Punk Four
6 days
Anim na araw,yun ang natitira sa akin.Kung hindi ko makayanan ang isang immortal na katulad ni Evan ay maiiwan ko ang pamilya at kaibigan ko,mamatay ako ng maaga at dahil sa Evan na yun,matamlay ako ngayon.Nakaupo sa loob ng library katabi si Chill na gumagawa ng powerpoint para sa midterm report nito.Pinapanood siya habang ang ulo ko ay nasa ibabaw ng mesa.
"..Chill pag nawala ba ako,ma mimiss mo ako..?"..ayaw ko siyang iwan,hindi niya kayang mabuhay nang wala ako,walang mag poprotekta sa kanya.
Tumigil ito sa pag tatype.."..Depende kung ilang araw pero pag umabot ng one week ma mimiss kita,bakit mag babakasyon ba kayo ng pamilya mo..?",,,
"..Hindi,pero ako ma mimiss kita.."...malungkot kong sagot.
Nakakunot na ang noo nito.."..Hindi naman pala,bat mo naman ako ma mimiss kung hindi pala kayo aalis..?."
Ilang segundo muna ang nakalipas bago ko siya sinagot.."..Paano kung kunin na ako ni Lord?.."..o kaya ni kamatayan,gusto ko sanang sabihin din pero baka tumawa ito ng malakas at mapaalis kami sa library.
"..Ano bang nangyayari sayo Alex,kahapon kapa ah,anong problema..?"..nag aalala nitong tanong.."..Kahapon kinakausap mong mag isa ang sarili mo,ngayon naman parang ilang araw nalang at parang mamatay kana,sa klase ng pananalita mo..".
Maiiyak na talaga ako,ayoko ko pang mamatay,buong buo na ang desisyon ko,lalabanan ko si Evan,hindi magpapatalo sa kanya.Hindi ko iiwan ang nag iisa kung kaibigan at ang mahal kong mga magulang.
Umupo ako ng matuwid.
"..Hindi araw ang natitira sa akin kundi oras nalang,mamatay talaga ako pag hindi kapa tumigil diyan,kailangan mo na akong pakainin nuh."..pagbibiro ko sa kanya,positibo ako ngayon na kaya kung mabuhay ng higit pa sa sinasabi ni Evan.
Bumungtonghininga si Chill.."..Pinakaba mo naman ako,pagkain na naman pala.."..ngumiti ito,tumawa ng pigil.."..Baliw ka talaga,okay payat na piggy kakain na tayo.."..napangiti ako sa joke niya.
"..So baboy na ako ngayon,BB mo na ako?"..
"..Anong BB?"..
"..Baboy Bestfriend.."..
Napalakas na ang tawa nito.."..Hahahaha..joke lang yun,di bagay sayo ang baboy,masyadong kang payat.."..nakatawa pa rin ito at nakisabay na ako.
"..EHEMMM.."..nilingon namin kung saan nanggaling ang boses,from our librarian.
"..Sorry paalis napo kami.."..defend ko bago paman siya magsalita.
Dali-dali naming kinuha ang gamit sa mesa,at walang lingon na umalis sa library.
....................................................
"..Hanap muna tayo ng mesa bago mag order.."..suggest ni Chill."..Much better,hirap kasi pag may pagkain nga tayo,nakatayo naman.."..
Walang available sa dami ng estudyante sa canteen,rush hour kasi,kaya nakatayo kami sa harap ng mgakakaibigang kumakain,hinihintay na matapos sila para kami naman ang sumunod na gumamit ng mesa,sa hindi ko alam na dahilan ay mabilis silang natapos at umalis.
"..Alex,wag mo ngang gawin yan,kumakain sila nuh.."..sabi ni Chill ng kami na ang nakaupo sa lugar nila.
"..Huh?Bakit anong ginawa ko..?"..pagmamaangan ko.
"..Wala kang ginawa.."..
"..Tama,wala nga.."..nginitian ko siya.
"..Physically yes,but mentally sa klase ng tingin mo sa kanila ay pinapatay muna sila,kaya ayun mabilis nilang ipinasok lahat ng pagkain nila sa bibig para lang matapos sila.."...
BINABASA MO ANG
My Time of Death:Point SEVEN
RomancePitong araw,napaka importante niyan para sayo,ibig sabihin may seven days ka nalang para magsaya,para ma late sa klase,magsuot ng itim na damit,mag drive sa itim mo na sasakyan,makasama ang bestfriend mong nerd at syempre pamilya mo.Saka advice ko n...