Hinihingal na tumakbo ako papalayo habang tinitingnan kung may nakasunod pa rin sa akin. Nagtago ako sa isang malaking puno, nanginginig ako sa takot, naririnig ko ang kanyang mga yapak sa mga tuyong dahon na kanyang nadadaanan. Malapit na siya. Pumikit ako nang mariin at tumakbo ulit papalayo. Nilingon ko siya, nakita ko siyang nakatingin sakin nang nakangisi. Hindi ko namalayan, naramdaman ko na lang ang sarili kong parang nahuhulog. Itinaas ko ang aking mga kamay, wala akong mahawakan na kahit anong bagay na magpipigil sa aking pagkahulog, tumingin ako sa paligid ko, madilim. Patuloy pa rin ang pagbagsak ko. Sumulyap ako sa itaas, nakita ko siyang nakatunghay, may ngisi sa kanyang mga labi. Pumikit ako ng mariin. Gusto kong sumigaw ngunit walang lumalabas na salita sa aking mga labi. Patuloy ang pagsigaw ko sa aking utak nang biglang nag--
"Aray!" natigil ako sa pagtatype sa aking laptop nang marinig ko ang reklamo ng tao na nasa likuran ko.
Binaling ko ulit ang aking pansin sa sinusulat kong short story para sa isa kong subject.
"Excuse me?" napatigil ulit ako at napatingin sa lalaking nagsalita sa tabi ko.
"Yes?" nakataas na kilay na sagot ko.
Nagsalubong ang kilay ng kaharap ko. Tumingin ako sa hawak niyang maliit na plastic cup. Sa kanya pala tumama yung tinapon ko. Bumalik ulit ang tingin ko sa kanya.
"Miss, hindi ka man lang ba magso-sorry sa akin?" asar na sabi niya.
"Why would I? Excuse me din Mister whoever you are. I'm busy." walang gana na sabi ko sabay baling ng aking atensyon sa laptop na nasa harapan ko.
Asar na umalis ang lalaki nang napansin na wala siyang makukuhang sorry sa akin.
Hah! Me? Celine Alcantara, one of the richest at the age of 20, add to say that I have a beautiful face too, bow down for someone? Nah, never ever.
Nakarinig ako ng pagtikhim sa aking tabi, "Excuse me, young lady, your grandfather is on the line", walang salitang kinuha ko ang cellphone mula sa kanya.
"Yes?" walang buhay na sagot ko sa kabilang linya.
"Apo ko! Miss na kita! Hindi mo ba namiss ang Lolo?" malambing na bati niya sakin. He's Alonzo Alcantara. Ang natitira ko na lang na pamilya. He's now in the U.S.. Siya muna ang nag aasikaso ng company namin habang nag aaral pa ako. My parents are both dead that explains why I'm rich because they already named our fortune under my name even before they die.
"What is it Lolo?" hindi kami close ng Lolo ko kahit kami na lang dalawa ang natitirang magkapamilya.
"Masama bang mamiss ang aking nag iisang Apo?" nahimigan ko ang lungkot sa kanyang boses. Ramdam ko naman na gumagawa siya nang paraan para mawala ang pader na nakapagitan sa aming dalawa.
"Lo", napabuntong hininga na lang ako.
"Hindi mo pa ba napapatawad ang Lolo?" natigilan ako. Medyo matagal na rin pala.
"Sige na Lo, bye!" hindi ko na siya hinintay na sumagot at pinatay ko na ang cellphone na hawak ko.
Binigay ko ang cellphone sa assistant/P.A. ko. "Pakidala ng mga gamit ko at wag mo na muna akong sundan", sabi ko sabay lakad papunta sa aking safe haven, my secret garden. Pinagawa ko talaga ito dahil mahilig ako sa mga bulaklak. Walang ibang makakapasok dito kundi ako lang. Pag-aari ng pamilya namin ang school na ito kaya naman hindi rin makaangal ang mga estudyante sa ugali ko.
Umupo ako sa bench at pumikit. Naaamoy ko ang bango ng mga rosas.
Bakit nga ba?
Bakit nga ba hirap akong magpatawad?
Ilang years na nga ba ang nakalipas? 2? 3?
Matagal tagal na rin pala.
Dinilat ko ang aking mga mata nang maramdaman kong parang may nakatingin sa akin. Iginala ko ang aking paningin sa buong garden. Wala naman akong makita. Nakarinig ako ng kaluskos sa may bandang pader na nagsisilbing boundary nitong school mula sa labas. Natatabingan ito ng mga baging galing sa malaking puno malapit sa pader. Ang alam ko kakahuyan na ang likod ng mga pader kaya dito ko naisipan ipatayo itong secret garden para tahimik.
Tumayo ako at dahan dahan na lumapit. Natigil ang pagkaluskos. Iginala ko ang tingin sa paligid. Sino naman kaya ang papasok dito? Alam naman nila na mahigpit ko yung ipinagbabawal. Nagpatuloy ako sa paglapit. Nang malapit na ako ay bigla akong napatigil nang maramdaman ko na naman na parang may nakatingin sa akin. Napahawak ako sa aking batok. Lumingon lingon ako pero wala naman. Nang hahawiin ko na ang baging ay bigla na lang may tumalon. Nabigla ako at napasigaw. Napahawak ako sa aking dibdib. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Tumingin ako sa itaas ng pader. Narinig ko ang pagngiyaw ng isang pusa.
"Sh*t pusa lang pala!" bulalas ko habang nakatingin pa din sa pusa. Weird. Hindi pa rin umaalis ang pusa sa itaas ng pader at nakatingin lang sa akin.
Is it just me? Or talagang parang nakitang kong ngumisi sa akin ang pusa?
"Really Celine?" kastigo ko sa aking isip. "Pusa ngingisi?"
Binugaw ko paalis ang pusa. Weird talaga. Habang naglalakad ay nakatingin pa din siya sa akin. Napahawak na naman ako sa aking batok. Tumingin ulit ako dun sa pusa pero hindi ko na nakita. Bumalik na ako sa bench na inuupuan ko kanina pero hindi ako mapakali. Ewan ko ba. Yung pusa kanina parang.. Napailing na lang ako. Tumingin ako sa aking relo at nakita kong mag aalas singko na pala ng hapon. Nakadalawang oras din pala ako dito. Inilibot ko na lang ulit ang aking tingin sa garden at napagpasyahan nang umalis.
Someone's POV
Nakangising tumingin siya sa papalubog na araw. Malapit na.
BINABASA MO ANG
Sinners Crawl
Fiksi UmumThe Seven Deadly Sins Pitong Babae. Pitong Kwento. Paano nga ba magbabago ang mga buhay nila? TAGLISH ; MATURE CONTENT