Sa panahon ba ngaun uso pa ba at may naniniwala pa sa first love never dies? Well, kung ako ang tatanungin, oo naniniwala pako dito. Ganito kasi un, way back 1990's meron akong nakilala at minahal na lalaki. I really like him. From the very beggining, alam ko at gusto na sana siya na hangang sa huli. Pero hindi un nangyari. Minsang nagmahalan kaming dalawa pero hindi nagtagal at nauwi din sa hiwalayan. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa kanya, kahit wala na kami hinahanap hanap ko padin siya at nagnanais na magkabalikan kami. Lumipas ang ilang mga araw, buwan at taon at umibig na siya sa iba. Nagpakalayo layo at bumuo ng pamilya. Nagcross muli ang aming landas sa hindi sinasadyang pagkakataon, ilang beses din kaming nagkita, nagkatext at nagkausap. Pero ayun nauwi na naman sa hiwalayan. Lumipas pa ulit ang ilang taon, muli siyang nagparamdam sa akin, naging kami, sobrang saya per hindi tama. Mahal ko siya at kung meron mang isang tao na pwede at gusto kung balikan siya un. Tuwing magkasama kami halos ayaw na namin huminto ang oras. Ngaun ko lang siyang nakitang masaya at sakanya nadin un nangaling. Kaso gaya sa mga love story, dumating din sa puntong may nakaalam. Mahirap talaga ang patago. Katakot pero masaya. Dahil mahal ko siya ako na mismo ang kusang nagpalaya. Totoo nga ang kasibihan na sa huli ang pagsisisi. Tapos na ang nakaraan. Dumaan lang eto para bigyan tayo ng leksyon. Pagnagmahal ka mararanasan mo ang lahat ng pakiramdam. Ngaun masaya nako sa naging desisyon ko. Panahon na siguro para putulin ko ang anu mang natitirang nararamdaman ko sa kanya. Sana maging masaya na siya sa landas na tinatahak niya at kahit saan man siya ngaun. Mahal na Mahal ko siya. Love is sweeter the second time around but I need to put an end on this. Hangang sa kabilang mundo hinding hindi na ka na mawawala sa pagkatao ko. Kaya sa mga nagmamahal, wag niyo balewalain ang mga nagmamahal sa inyo dahil hindi niyo alam kung hangang kelan sila andyan para sa inyo.