Best Friend o Crush by Mark Kluster Mission Markeetales
PROLOGUE:
Love comes, maybe not in the way we want it to be but it will surely come in the way it used to be.
Minsan may mga bagay tayong inaasahan, pero ang nangyayari ay ang kabaligtaran. Minsan naman, yung mga bagay na akala natin imposible, unti-unting nangyayari.
Love is naturally unpredictable. Parang lindol lang yan, di natin alam kung kelan tayo yayanigin. At kapag natamaan na tayo, its either it will complete us or break our hearts.
**********
Neri's POV:
Heto na ako. Nagmamadaling lumabas sa apartment. First day ko ngayon sa band, as a songwriter. Ewan ko ba sa kanila. Sila lang yata yung bandang di marunong magsulat ng sariling kanta. Pero ok na rin kasi at least unti-unti ng natutupad ang pangarap ko, ang maging sikat na songwriter.
Ako nga pala si Neri, future famous songwriter/former hopeless romantic/ presently moved on. Lahat ng mga sentiments ko sa pagsulat ko nailalabas. And somehow it makes me feel better.
Almost 10 minutes na akong naghihintay ng jeep and finally heto na. Makakasakay na ako. When the engine started, the jeep started to run as well. At sa di kalayuan, muli itong huminto dahil may sasakay na pasahero.
Nakalapag na siya sa jeep nung naaninag ko ang mukha niya. Isang gwapong anghel ang nakita ko. Di ko maalis ang titig ko sa kanya.
"Miss pwedeng tumabi?"
Titig na titig pa rin ako sa kanya. Nasabi ko nga sa sarili ko, "Neri, maiinlove ka na naman tapos aasa ka, tas masasaktan ka, iiyak ka at magiging brokenhearted ka ulit."
"Miss?" sambit ng lalaki.
Napansin kong wala na nga siyang ibang mauupuan maliban sa tabi ko kaya...
"Yeah sure. Sige."
(Now Playing: Jeepney Love Story by Yeng Constantino)
Magkatabi na nga kami. Shems, ang bango niya. Mas lalo yata akong mahuhulog sa kanya. Pero teka, ang bilis ko naman yata. Love agad? Di ba pwedeng crush muna?
(Song stopped)
Mga 1 km na siguro tong natakbo ng jeep then suddenly..
"Para po manong. Baba na ako."
Ayy, bababa na siya? Ang bilis naman. Eh ano pa bang ineexpect ko? He's a stranger kaya malabong mapansin niya ako.
Pagdating ko sa studio, pinagalitan ako ng band manager. Late kasi ako kaya ito ang inabot ko.
"Pag sinabi kong 8am, dapat 8am nandito na kayo! O Vincent, nasa'n na si Chard?" - manager
"Sinundo niya po yung bagong male vocalist natin. Di raw kasi alam ang location natin eh." ani Vincent.
Ang tahimik ng studio. Takot yata ang lahat na mapagalitan ni Boss Elly, the band manager.
"Nandito na pala sila." sabi ni Vincent sa medyo malakas na boses.
Napatingin ako sa paparating and guess what, si Chard ang nakita ko kasama si gwapong anghel!
"Everyone, this is Lloyd, our new male vocalist." ani Chard
Isa-isang kinamayan ni gwapong anghel, este Lloyd ang lahat ng mga kasama ko at siyempre ako rin.
BINABASA MO ANG
Best Friend o Crush?
Teen FictionYung pakiramdam na parang inagawan ka pero ang totoo di siya inagaw kasi di naman siya sa'yo. Yung naiinggit ka sa bola kasi mabuti pa ang bola sinasalo pero ikaw hinahayaang mahulog. Pero yung akala mo WALANG FOREVER pero meron pala.