XXII. Friends Day

1.4K 54 0
                                    

Franzine Guillar

Nakatingin lang ako sa pinto at nag-aabang kay Nerd na pumasok. Matapos ko siyang iwanan dun sa rooftop ay iniwanan ko pa muna siya ng malutong na salita galing sa 'kin. Maya-maya lang ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng bulsa ko. Napatingin ako sa cellphone ko ng bigla itong umilaw.

1 unread message

From: Jam Klein (JK)

Magkita tayo mamaya sa hideout.

Tsk! Ano naman kaya ang kailangan ng isang to?

To: Jam Klein (JK)

Tsk! Ge.

*sent*

Napatingin ako sa pintuan ng may biglang pumasok. Nakita ko si Nerd na nakangiti habang nakatingin sa 'kin.

Tsk! Nerd..

Dumiretso siyang umupo sa tabi ko at hindi ko maisip kong ano ang nginingiti-ngiti niya, dahil ba 'to sa sinabi ko sa kanya kanina o may iba siyang dahilan.

"Uhm.." sabi niya at mukhang naghahanap ng salita na sasabihin.

"Tagal mo ah?" tanong ko sa kanya. Nabigla naman siya sa sinabi ko.

Naiinis na talaga ako sa paulit-ulit na gulat sa mukha niya.. Ba't ba siya nagugulat e, wala namang nakakagulat sa sinabi ko?

"Nag-isip muna—"

"Grabeng pag-iisip 'ah, magdamagan?" sabi ko sa kanya. Umiling naman siya sa 'kin.

"Can you let me finish what I want to say? Okay, nag-isip ako para sa gagawin nating celebration." sabi niya. Nagtaka naman ako sa sinabi niya.

Anong celebrasyon ang pinagsasabi niya?

"Ganun? Ge, wala akong interes dyan." sabi ko at ihihiga ko na sana ang ulo ko sa desk ng bigla niya akong pinigilan.

"Ano?!" inis na singhal ko sa kanya.

"Teka lang naman.." sabi niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin pero di man lang natinag. Inis ko nalang iniwas ang tingin ko sa kanya.

"Ano pa ba ang sasabihin mo?" malamig na tanong ko.

"Kailangan mo akong samahan." sabi niya. Nagkasalubong naman ang kilay ko at seryosong napatingin sa kanya.

"At bakit naman?" seryoso ngunit malamig na tanong ko.

"Dahil gusto ko.." taas-noong sabi niya at saka siya ngumiti.

"Gusto mo? Pa'no kung ayaw ko?" tanong ko muli. Napanguso naman siya sa sinabi ko.

"Bakit ayaw mo? Kasasabi mo lang kanina na hindi ako manghihinala... E parang ngayon nanghihinala na naman ako kung kaibigan mo talaga ako dahil ayaw mo 'kong samahan." sagot niya sa 'kin.

"Di ko na kasalanan kong maghinala ka sa pagkakaibigan natin, Nerd. Basta na sabi ko na sa 'yo at wala na akong sasabihin pa." sabi ko sa kanya at inihiga ang ulo ko sa desk saka ko pinikit ang mata ko.

Mas mabuting magpahinga nalang ako..

Narinig ko ang malalim na buntong hininga ni Nerd at biglang natahimik. Ilang minuto pa ang lumipas ay sinilip ko si Nerd pero nabigla ako ng nakatingin siya sa 'kin ng seryoso.

"Samahan mo na ako." parang batang sabi niya. Di ko siya pinansin at pinikit muli ang mga mata ko.

"Sa'n ba ang lakad mo at kailangan mo pa akong isama?" tanong ko sa kanya.

Gangster Princess meets Campus Nerd (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon