.
Wag ka nang mag palate, hindi ka maganda"
"opo Ms. Amber"
At nagsimula na syang maglakbay papuntang kawalan.
At ako naman ay pupunta na sa Next Subject ko.Nakinig lang ako ng mga find find na yan na hanggang ngayon hindi parin nahahanap..
Alam nyo ba kung bakit kadalasan ay ayaw ng mga students sa math??Eh pano ba naman laging hinahanap si 'X'..
Pagkatapos ng walang kwentang pagtuturo ay pumunta na ko sa tambayan ko..
And for boys information humahabol akong valedictorian.
Hindi porket anak ako ng may ari ng school na to.. Puro pasarap lang! Para saan pa ang ganda kung walang brain..Syempre 'BEAUTY & BRAIN' din.
At dahil napadaan ako sa mga nomads na tao. Aba! nagsitilian dahil naglalakad ang Dyosa sa harap nila. Pero mali ako may isa lang namang lumang babae dito na ngayon ko lang nakita..
Ang pagkakaalam ko ako lang ang pinagkakaguluhan dito. Marami akong manliligaw at sa dami non,, ayun! Naligaw!
"Ang ganda po ni Ms. Pam no?"
"Oy! Mess tigilan mo ko mas maganda pa ko dyan! At bakit ka nalate? Hindi bat sabi ko sayong hindi ka maganda!"
"Ms. Amber sorry nag take pa po kasi kami ng long test sa science"
"So? Kasalanan ng teacher mo?"
"Ay! hindi po"
"Ibili mo ko ng makakain, and dont forget to buy my favorite frappe.. Yung binuhos ko sayo kani-" ah bastos to ah. Okay lang ayaw nya nang maalala
"Sige po. Bibilisan ko at dadalhin ko agad dito" sabay alis nya.
Mamaya nga pupunta ko kay Venice.. Wala kang matinong makausap dito eh.
° after 10 minutes dumating na sya °
Habang kumakain kami naalala ko yung babaeng pinagtitilian kanina. At dahil maganda ako lakas loob kong tinanong yun. Curiosity kills kaya! Che!
"Mess, sino nga ba ulit yung babae kanina?"
"Alin po yung magandang pinagtitilian?"
"Ay! Hindi! yung lalaking pinagbubulungan" pambabara ko sa kanya
"Ah si Ms. Pam po.. Bago po sya dito nung nakaraan pang linggo, gwapo nga po ng Boyfriend nun, pinagtitilian din kaso po may pagka jerk yung Boyfriend nya"
"Mess ano nga ba ulit yung tinanong ko sayo kanina?"
"Kung sino po yung babaeng pinagtitilian kanina"
"Oh yun naman pala eh! Eh bakit pati lovelife nya kwinento mo rin?? Chismosang pangit" tumayo na ko at nagpunta na sa next class ko.
Sa totoo lang, hindi ako sanay.
Hindi ako sanay na hindi ako yung pinagtitilian ngayon..
Kung sino ka mang Pam ka, humanda ka!
