Zero no Seikatsu (Life of Zero)

12 0 0
                                    

Chapter 1

           “Isang kwento tungkol sa isang dalagang naglalakad mag isa sa sidewalk, may bitbit yung dalagang iyon. Malungkot sya, malungkot na malungkot parang lahat ng problema sa mundo ay pasan pasan nya. Tapos biglang may kotseng dumaan, muntikan na syang mabangga, buti na lang at hindi siya nahagip, tapos may motor namang dumaan, yung angkas sa likod ay isang binatilyong may dala ng baril dahil may pinatay sila kanina na isang bampira, at sa kasamaang palad ay natamaan ng ligaw na bala yung magandang dalaga.”

         “Nang matamaan ng ligaw na bala yung dalaga  . . .”

          Ay! Oo nga pala, ako nga pala si Zero Yamada, isang 3rd year high school ng Kirishiki High school. Ang ganda nung kwento noh?, kaso hindi ko na alam yung sunod, hehehehehe, pasensya na ha. Sapagkaka-alam ko,taga maynila ako at namatay ang mga magulang ko kwento ng Lola ko, namatay daw ang tatay ko dahil binaril sya tapos namatay naman ang nanay ko dahil nabangga sya ng kotse. Kwento pa nga ng Lola ko na meron akong matandang kapatid, kaso hindi daw nya tanda ang pangalan. Pero salamat sa Lola ko dahil may kumupkop sa akin.

          Baguhan pa lang ako sa school na yun kasi dati, sa Yuuki Academy ako nag-aaral eh. Nilipat ako ng Lola ko sa school na ito kasi maganda daw ang turo sa school na iyon. Hindi ako sanay sa paligid ng madaming tao kaya kadalasan, nasa library lang ako, minsan nga nasa may dalampasigan ako. Masarap kasi panoorin ang paglubog ng araw sa dalampasigan. At sa dalampasigan na iyon, nakilala ko si Naomi, isa syang 4th year student ng Kirishiki, kum baga eh Schoolmate ko sya. Tapos nagusap kami. . .

“Oh, bakit ka nadito mag-isa?”

“Pinapanood ko lumubog yung araw”

“Ah ako din, pwede bang tabi tayo?”

“sige”

Tumabi sya sa akin tapos tumingin ako sa kanya, ngumiti sya sa akin tapos sabay namin pinanood lumubog yung araw.

“Naomi, uuwi ka na ba?”

“Oo”

“Gusto mo, smahan kita?”

“Wag na, magkita na lang tayo ulit bukas”

          Umuwi na din ako pero dumaan muna ako sa isang tindahan para bumili ng kakainin namin ni lola. Pagkauwi ko, sabay kami kumain ni lola. Pagkatapos ng hapunan namin, natulog si lola ng maaga habang ako’y nanonood ng T.V. At sa salas na ako nakatulog. Kinabukasan, naglalakad ako papuntang school ng makita ko si Naomi, tumakbo ako papalapit sa kanya at sabay kami pumuntang school. Nalaman ko na si Naomi pala ay ang President ng Student Council sa school namin, magaling sya mag drawing at sya ay matalino. Tapos sabay kami kumain ng tanghalian sa school at sabay na din kami umuwi, pero tumatambay muna kami sa park para magpalipas ng oras. . .

“Ikaw ba Zero, kamusta naman ang Magulang mo?”

“Ha, eh, patay na sila eh”

Nagulat si Naomi sa sinabi ko.

“Ha, ah-eh, pasensya”

“Ah, ayus lang”

Tapos biglang tumahimik sya, umalis na lang syang bigla, iniwan nya ako sa Park, napaisip ako kung bakit sya umalis eh maaga pa naman eh, baka hinahanap na sya ng magulang nya. Umuwi na lang din ako, nakadungaw ako sa bintana sa kwarto ko, mga 7 na yun ng gabi nang may nakita akong gumalaw, madilim kasi kaya di ko masyado nakita ng ayus. Tapos kumuha ako ng flashlight at pumunta sa labas para tingnan kung anu yung gumalaw, pinuntahan ko yung puno tapos, may narinig ako sa tabi ng puno, parang nabaling sanga, kinakabahan ako at unti unti kong tinapat yung flashlight sa tabi ng puno, pag tinggin ko, isang pusa lang pala, hehehehehe, tapos tumakbo yung pusa, natakot ata sa akin. Tapos, manaramdaman akong pumatak sa ulo ko, pag tungo ko, isang taong nasa puno, napasigaw ako at biglang sumigaw din yung nasa puno. Tapos tinapatan ko sya ng ilaw ng flashlight na hawak hawak ko, pag tingin ko, si Naomi, kulay pula ang mata nya, at may dugo dugo ang suot nya. Tapos ma pangil ang ngipin nya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Zero no Seikatsu (Life of Zero)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon