Pariah 1

12 0 0
                                    

Ice's POV

Andito ako sa hallway. As usual, inaabangan ko siya. Umaasang, papansinin niya ko.

Lagi akong maagang pumapasok makita lang siya. Oo martyr na kung martyr pero mahal ko siya. Nakikita ko siyang may kasamang babae, mga kalandian. Pero okay lang. Basta mahal ko siya.

"Cazch!" (pronounce as cash) finally! Andito na siya. After 2 hours of waiting.

"Nagbake akong cake para sayo. Gusto mo ba? Chocolate flavor to. Diba fav mo to? Nakita ko sa twitter at instagram mo eh. Sabay tayo maglunch kung gus- -"

"Pwede ba?! Get off me! Napakahabol mo masyado. Hindi mo ba alam na nakakaturn off?" ay. Ang sakit. Pero aja lang! Kaya ko to.

"Alam kong magugustuhan mo din ako. Hindi ako nawawalan ng pag - asa. Please. Chance naman oh."

"Ugh. Wag ka ng dumikit sakin. Ano na lang sasabihin ng mga tao sayo? You should be treated like a princess." ohmygosh! Princess daw! Sht sabi na ehh mahal niya a- -

"Pero I didn't said that I'm going to treat you as a princess cause you're not my princess so back off." sabi niya sabay talikod. Ahh okay. Baka queen niya ako hindi princess. Baka nagpapaka indenial lang siya. Tama tama.

Alam kong ang tanga ko na masyado. Pero ano bang magagawa ko? Gusto ko siya. Mahal ko siya. At umaasa akong sa dinami daming babaeng naghahabol sa kanya, sa akin ang bagsak niya.

Wow, lakas naman ng loob ko. Pero sabi nga, think positive! Aja lang! Ha ha ha ha.

Oo babae ako. Oo dapat ako yung nililigawan. Oo dapat ako yung binibigyan ng mga flowers at chocolates. Oo ako dapat yung prinsesa ng prinsipe ko. Oo ako dapat. Pero what am I doing? Masaya ako sa ginagawa ko pero tuwing marereject ako? Masakit. Every part of me is broken into pieces. I feel like a trash. Gosh.

"Oh anyare sa binake mo? Effective ba? Nagayuma mo ba?" yan nga pala ang sobra kong mareklamo/protective/mapagmahal na bestfriend na si Sachi.

"Iyo na kung gusto mo"

"Yan! Musta pagpupuyat natin te? Masarap ba? Ay oo masarap ding mareject! Ano bang mapapala mo dun kay Cazch eh samang sama naman nun like duh! You're a girl and you deserve love and respect for Pete's sake!"

Yan. Sermon na uli. Bat ba hindi nila ako maintindihan? Hays. Nagmamahal lang naman ako eh.

"Intindihin mo naman ako! Syete naman eh. Di ko kayang mabuhay ng wala siya!"

"Weh? Nabuhay ka nga ng 16 yrs ng wala siya eh."

"Noon yun kasi hindi pa siya dumadating sa buhay ko! Wala pang Cazch noon kaya sobrang boring ng life. Hayaan mo naman akong maging masaya kahit sandali."

"Masaya ka ba talaga sa ginagawa mo? Sa sobrang sakit ng nararamdaman nagiging visible na yang mga tinik sa dibdib mo oh! Yan oh ang dami. Isa dalawa tatlo apat.."

"Hala? Wala naman ah?" may lahing something ba to at may nakikita siyang hindi ko nakikita?

"Gaga. Common sense mo isuot mo. Umupo ka na nga dun naaasar ako sayo." katakot huhuhu.

"Hehe sige. Loveyou, Sachi!" lambing ko. Ajuju.

"Tse!"

Hays. Makapag aral na. Aasa na ulit ako mamaya.

Authors Note:

Alam kong pangatlo ko na tong story. Pero dahil malungkot at broken ako ngayon (at nagpapakatanga na din) i made this story. Ito yung nararamdaman ko ngayon eh. Hindi ko maituloy ang Status: In A Relationshit dahil masaya pa ang aura dun. Mahirap gumawa ng masayang kwento kung malungkot ka. Pati wala pa akong maisip na maayos na plot dun. Mga gasgas na ang naiisip ko at nakakatakot kasi baka hindi magustuhan ng mga magbabasa hahahaha. So, ito muna. Bahala na. Ha ha ha ha.

Twitter: @samanthaice_

IG: @ samanthanicolee1

-Ice

All right reserved 2016 ©

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 02, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Pariah GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon