Namayori:
One-shot lang po 'tong Letter I. First time ko lang mag-one-shot so kung boring o corny ito para sa inyo, 'wag na kayong magtaka.
(Wala kasi akong maisip na magandang title, so. . .)
Enjoy reading! :)
***
"Sinong crush niyo?"
Tanong ni Mandy ㅡ isa sa mga kaklase namin, habang nakapalibot kami at gumawa ng circle.
Sa tanong niyang 'yon, napaisip din ako. Sino nga ba ang crush ko?
Pero hindi ko na pala kailangang mag-isip. Nandito kasi siya. Kasama namin.
"Akin, si Sandra." nagsimula na silang magsabi ng mga crushes nila nang magsalita si Ryan.
"Si Christian."
"Mark."
"Lianna."
At marami pa. Hindi ko na inalam kung sino ang mga crush nila dahil wala naman akong pakialam. Inaabangan ko lang kung kaninong pangalan ang babanggitin niya.
"Eh ikaw, Tristan?"
Lahat kami tinignan siya at hinihintay ang sagot niya.
"Si... Miley Cyrus."
Natahimik kami sa sagot niya. Seryoso ba siya o ano?
Bigla siyang tumawa. "Joke lang. Sikretong malupet!"
Nanlumo ang iba sa amin. Madaya raw siya. Pero ako? Napangiti lang sa sarili. Hindi rin naman ako handang masaktan kung sasabihin niya kung sino nga iyon.
"Si Jem oh, akala makakatakas!"
Nagulat ako sa sinabi ni Alex. Tapos lahat na rin sila napatingin sa akin. "Isa pa 'tong madaya. Oh, ano na, Jem? Sinong crush mo?"
Natrap ako sa tanong nila. Hindi ko kayang sabihin ㅡ lalo na't nandito si Tristan. Wala akong confidence para doon.
"W-wala. Wala akong crush." sabi ko na lang. Hindi pa ako ganoon kabaliw para aminin sa harap nila at ni Tristan na siya ang crush ko. Nakakahiya.
"Aysus! Wala raw! Imposible." hiyaw nila sa akin na hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi. Kasama kasi siya sa pang-aasar.
Tatlong taon na akong may gusto kay Tristan, simula noong second year kami. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya, eh na sa kanya na ang lahat? Gwapo siya at talagang charming. Matangkad. Basketball player. Volleyball player. Matalino. At gentleman.
Minsan, tinatanong ko ang sarili ko kung ano bang posibleng magustuhan sa akin ni Tristan?
May mga nagsasabing maganda raw ako kahit nakasalamin. Matalino rin ako. Tama lang ang katangkaran. Tahimik at may pagkamahiyain sa iba pero maingay pagdating sa mga kaibigan.
Oo, isa akong babaeng kinikilig nang patago at namumula tuwing dadaan ang crush niya. Nabobored kapag wala siya. Masaya kahit hanggang tingin lang. Nahihiya kapag kinakausap niya.