"Kumusta na kayo ni Owen?" Tanong ni daddy ng isang beses niya akong yayaing kumain sa labas. Ang kaso nakakailang beer na siya simula pumasok kami sa restaurant. Tapos ngayon babanggitin niya si Owen sa akin.
"Okay naman po kami."
Tiningnan niya ako. Hindi siya naniniwala. Anong magagawa ko, iniiwasan ko na naman si Owen dahil sa narinig ko at sa nangyari last game. Natalo ang team namin dahil hindi pinaglaro si Owen. Ako ang may kasalanan. Masyado ko siyang dinidistorbo. Lagi na lang niya akong sinasamahan sa lahat ng mga kadramahan ko sa buhay. Nasasakripisyo pala ang pagba-basketball niya.
"Bakit lagi na naman kayong magkasama ni Arden?"
"Dad, ayokong pag-usapan natin 'to." Maski si Arden gusto ko iwasan kaso makulit ang lalaking 'yon. Hanggang ngayon nagso-sorry pa rin siya sa akin tungkol sa nangyari noon sa backseat ng kotse ko.
Hindi naman niya kailangan mag-sorry. Ako dapat ang nagso-sorry. He might think that I badly wanted him to do me that day. I might like him but not use him just to forget...
"Ci?" Tawag ni dad. "Sorry kung makulit ako. Gusto ko lang talaga makilala kung sino ang lalaking mahal ng anak ko. At ayokong magaya ka kay..." Lumagok na lang siya ng beer niya.
"I'm not going to be like her." Ayoko ng usapan namin. Parang hindi ko maubos 'tong kinakain ko.
"Then leave at least one of them. Choose the one you love. Lalaki nga kami pero nasasaktan din kami."
"Dad," I don't want to leave Owen. "I want to enjoy our meal." Last warning ko sa kaniya.
Buti naman at tumigil na siya. Naging tahimik ang buong gabi namin pero gumugulo parin sa isipan ko ang sinabi ni dad. Mahal ko nga si Arden pero hindi ko kayang pakawalan na lang si Owen. Mabuti siyang kaibigan, nandyan siya pag kailangan ko ng matatakbuhan, hindi niya ako tinatanong at hinahayaan niya lang akong magkwento pag gusto ko. Masaya din siya kasama, gusto ko pag tinutugtugan niya ako, at talaga namang kakaiba ang sex namin.
Ang kaso nga lang nakakasira ako sa basketball career niya. Mahalaga sa kaniya ang paglalaro.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni dad nang matapos kaming kumain.
"I want dessert,"
Napakamot ulo si daddy. "Gusto sana kitang samahan kaso may plano akong makipagkita kay Tito Richie mo.
I smiled at him. Finally lalabas na siya sa lungga niya. "Basta wag kang iinom ng sobra."
Tumango siya sa akin. "I'm trying my best."
Niyakap ko siya't nagpaalam na. Gusto ko talagang balikan ang V-Tail kung saan akong dinala ni Owen para uminom ng smoothie. Parang sumunod ang lugar na 'yon kay Owen na nagtatangal ng sama ng loob ko.
Wala pang kalahating oras narating ko na ang V-Tail. As usual maraming tao pero hindi ko inaasahang makikita ko si Owen dito.
Madalas ba talaga siyang nandito?
Tatawagin ko sana siya sa kinatatayuan ko kaso lang baka may makakilala sa kaniya at dumugin pa siya. Baka madamay pa ako at mapagkamalang kung sino niya.
I decided to come closer to him. Surprised him. Nasa level naman kaming pwedeng mag-joke time 'di ba?
Why am I thinking so hard just to approach him? Medyo nainis ako sa sarili ko sa kung ano mang pinag-iisip ko. Inalis ko na lang ang mga kabaliwang gumugulo sa akin at nagsimula nang maglakad papalapit kay Owen.
Natigilan ako. This time hindi dahil sa may internal battle ako laban sa sarili ko, kundi sa nakita ko. May isang babae kasing lumapit kay Owen. Tinakpan ng babae ang mga mata ni Owen. Nasa likod siya kay hindi siya makita nito. Pareho sa binabalak kong gawin.
May sinabi si Owen na ikinatuwa ng babae. Tinangal niya ang kamay niya sa mata ni Owen niyakap ito. Nagtatawanan sila. Nag-uusap. Masaya silang pareho. Para silang mag-boyfriend at girlfriends. The girl reminded me of someone tho I can't remember where.
Instead of buying smoothie, I decided to go home. Hindi naman ako makakalapit sa bar kasi nandoon sila. Hindi ko naman kayang wag silang titigan habang umoorder ako sa isang table. Baka pagkamalan pa akong stalker or paparazzi.
Bumalik ako sa sasakyan ko na parang may built in TV sa mata ko na naka-auto rewind ang nakita ko sa loob ng restobar.
Somethings wrong with me! Am I being possessive? So what kung may kasang babae si Owen? Kilala naman talaga siyang notorious sa mga babae.
"Anyway, I badly need dessert with someone." Kausap ko sa sarili ko. Dinukot ko ang cellphone ko't tinawagan siya.
***
"Kala ko galit ka sa akin." Sabi niya nang magkita kami sa isang pastry shop.
"Bakit naman ako magagalit? Sa katunayan nga n'yan," umiwas ako ng tingin sa kaniya. "Nahihiya ako sayo. I'm sorry for being impulsive and..." hindi ko alam ang sasabihin kay Arden. Hindi ko rin alam kung ano ang pumasok sa kokote ko para yayain siyang kumain ng dessert. The initial plan was to go eat alone or with my dad but I ended up with Arden.
"Let's not talk about this." Iniba niya ang usapan. "Alam mo bang nag be-babysit ako ng pinsan ko ngayong 21 years old. Naaalala mo 'yung napagkamalan mong babae ko?" Bumuntong hininga siya. "Buti tinawagan mo ako kasi papahirapanna naman ako n'on sa lahat ng utos niya sa akin."
"What's her story? Bakit mo pala siya laging kasama?" Tanong ko.
"Her whole family left the country to migrate in Canada. Her parents are planning to branch our clinics there. But Baby wanted to stay here because of some stupid guy that she's in love with." Sumama 'yung itsura niya. "Kaya sa amin siya iniwan ng parents niya para alagaan."
Baby ba ang pangalan niya? Inisip kong mabuti kung anong itsura ng pinsan niya. Yung buhok lang at likod niya ang nakita ko noon eh. May side ng mukha niya--
"Ci? Okay ka lang?"
"That's her!" Napahampas pa ako ng kamay sa mesa. Siya 'yung babaeng kasama ni Owen kanina.
At si Owen ang 'some stupid guy' na tinutukoy ni Arden.
BINABASA MO ANG
My Painkiller✔️
RomanceThe Shift Series #1 It's just you inside me that can make my pain go away... Perfect na kung maituturing ang buhay ni Chantalle ngunit sa isang iglap bigla na lang samo't saring problema ang dumating. She was about to lose sht! Buti na lang at nandy...