Chapter 20

8K 218 11
                                    

GENES for HIRE
by....emzalbino
Chapter 20.....

Nakaalis na nga ang kotse ni Elly ay nakatanaw parin sa may gate si Czarinna, parang gumaan ang kanyang pakiramdam kanina ng nakakulong siya sa mga bisig ni Elly at magkahinang ang kanilang mga labi. Napangiti siya ng wala sa oras ng muling binalikan ang sandaling iyon sa kanila ng binata at ang hindi niya alam ay nasa kanyang likuran na pala ang kanyang daddy na nakasaksi sa mainit na halikan nila ni Elly.

"Ahemmm!..." sadyang nilakasan ni Don Edmundo ang pagtikhim nito para ipabatid sa kanyang unica hija na naroroon siya sa likuran nito.

"Da-dad! Kanina pa ba kayo rito?.." gulat na tanong ni Czarinna.

"Actually yes, but nasa may hardin lang ako at nagpapahangin, nakita ko pang umalis si Elly kanina" sagot ni Don Edmundo kaya naman napayuko at namula ang mukha ni Czarinna dahil sa pagkapahiya.

Hindi malaman ni Czarinna kung itatago nito ang kanyang mukha sa ama o kaya ay tatakluban para lang hindi makita ang pag ba blushed ng mukha niya dahil alam niyang nakita ng daddy niya ang halikan nila ni Elly.

"D-did you stayed there for long time daddy?" alanganing tanong ni Czarinna at ng tumango ang ama sabay ngiti ay napaluha na si Czarinna.

"It's okay anak, wala anmang masama sa ginawa mo eh! I think tama lang naman na sundin mo kung ano ang nararamdaman mo" mahinahong saad ni Don Edmundo.

"Do you think daddy na tama ang ginawa kong iyon?"

"Bakit hindi anak, Sa tingin ko naman ay walang masam dahil binata si Elly at dalaga ka naman at ang isa pang pinaka i portanteng rason ay si Elly ang ama ng iyong anak! Kung sa tingin mo ay masaya ka sa ginawa mong iyon then let your to be happy anak, sundin mo kung ano ang sinasabi nito at kalimutan mo na ang nakaraan dahil matagal ng inamag iyon at sa totoo lang iha, gusto ko si Elly para sa iyo. Kahit na ilang sandali ko palang na nakilala ang lalaking iyon, nakikita ko sa kanya na isa siyang mabait at responsableng padre de familia" nakangiting pahayag ni Don Edmundo.

"Hi-hindi kayo magagalit daddy kahit na alam niyo ng siya ang lalaking pinagbentahan ko ng aking dangal?" walang patid ang luha g tanong ni Czarinna sa ama.

"Bakit ako magagalit anak?"...nakangiting tanong ni Don Edmundo......."Siguro kung tinalikuran ni Elly ang apo at ipinagkaila niya na siya ang ama ay malamang na magagalit ako sa kanya. Pero ng makita ko kung gaano niya ipinakita ang pagmamahal kay Elizabeth ay hinanganan ko siya dahil iilan nalang ang mga lalaking kagaya ni Elly na alam niyang gampanan ang tungkulin niya bilang ama kahit na nasa ganyan kayong sitwasyon na dalawa at ang isa sa gusto ko pa sa kanya ay pilit niyang ipinaglalaban ang damdamin na mayroon siya para sa iyo upang mabuo ang masayang pamilya na kanyang pinapangarap" saad ni Don Edmundo kaya naman napayakap si Czarinna sa ama.

"Salamat po daddy at naliwanagan ang isipan ko dahil sa inyo" humihikbing turan ni Czarinna.

"Walang anuman anak, ang tanging hangad ko  lang bilang iyong ama at magulang ay makita kang masaya at may ngiti sa iyong mga labi at alam kong si Elly lang ang makakapagbigay noon saiyo kaya gawin mo kung ano ang makakapagpaligaya sa iyo anak, wag kang matakot, magtiwala ka sa pagmamahal niya" malumanay na sabi ni Don Edmundo saka nito hinagkan ang buhok ng kanyang anak.

"Thanks po daddy, mahal na mahal ko kayo ni mommy" naglalambing na wika ni Czarinna.

"Ang makita kitang masaya at ang aking apo ay walang hanggang kasiyahan para sa amin ng mommy mo, dahil bilang magulang ay kaligayahan ng kanyang mga anak ang tanging hangad namin at alam kong iyon din ang nadarama mo para kay Elizabeth" halos napaluha pa ang Don sa kanyang sinabi......."Sige na anak, matulog kana para makapagpahinga ka, good night!"...

GENES for HIRE......by...emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon