Untitled Part 1

14 0 0
                                    

Friends? NO WAY!

I buried my face on my pillow while sobbing.

" nakakainis! *hik* Bakit naman ganun yung sinabi nya? Hindi man lang ba nya inisip ang mararamdaman ko? *hik* ansakit nun ah! " sigaw ko.

Kinapa ko yung box ng tissue para punasan ang sipon kong nagbabadyang tumulo. Hindi ko yun mahanap kaya inangat ko ang ulo ko at kinuha iyun sa tabi lang ng unan ko pero wala na palang laman.

" pambihira! *sabay hagis sa box ng tissue at hagulgol* bati ba naman ikaw! Ikaw na nga lang yung karamay ko mawawala ka pa! Letche! Hindi talaga kayo napagod na saktan ako noh?"

Lalong lumakas ang iyak ko. Nakakainis naman kasi eh. Isang taon! Isang taon akong nag antay sa kanya pagkatapos nyang magbigay ng motibo tas yun yung ite-txt nya sakin, FRIENDS!!! FRIENDS?!!! NO WAY!!!!!!!

Hinila ko ang kumot ko at doon suminga.

" napakawalang hiya mo talaga Darwin. Siguro may iba ka na kaya mo nagawa sakin to."

Inabot ko ang cellphone ko at sa ika - 32 beses, babasahin ko ulit ang txt nya, nagbabakasakaling mali ang pagkakaintindi ko o wrong send.

" you can't do this to me. Andaming nagkakandarapa sakin tapos gagantuhin mo ako.*hik*"

Binasa ko ang txt nya, at kada isang linya na nababasa ko, dumadami ng dumadami ang patak ng luha ko.

"HUUUWAAAAHHH!!! *bato sa cellphone* AYOKO NA!! "

Muli kong tinago ang mukha ko sa unan at humagulgol. Grabe. Ngayon lang ako umiyak ng ganito katindi.

Sa tuwing naiisip ko na wala na akong pag asa sa kanya, sumasakit ng sobra yung dibdib ko.

" sana hindi na lang tayo nag college para hindi tayo naghiwalay. *hik* bakit ba kasi patay na patay ako sayong walang hiya kang paasa kang lalaki ka." bulong ko bago nakatulog.

Ilang buwan ang nakalipas....

Tinxt ako ni Cisca, Isa sa mga baliw kong kaibigan, punta daw kami sa bahay ni judy. Pumayag naman ako.

Kailangan ko ng kausap ngayon eh. Kailangan kong sabihin sa kanila to, kung hindi, sasabog ako sa sobrang sakit.

**********

"eh baliw pala yun eh!!! Tara, sugurin natin!"- Shella.

" tara na oh! ipapahanda ko na yung helicopter." -eunice.

" walang hiya pala yun eh. Kalbuhin ko pa sya." -judy

" tara, ipa-salvage na yan." -cisca.

Mga loka loka. -____-. Mental yata tong napuntahan ko. Sinabi ko kasi sa kanila yung nangyari at ganyan sila mag react. OA. Ipa-salvage ba naman yung mahal ko. Katayin ko sila eh.

" manahimik nga kayo. Saan niyo naman sya susugurin,aber?" - tanong ko.

"ahmmmm.. San nga ba?" -shella.

Tingnan mo to. -___-

" cisca. Alam mo ba bahay nun? " tanong ni shella kay cisca.

" Hindi!! Malay ko ba dun." tanggi ni Cisca.

" walang kwenta. Kaklase niyo ni judy yun tas di mo alam." - eunice.

" kaklase ko lang sya. Di ko sya kapatid o ano para malaman ko kung san sya nakatira ok?"- cisca.

" teka may GPS ako." biglang sabat ni judy.

Tiningnan namin sya na panay pindot sa phone nya. Maya maya pa ay bigla syang tumigil at tumingin samin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 29, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Friends? NO WAY!!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon