Prince Yonard Greffin
Dalawang araw narin ang nakalipas simula nung naging Officialy Friends na kami ni Franzine. Akala ko nga nagbibiro lang siya pero hindi, dahil this past few days ay hindi niya naman ako binigyan ng cold expression.
Kaya sapat na siguro yun para makapante akong friends na talaga kami.
Sabado ngayon at wala si Mommy dahil may inaatupag sa companya pati narin si Daddy. Kaya ako lang mag-isa ngayon sa bahay. Napabuntong hininga ako at napasandal sa sofa
Ano bang pwede kong gawin?
Naalala ko ang sinabi ni Mommy na may ibiniln siyang pera para daw mamasyal ako incase of mabored ako.
Kung mamasyal man ako mag-isa, mabo-bored parin ako. Ako lang mag-isa e.
Tumayo ako at tumungo sa kwarto ko. Nagtingin-tingin muna ako sa mga notebook ko at baka may assignment kami pero aksidente kong nabuksan ang likurang bahagi ng notebook ko at dun ko nakita ang sulat ni Franzine.
"Wait.." sabi ko sa sarili at napaisip bigla.
Bakit di ko naisip 'yun agad?
"I have a good idea." nakangiting sabi ko sa sarili.
---
Franzine Guillar
"Hinahanap hanap kita~~
Hinahanap hanap kita~~~ ahhhh!! Sa isip at panaginip bawat pagpihit ng tadhana~~~ Hinahanap hanap kita ahhh~~~ Sa isip at panaginip—"Bwesit na Hazel 'to! Ayaw parin tumigil sa pagkanta.
"Wala pa bang mas ilalakas 'yan?" sarkastikong tanong ko kay Hazel. Huminto naman siya at napatingin sa 'kin na may ngiti sa labi.
Akala niya siguro nagustuhan ko ang pagkanta niya na halos madinig na ng buong mundo sa lakas ng boses niya.
"Hmmm... Meron pa naman, gusto mo ilakas ko pa—"
"Subukan mo at ilalakas ko rin ang pagsampal sa 'yo para manahimik ka." malamig kong putol sa kanya.
"Grabe ka naman, Zi. Kita mo namang nag-eenjoy ako dito e." sabi niya.
"Sa tingin mo nakaka-enjoy rin ang pakikinig sa boses mo?" tanong ko sa kanya.
"Uhmm... siguro." mahinhin niyang sabi at nagpeace sign pa sa 'kin.
Napailing nalang ako sa kanya at pinagpatuloy ang ginagawa ko binibihisan ko kasi si Mama ngayon. Si Mama naman ay nakangiting nakikinig kay Hazel habang ako ay inis na sa pakikinig sa boses niya.
"Labas muna ako, Zi. I need some space." maarteng sabi ni Hazel at naglakad papunta sa pinto ng bahay.
"Mabuti pa nga." sabi ko sa kanya. Ngumuso naman si Hazel bago siya tuluyang nakalabas.
---
Hazel Chen
Aish! Epal talaga 'tong si Zi. Kitang kumakanta 'yung dyosa e, pinuputol pa talaga.
Hay! I need some space para mailakas ko pa ang boses ko mamaya sa pagkanta. Lumabas na ako sa bahay nila Zi at naglakad lakad. Wala si Mama ngayon dahil may lakad daw siya kaya doon muna ako kina Zi.
Habang naglalakad ako ay may nakita akong lalaki na parang may hinahanap dahil lumilinga siya sa mga bahay at napapatingin sa dala niyang cellphone. Inferness, ang gwapo niya sa suot niyang eyeglasses.
BINABASA MO ANG
Gangster Princess meets Campus Nerd (Editing)
Dla nastolatków(Completed) Paano magmahal ang isang Gangster sa isang Nerd? Paano kung may desisyon na kailangan gawin para sa kapakanan ng mahal niya? Paano kung susuko na siya? Pero ang isa naman ay patuloy parin ipinaglalaban ang pagmamahalan nila? Magiging mad...