Chapter 13

2.2K 43 7
                                    

The truth is already out there.  Pinili niyang ituloy ang kanyang pagiging madre dahil nasaktan siya nang maging magkatipan sina Sam at Diana.  Ginawa niyang umalis upang makalimot sa sakit na nararamdaman niya.  Pero alam niyang mali ang kanyang ginawa.  Hindi naman niya itinuring na pagkakamali ang pagpasok niya ng kumbento.  Pero hindi niya dapat ginawang scapegoat ang pagmamadre dahil lang sa nabroken hearted siya.

Aminado siya na gusto niya talaga ang pagmamadre kahit noong 9 na taong gulang pa lamang siya nang bisitahin sila ng kanyang lola honorata na nakakabatang kapatid ng kanyang lola.  Sinabi nito sa kanya na nakapamapalad kapag ang isang tao ay nagmadre o nagpari at isa itong mataas na antas ng paglilingkod sa Diyos.

“Lahat ng babae maaring maging ina o isang mabuting asawa pero hindi lahat ay napili ng Panginoong maging madre.”  Sabi nito sa kanya nang malaman nito na siya ay magmamadre.  Pero sa nagayon, gusto na niyang talikuran ang pagiging madre, hindi dahil kay Sam, si Sam ay isang maliit na parte lamang ng kanyang desisyon.

Masyado siyang nalulungkot sa loob ng kumbento.  Noong mga unang tatlong taon ng kanyang pagiging nobisyada, medyo nakakayanan niya pa ang tahimik na pamumuhay sa kumbento, ngunit noong maging ‘juniorate siya’, nang nagsuot na siya ng abito at nagpalit na ng kanyang pangalan, ang kanyang pangalan ay Elaine na naging Sister Mary Frances.  They started to take the vows at yun ang chastity, poverty at obedience.  Limitado din ang kanilang pakikipag-usap sa mga taong hindi simbahan at hindi na siya nabibisita ng kanyang mga magulang at nina Diana dahil ito ay mahigpit na ipinagbabawal.  Limitado din ang kanilang pakikipag-usap sa kanilang kapwa madre.  Hindi sila pwede tumawa ng malakas, ipahayag ang kanilang mga sarili ng malaya at kahit ang kanilang pagpapadala ng sulat o pagtanggap ng tawag mula sa kanilang pamilya o kaibigan ay limitado.  Sadyang mapalad lang siyang mabigyan ng pagkakataong makapagbakasyon dahil sa lagay ng kanyang ama.

Ngayong nakalabas na siya, nakaramdam siya ng pagkalito kung nanainisin niya pang bumalik sa kumbento.  Napagtanto niya na hindi kailangan ng isang tao na maging isang madre o pari para makapagsilbi ng ganap sa Diyos.  Ang kailangan mo lamang ay magkaroon ng malinis na puso at taos sa pusong paglilingkod sa mga nangangailangan gaya ng kanyang naexperience noong nagkaroon sila ng outreach sa house of elders.  Masaya siya noon dahil ginamit siya ng Panginoon na maging instrumento para ipakita sa mga matatanda doon ang kanyang pagmamahal.

At ngayon, may isang buwan na lamang siya bago siya bumalik ng kumbento.  Kailangan niya makausap ang kanyang ina, at humingi ng payo kay Fr. Carlos tungkol sa kanyang pinagdaraanan.

Nagtungo siya sa silid ng kanyang ama at nakita nitong nakapikit ito.  Oras na nga kanyang pananghalian.  Isa pang dahilan ng kanyang paglabas sa kumbento ay ang kanyang pamilya.  Kahit pa sabihin ng kanyang ina na kaya nito ang pag-aalaga sa kanyang ama, alam nitong kinakayanan lang nito.  Pareho nang matanda ang kanyang mga magulang at ang kanyang ate naman ay hindi maasahan dahil pamilyado na ito.

Dala-dala niya ang pagkain at mga gamot na dapat inumin ng kanyang tatay.  Pritong isda at sabaw ng nilagang baboy ang pananghalian nito.  Paglapit niya sa higaan ng ama, hinawakan niya ang kamay nito.  Dumilat ito at tinignan siya.

“Pananghalian na po, tay.”  Tinulungan niyang umupo ang ama at sinimulang subuan ito.

“Masarap po ba, tay?”  Tanong niya.

“Oo.  Ikaw ba ang nagluto ng nilaga?”  Tanong ng kanyang ama.

“Opo.  Masarap po ba?  Pasado na po ba sa inyo?”

“Oo.  Masarap.  Kung hindi ka lang madre, pupwede ka nang mag-asawa.”  Biro ng ama.  Napangiti lang siya.

“Eh tay, baka po kasi hindi na ako magtuloy sa pagmamadre.  Parang gusto ko na po dito sa labas ng kumbento.”  Sabi niya.

Sacred VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon