Manila Girl
Maingay.
Magulo.
Mausok.
Mabaho.
Mainit.
Ganyan dito sa Maynila. Akala mo nasa impyerno ka na pero kung tutuusin, parang ganun na nga.
Mandurugas.
Magnanakaw.
Rapist.
Murderer.Ganyan ang mga tao dito. Iilan na ang mga masasabing anghel. Yung may mga dangal at puso. Yung mababait at may takot sa Diyos. Pero kung ibabase ang mga galaw mo sa lugar na ito, kawawa ka kung di ka marunong lumaban. Kung hindi ka marunong humawak ng kahit anong bagay na makakakitil sa buhay. Kung hindi ka marunong magtapang tapangan. Kung hindi ka marunong makipag utakan.
"Anak ka ng nanay mo! Asan na ang pera?! Ha?!"
"Wala na po. Ipinangbili na po naming ng pagkain."
"Letseng buhay to! Walang pakinabang! Layas!!"
Kanya kanyang paraan para mabuhay. Kanya kanyang paraan para makaligtas.
"Hoy bata! Magnanakaw! Akin na mga paninda ko"
Tss.
Matanda man o bata. Nasa katinuan man o wala. Kailangan mong gumawa ng paraan para mabuhay."Sir, 500 na lang. Call?"
"Di ko yan tatanggihan. Pasok"
"Pogi! Magkano ka? Isang gabi lang?"
"Mapapag usapan natin yan... Miss beautiful"
Babae o lalaki.
Kailangan mong kumita at maghanap buhay sa kahit anong paraan. Dugo't pawis man yan o dangal at kaluluwa. Kahit anong ibuwis mo, mabuhay ka lang."Tagay pa! Sige lang"
"Manang isang bote pa ng kuatro kantos"
"Hoy Leo! Ang haba haba na ng listahan mo dito. Magbayad ka muna"
"Aling Sonia, ito ang dalawang daan. Bigyan nyo na sya baka magwala pa yan. Kayo din" alo ko sa matandang tinder
"Pasalamat ka Leo at mabait tong si Aimee."
"Aimee tsong..." paakbay na sabi ni Colex
Inalis ko ang pagkakaakbay ni Colex.
"Aba aba aba... Pumapalag ka na ba
ngayon?" asar na tanong nya"Colex. Pass na muna ako. May tatrabahuhin pa ako. Sige"
At naglakad na ako palayo sa kanila.
Mabait ba talaga ako? O sadyang alam ko lang kung ano ang pakiramdam ng walang wala na. Pasado alas dies na ng gabi. Isinuot ko ang bagay na matagal ko ng kinalimutan pero dahil kailangan, gagawin ko. Pumarada sa harap ko ang isang magarang kulay pulang kotse at bumusina ito.
"Mae... Mae... Mae"
Yung boses na yun. Di ako pwedeng magkamali. Bigla akong kinabahan at napaatras ng bahagya. Dahil sa kulay dilaw na ilaw na tumama sa bintana ng sasakyan, lalo akong kinabahan ng mapagtanto ko ang taong nagsalita. Si Jordan. Di ko na alam ang sunod nyang sinabi dahil tumakbo na ako ng mabilis. Di kalayuan may maliwanag na bagay ang syang nagpahinto sa akin.
"Wag mo ng subukang tumakas. Wala ka ng pupuntahan."
Walang pupuntahan? Huh! Tingnan natin.
BINABASA MO ANG
Manila Girl
Mystery / ThrillerMinsan, kahit masama yung simula maaaring maging maganda ito sa huli. Kahit na labag sa damdamin, kailangan gawin. Mas mabuting gamitin ang utak kesa sa puso. Ipagpasabatas lahat ng gagawin. Mas mabuting ang batas ang humawak ng lahat.