Gab's POV
"Hoy! Gabriela Dannielle! Bumangon ka na riyan at malelate ka na! Susmeng batang to! Lagi ka nalang ganyan pag ginigising! Bangon ka na at ipagluto mo ng pagkain tong mga kapatid mo at ako'y papasok na sa trabaho."
"o-op-opo. anjan na po." sabi ko habang humihikab. grabe talaga tong si mama kung makapang gising sa umaga. pwede naman na "GAB! gising na anak at baka malate ka." lang ang sabihin niya. ang haba haba pa ng sinabi eh. haha bumangon na 'ko at nadatnan ko siya sa kusina.
"ma, next week na nga pala ung 4th grading test namin." sabi ko kay mama
"oh tapos?" ahy grabe!
"wala lang ma! share lang! hihi"
wala lang naman talaga eh. haha. wala din naman kasi akong binabayaran na tuition. scholar ako eh, scholar ng nanay ko. haha in short, nagtatrabaho din siya sa isang school. kaya libre kami ng mga kapatid ko ng tuition fee."sige na maligo ka na. nakapagluto na 'ko ng mga kakainin niyo. alis na ko, babye na. love you mga anak." kiniss naming tatlo si mama sa may pisngi.
"love you ma! ingat ka!"
inihain ko na ung mga niluto ni mama sa mesa at tinawag ko na ung mga kapatid ko. nauna pa pala silang nagising kesa sakin.
bago pa man ako makasubo sa kinakain ko,
**crazy 'coz i'm falling in love,
falling deeply in love with you
(yeah it's so damn true)nagriring yung phone ko!
"hello?" sabi ko sa kabilang linya. unknown number kasi. haha
"hi, miss beautiful! good morning!" ahy teka te! ang ganda ng boses, kaso di ko kilala.
"good morning din! uhh, sino pala to?"
hindi ko naman to boyfriend, wala namang nanliligaw sakin. hindi naman kasi ako maganda eh. wala. wala akong maisip na tao kung sino to.
"someday you'll find out,
and when you do, you're mine."
BINABASA MO ANG
Hopeless No More
Teen FictionGab, a shy-type girl, who was left by her boyfriend, changed herself to become like her bestfriend. She did not change to have a better love life, but she did to have a better life.... ...or did she?