Makikita ang ngiti sa mga labi ng isang taong nagtatago sa likod ng isang puno. Tumingala siya sa kalangitan, makikita pa rin ang kasiyahan sa kanyang mukha. Sa wakas, tapos na.
Narinig niyang may tumatawag sa kanyang pangalan.
Kapagdaka ay lumingon siya. Nakita niya ang dahilan ng kanyang mga ngiti sa labi.
Dahan dahan siyang humakbang papalayo. Patuloy pa rin ang pagtawag sa kanyang pangalan. Tumigil siya sa paghakbang, kumaway siya nang hindi lumilingon. "Tapos na. Tapos na", aniya sa kaniyang isip at pinagpatuloy ang paglalakad palayo.
____________________________________________________________________________
What do you think?
Do vote and leave a comment. Thank you. :-)
BINABASA MO ANG
Sinners Crawl
General FictionThe Seven Deadly Sins Pitong Babae. Pitong Kwento. Paano nga ba magbabago ang mga buhay nila? TAGLISH ; MATURE CONTENT