Dear Diary,
Destiny? History repeats itself? Second chances? Save the best for the last?
HA.
Ayan yung pinaniwalaan ko dati. Assuming kasi ako. Akala ko totoo ang destiny. Na kaya ako umabot sa ganong point kasi baka... baka totoo nga. Baka destiny nga kami ni Ry. Ngayon ko lang napagtanto na planado nga pala lahat. Na kaya kami magkagrupo lagi kasi lumilipat ako. Kaya kami pareho lagi ng damit kasi stalker niya ako sa insta kung saan nilalagay niya lagi ang ootd niya.
Save the best for the last? Yan yung pinaniwalaan ko dati. Na kaya sobrang sarap sa feeling kasi ako yung huli. Alam ko. The best daw kasi ako. And alam niyo na kapag huli diba? Laging nananalo. Ganun naman kasi ang nakalakihan. Umasa ako. Umasang akin na nga ang trono kaya hindi na ako nag-effort.
Second chances? Naniwala rin ako jan e. Kasi si mama at papa? Nagkaroon sila ng second chance kaya nabuo ako. Akala ko kasi history repeats itself. Naniwala akong mangyayari din yun sa akin.
Napagod siguro. 15 months lang ang kinaya. Hindi ko kasi hinanap yung mali. Na kung tutuusin, wala naman talaga. Yun pala, nasa kaloob-looban yung mali ko. Hindi ko kasi agad tinignan. Ayun lang pala yun. Pero ano bang magagawa ko? Hindi ko na maaayos e. Malay ko bang ganun lang kabilis ang itatagal niya, diba?
Nag-assume kasi ako na baka madali lang. Na hindi ko na kailangan ng effort.
Pero ang sakit-sakit pala, ano? Now I know. Karma rin siguro 'to sa akin. Kaso mas masakit pala talaga kung ikaw na mismo ang nakaramdam.
Sa tanang buhay ko si Ry lang ang lalaking sineryoso ko. Wala akong paki sa lahat. Kasi siya lang ang gusto ko hanggang dulo. Siya lang.
Nagkulang lang talaga. Kung manghuhula lang ako at pinaalam sa akin na hindi siya para sa akin, simula pa lang, sumuko na ako. Sana sinukuan ko nalang, ano? Mas masakit kasi kapag nakapag-invest ka na.
Nakipagkita nga pala ako sa kanya. To ask for the second chance I've always wanted. Kaso, hindi na daw pwede. Kasi iba na pala ang gusto niya. Iba na ang Champion para sa kanya.
Prepared na ako for this day. Wearing red dress. Nag-ayos for this perfect moment.
Naghintay ng sobrang tagal.
Naghanda.... just to receive a no.
Just to witness him smiling and telling me that he already gave the crown to someone else.
Siyempre, umalis ako.
Siguro hindi nga talaga siya para sa akin.
Sometimes, you can't always have what you want. If it's meant to be it will be. Which I highly doubt is true in my case. Feeling ko para talaga siya sa akin. It just that I assumed that he was saving the crown for me. Akala ko hindi ko na kailangan ng effort. Kumapit kasi ako dun sa mahal kita e. Nakalimutan ko nga pala na it doesn't always work like that. Pwedeng magbago ang outcome.
Sige lang may next time pa naman. Of course, not with Ry. And for that next time, I won't let that-moment-I-can't-have scene to happen again.
This is not for me. Maybe I deserve something else.
Love,
Rie xThe End.
*****
//Real Scenario. Ibang names lang. Pov ko talaga 'to and si Ry? Siya yung the moment I can't have ko. Yup, hindi po siya tao. Moment lang siya. Ginawan ko lang ng kwento. Hahahahaha. January 30, 2016. Heart broken ako. Sumagi lang 'to agad sa isip ko. Time check: 11:32PM ng January 30, 2016. Kanina ko pa 'to iniisip sa tricycle. Ayan, okay na ako. Horaaaay. Ang saya at nailabas ko na lahat ng hinanakit ko. Yup, super waley since kanina lang ito nangyari.
Iba-iba naman kasi ang heart breaks na mapagdadaanan natin. Today is a lesson. Pero tanggap ko na.... pero masakit pa rin. Ajaness! Gorabells parin sa life! WE ARE GETTING ALL THROUGH THIS. ANEBEY. Magdiwaaaaang ang mga broken hearted! Tara't maglaklak ng patis huehuehuehuehue.
F. Sakit jud. Move on na me. Bye huhubells. MOVE ON NA. OKAY? OKAY.
BINABASA MO ANG
The Moment I Can't Have
RandomThere are times that you can't have what you always wanted --- the perfect moment you always prayed for. (Wala siyang kinalaman sa story) Ka-echosan lang ang lahat.