HER POV
"Fuck bitawan mo ako France. I don't need you here. Get lost!!" Sabi ni Aldrin at tinulak ako.
"A-aldrin hindi ako aalis. Dito lang ako sa tabi mo.. hinding-hindi kita iiwan. Girlfriend mo ako aldrin. Please wag ka na umiyak." Pagmamakaawa ko sakanya.
"No. I don't have a girlfriend. You're not my fucking girlfriend!"
"T-then why did you ask me to be your girlfriend last month?" Tanong ko sakanya kahit na alam na alam ko na ang sagot.
"Is'nt obvious? I just used you as a r-rebound!!" Sabi niya at naglakad na palayo.
Yeah right... a rebound.
Bakit pa ba ako nasasaktan ng ganito eh alam ko naman na simula palang ng relasyon namin, rebound lang ako.
Hindi naman kasi siguro maiiwasang mag-assume diba? Na mafafall din siya sakin? Pero sa nangyare kanina lang alam kong..
HANGGANG REBOUND nalang ata talaga ako para sakanya.
"France mugto nanaman yang mata mo... tahan na anak. Ganyan talaga ang pag-ibig, hindi maiiwasang may masasaktan." Sabi ni mama saakin habang hinahaplos ang buhok ko.
Naka dapa ako sa kama ko ngayon at umiiyak sa unan ko.
"Ma thank you po sa pag-aalala pero pwede niyo po ba akong iwan muna?"
"Oh sige anak basta ba kakainin mo yung niluto ko sa baba ha?"
"Opo ma salamat po." Sabi ko sakanya at umalis na siya.
Sa isang buwan na pagsasama natin umasa akong may mararamdaman ka narin para saakin. Ngunit nagkamali ako.
Mahal mo padin pala siya.
Nagising ako nang may kumiliti sa paa ko.
"Hmmm anobayan."
Napabangon ako at nakitang nakaupo si Sab sa gilid ng kama.
"Ang baho ng paa mo France." Sabi ni Sab. Ang bestfriend ko.
"Siraulo." Sabi ko at nagtaklob ako ng unan at natulog ulit.
Istorbo.
"Oy kumilos ka na! Kailangan na nating pumasok baka malate pa tayo niyan."
"5 minutes."
"No. Bumangon ka na diyan."
"Hmmm."
"Aray Sab!" Sigaw ko ng hinila niya ako pababa ng kama.
Nyeta tumama yung baba ko dun sa kahoy ng kama.
Tinignan niya lang ako ng masama.
"Oo na maliligo na. Tigilan mo ako diyan sa titig mo kung ayaw mong dutdutin ko yang mata mo." Sabi ko at pumasok na sa banyo.
Alam ko naman ang iniisip non. Iniisip niya na nagpakatanga na naman ako for the nth time.
Paglabas ko ng banyo nakita ko si sab, ginagamit ang computer ko. Pumunta lang ata tong babaeng to para makahiram ng computer eh.
"Hoy Sab ano ba talagang pinunta mo dito ha."
Bigla niyang pinatay ang monitor. Mukha siyang di mapakali.