Her Side

49 4 0
                                    

Two years, five months, seven days, four hours and counting.

Crush pa ba to?

Ewan.

Mahal ko na yata.
-------
"I will never let you fall.
I'll stand up with you, forever.
I'll be there for you through it all.
Even if saving you sends me to heaven."

This song. This song again. Naka headphones ako ngayon, listening to random songs, and this played. Para kailan lang noong kinanta niya to. Trip niya lang yun pero tagos sa puso ko, natamaan yata.

I opened my eyes.

Nakita ko na naman siya. Kasama yung bestfriend niya. Bestfriend nga ba?

Masakit. Parang nung nauntog ako sa poste. Nabangga ako ng isang libong tao. Kinagat ako ng isang milyong langgam.

'Wala lang yan! Sanay ka na eh!'

Nagtatawanan sila.

'Okay lang!'

Nagkukulitan.

'Okay lang!'

Niyakap niya.

'Tangina! Okay lang!'

Okay lang. Kaibigan ka naman eh. Kaysa layuan ka. Okay lang. Okay nalang.

Royce Vaughn Martinez. He's 17 years old. He was born last April 7, 1999. student. He plays guitar. Knows how to sing. Knows how to dance. He is with Marie Adele Cruz. He has 3 siblings. He was my bestfriend.

Was kasi hindi ko na siya bestfriend ngayon. Lumayo ako, sa pagbabakasaling maiwasan yung nararamdaman ko. Useless lang din pala.

Kilala ko siya. Natalo ko pa ang PI sa lahat ng alam ko sa kanya. Pwede ko na nga yatang magsulat ng biography niya.

I'm Dannica Faith Rodriguez. 17 years old.

I looked at them. Ang saya nila. Parang sila lang dalawa. Well, tatlo lang naman kaming nandito. Naglalakad sila sa hallway. Ako naman eh nandito sa ilalim ng puno sa gilid ng hallway. Nagpapahangin.

Dadaan sila sa harap ko. 'Please ayoko ng masaktan. Please lumiko nalang kayo. Please.'

He's holding her. Guiding her.

Nung nasa harap ko na sila ngumiti siya.

Ako? Parang namaster ko na yata ang pag ngiti kahit may masakit. Trying my very best. I smiled, a weak one.

'Be still heart, you'll get hurt again'

Nung nalagpasan na nila ako. Inakbayan niya si Adele.

'Damn!'

Ewan ko. Ang tanga ko siguro, pwede ko namang aminin. Pwede kong isampal sa kanya yung tanginang katotohanang sobrang mahal ko siya. Pero sheetofpaper lang ang manhid niya rin.

I need to tell him. I really need to tell him.

"Hoy! Dude!", tawag ko sa kanya kahit ang layo na nila.

Lumingon sila.

"Hey! Bakit dude?"


"Pwede tayong mag-usap?", I asked looking at Adele

"Ahh sure!" Lumapit siya sakin. "Marie pwedeng mauna ka na? Susunod ako promise" he said to her with a smile and then he kisses her forehead.


"Okay!" She said and smiles at him too.

Napapakit nalang ako.

'Damn. Mamaya na please. Pagnakaalis nako. Wag sa harap ko. Please. Please.'

"So dude?"

"Ahh yeah, remember when you asked for a gift?"


"Haha yeah, why?"


"Well, I have something for you, though it might get lost, please just accept"

"Pero sabi ko yung di mawawala!"


"Ano ba kasi yang bagay na di mawawala? Wala naman eh! WALANG FOREVER!!!!"


'Meron. Meron. Yung feelings ko sayo di mawawala'

"Tanggapin mo nalang kasi. Dami mo pang arte eh!"

Kahit parang hindi niya gusto tinanggap niya. Gaano ba kasi kahirap tanggapin to! Maybe because its worthless.

I handed a keychain to him. It's a guitar keychain mahilig siya mag guitar eh. Together with the letter I made.

"Letter? Para sakin? Bakit may letter pa dude! Pwede mo namang sabihin eh!"

"Wag na! Naghihintay sayo si Adele eh! Tsaka wala na akong time. Aalis na ako! Sige ha bye dude!"

'I need to walk away now. Before this tears drop.'

"Huh? Ang weird mo!!"

"Laaah? Ako pa weird noh? Sige na sige na! Alis na ko!"

'Walk away Dan, walk away. NOW!'

"Sige kitakits tayo next school year dude!"

I turned my back at him while waving, crying. Hoping I'm also leaving my feelings.

'Sorry dude, hindi na tayo magkikita eh. It's better this way. Baka paglumayo ako makalimutan ko na to. '

----------------------------
The letter

Hoooy!! Hahaha. Akalain mong nagsusulat pala ako ng letter? Hahaha wag mo nalang tong sawayin ha! Sasapakin talaga kita! First of, thank you ng sobraaaaang dami. Thank you kasi ikaw yung adviser ko, ikaw yung personal clown ko, ikaw yung tagaharana ko naalala mo yung una mong kinanta sa akin?

'"" I will never let you fall.
I'll stand up with you forever.
I'll be there for you through it all.
Even if saving you sends me to heaven. ""

Thank you kahit palagi mo nalang ginugulo ang buhok ko. Hahaha. Dude, masaya ka ngayon? Sana masaya ka, kasi susuntukin kita pag hindi! Dude sorry kung di ko to masasabi ng personal, mahirap eh! Mas mahirap pa sa Calculus at Geometry. Dude, mahal kita! Eewww. Hahaha. Kalain mo yun? Sobrang mahal kita. Sobrang mahal na promise ang sakit na. Yung tipong pagdating ko sa school nakikita ko kayong sobrang sweet, sabi kong walang forever eh. Hahahah. Okay lang. Pwede rin pala akong magmahal noh? Sinubukan kong pigilan. Promise! Peksman! Kagaya nung sa kanta. You didn't let me fall. I let myself fall. Ginawa ko lahat! Pero shit lang sobrang hirap pala hahaha. Alam kong mahal mo siya! Kitang-kita ko. Damang-dama ko. Siguro hindi lang talaga tayo pwede. I always show my boyish side to you kasi alam kong doon ka mas komportable, alam kong mas magkakasundo tayo. Alagaan mo yung si Adele ha? Mabait yun! Bestfriend, thank you sa lahat? I'm leaving. And as I leave I also wish I'm leaving my feelings for you. It's better this way. Mag momove-on muna ako. Hahahah. Mahal kita bestfriend na dude ko. Salamat.

Yung shungang babaeng bestfriend mo,
Dannica :)

***
------------

Letting Go (one-shot story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon