UNEDITED

1.3K 43 20
                                    

A/N : Dedicated to kay @KimMinHa. Bakit? Siya kasi yung kauna-unahang naging KAIBIGAN ko dito sa mundo ng Watty land.

Hi Ate. *Kaway Kaway* sana magustuhan mo po! ILOVEYOU MUAH MUAH!

---

Inis na kinuha ko 'yung phone ko kahit inaantok pa ko! Hay ang aga-aga, mang-iinis na naman 'to for sure!

(Hoyy Panget!) - tignan mo nga napaka hudas lang talaga nitong si Neil oh!

''Panget ka rin! Mamaya ka na nga tumawag! Yaman sa load eh''

Paano ba naman kasi, kagabi mag kausap lang kami at 2:am na kami natapos pag usapan ang mga walang kwentang bagay.

(Syempre, unli ata 'to, inaantok ka pa?)

Hiyang-hiya naman ako sa tanong niya, 6:am pa lang ngayon no! Natural inaantok pa ko.

''Ikaw ba inaantok pa?''

(Hmm medyo.)

''Walanjo! Natural inaantok pa rin ako! Kamusta naman tayo kagabi arrggh!''

(Haha! Oh relax ka lang Panget)

''Relax your face!''

Lagi niya ko sinasabihan ng PANGET, may depekto ba mukha ko? Ang cute ko nga raw sabi ng mga classmates ko tapos siya sasabihan niya ko ng Panget? Tss, di makatarungan. Di ko nga alam ba't pa ko nag tya-tyaga makipag text sa kanya or makipag usap ng hanggang gabi sa phone.

SUMMER BESTFRIEND ko si Neil. Bakit? Kase tuwing summer lang sila umuuwi ng Mom niya sa lugar namin pero since birth naman yun. Every summer nag kikita naman kami at mag kausap sa phone.

(Hoy panget!?)

''oh bakit ba?''

(Di ka na nag salita dyan eh)

''Sorry naman''

''Camille, Anaaaaaaaak''

Bigla akong tinawag ni Mommy kaya nag paalam muna ko kay Neil.

--

''Lalalalala ~~~" napapa kanta pa ko habang kumukuha ng juice sa ref.

''Saya yata ng anak ko?'' Tanong sakin ni Mommy.

''Hindi naman, maganda lang gising Mom''

''Weh? Kaya pala puyat ka pa, mag kausap kayo ni Neil kagabi diba?''

Naririnig niya na mag kausap kami? Di nga?

''Eh? Naririnig niyo kami?''

''Hindi, narinig ko lang ngayong umaga haha''

Psh, si Mommy talaga oh.

''Hayy nako Mommy, pupunta ba sila Tita Ann ngayong summer dito?''

Si Tita Ann, Mommy siya ni Neil. Kumares sila eh kaya naging mag friend kami ni Neil Panget.

''Hindi pa sure eh, may emergency daw yata, itanong mo kaya kay Neil? Lagi naman kayong mag kausap eh.''

Hindi makakapunta? Bakit wala naman sinasabi si Neil na may emergency sa kanila?

''Ah ganun ba''

'Yun lang yung nasagot ko kasi naman, first day ngayon ng summer, tapos ganun malalaman ko, di pa sure kung makakauwi sila Neil dito.

''Nalungkot ka diyan? Mami-miss mo si Neil no?''

Hala! MAMIMISS? WEH? DI NGA? AS IF! YUNG PANGET NA YUN!

Take Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon