Chapter Six

53.9K 905 70
                                    

The Intended Wife - Chapter Six

"Saan ka pupunta?" tanong ko kay Van.

"Pinapatawag ako ni Papa. May meeting daw," sagot niya.

"Gusto mo ba kumain muna?"

"Hindi na."

Inayos niya ang suot na polo. Pagkatapos ay sinuot ang relo at kinuha na ang gamit niya.

"Van, sandali," lumapit ako sa kanya at inabot 'ang sandwich na ginawa ko, "Dalhin mo na 'to. Para kung sakali na magutom ka, eh may makakain ka. Goodluck sa meeting mo. I love you."

"I hate you," sagot niya.

Pilit pa rin akong ngumiti, "Okay lang. Mahal naman kita."

Hindi na niya ako pinansin at nag lakad na palabas. Hinintay ko muna siyang maka alis bago ako pumasok sa loob.

Nang makapasok sa bahay ay iniligpit ko muna 'yong pagkain na hindi nagalaw. Wala naman akong gana kumain dahil wala akong kasabay. Nakakalungkot mag isa.

Pagkatapos ay umakyat na ako at naligo. Nag ayos na lang ako sa kwarto namin para naman may magawa ako. Inaayos ko 'yong mga damit ni Van nang may mapansin akong nakatago sa gilid ng cabinet niya.

Bracelet.

Ito 'yong bracelet namin noon. May pangalan ko 'to. Ito kasi 'yong friendship bracelet namin. 'Yong bracelet ko naman, pangalan niya ang nakalagay. Kinuha ko 'yon at nakita ko ang papel na nasa ilalim nito.

April 25, 2012

Kasal na namin ngayon. Hindi ko akalaing 'yong bestfriend ko pa ang mapapangasawa ko. Si Yna ang nakikita kong makakasama sa altar. Hindi si Chastine. Dahil alam kong masasaktan ko lang siya. Alam kong hindi ko na siya mapo-protektahan pa mula sa sarili ko. Kahit na anong pigil ko, nasasaktan ko pa rin siya. At ayokong mangyari pa 'yon.

Nangilid ang luha ko nang mabasa ang nakasulat sa papel. Ayaw naman pala niya akong saktan. Pero bakit ginagawa pa rin niya? Hindi na ba niya talaga kayang i-trato ako bilang kaibigan? Ayos na 'yon sa akin eh. Okay na ako sa pagiging bestfriend.

Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog ito. Ibinaba ko ang hawak ko at sinagot ang tawag.

Xander Calling...

"Hello?"

"Nasaan ka?"

"Nasa bahay. Bakit?"

"Alis tayo, libre ko."

"Hindi ako pwede eh."

"Bakit? May gagawin ka ba?"

"Eh kasi ano, bawal ako lumabas."

"Sino nagsabi? Si Viniel?

Hindi ako nakasagot.

"Pupuntahan kita diyan. Mag bihis ka na, aalis tayo."

Pagkasabi niya nun ay ibinaba na niya ang tawag. Napabuntong hininga na lang ako. Lagot ako kay Van kapag nalaman niyang umalis ako ng bahay.

Nag palit na ako ng damit at bumaba. Sakto naman ang pagtunog ng doorbell. Lumabas na ako at pinagbuksan ng gate si Xander. Naka park ang kotse niya sa labas ng bahay. Paano kung bumalik si Van at makita niya?

"Chastine, 'wag mo muna isipin si Van. Halika na. I-lock mo na 'yong bahay niyo," tila nabasa ni Xander ang nasa isip ko.

"Magagalit kasi siya."

"Ako ang bahala sa 'yo. Hindi ka niya sasaktan," paninigurado niya sa akin.

Kinuha niya ang susi sa akin at siya na mismo ang nag lock ng bahay. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila na ako papasok sa kotse niya.

The Intended Wife (Completed) [Published on Dreame]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon