Phantasm

13 0 0
                                    

--

Boring at nakakaantok ang subject namin ngayon pero nakuha ng dreamcatcher na nasa taas at gitna ng white board namin ang atensyon ko.




''Ma'am bago yan?''




Singit ko sa nag di-discuss naming adviser sa A.P. sabay turo sa magandang bagay na nakita ko.




''Oo hija, bigay lang kapatid ng asawa kong isang Native American.Okay back to the topic.Ang Assyrian naman ay kilala sa larangan ng pakikipagdigmaan........''






Napatingin ako sa crush ko sa harap na nakikinig sa adviser namin.




favorite niya kasi yung topic na ganyan haist.


nagring na yung bell.




Tumayo na ako at si  Abilene para mag break.




Nagulat na ako ng nasa harapan ko si Ethan.


''Zoe,pwede ba tayong mag usap?''




napanganga ako sa sinabi niya.




Crush mo niyayaya kang makipag usap sa kanya?!


Tumingin ako kay Abilene sumensyan siya sa akin ng 'go' sabay ngiti


ibinalik ko ang tingin ko kay Ethan.




Ngumiti siya sa akin.


Nauna siyang naglakad at sumunod naman ako sa kanya.


Paakyat kami ngayon ng rooftop.




Ano kaya ang paguusapan namin?


Kinakabahan ako sa pwedeng mangyare.


Oo kinakabahan ako pero syempre kahati nun ang saya!


  anong bang date ngayon?  

Nauntog ako sa likod niya ng bigla siyang tumigil.


Katapat niya ang pinto ng rooftop.


Napahawak tuloy ako sa ulo ko.




''Ayos ka lang?''




Oo ayos na ayos ako.




Ayos lang ako basta sayo ako nauntog.




Hinawakan niya ang door knob ng rooftop kasabay ng paghawak niya sa kanang kamay ko.






Sht lang.




Lord thank you po dininig niyo po ang araw araw kong dirasal sa inyo.




Para akong nasa langit hawak ang kamay ng crush ko.


Ito na pinaka masayang pangyayare sa buhay ko.




Binuksan na ni Ethan ang pintuan.




Unti unting sumilip ang liwanag sa amin.




Napanganga ako ng tuluyang binuksan ni Ethan ang pinto.




Bumungad sa akin ang sahig na puno ng yellow petals! Favorite color ko un paano niya alam?




Sa gitna nun merong blanket na pinalilibutan ng puting unan!




Nakaka relax sa mata tignan.




Sa pinakagitna ng blanket makikita nag mga pagkain na paborito ko




Malaking pizza, apple pie, Graham balls na nakalagay sa isang malaking Jar , ibat ibang klase ng chocolates at ilang box ng J.CO




Naguguluhana ko!




feeling ko anytime hihimatayin ako.




May tatlo akong kaklase na nandun.




Si Jane naka upo sa tapat ng piano, si Benj naman ay  may hawak na gitara at si Elaine naman ay may hawak ng mic.




Sa ibabaw ng Piano meron itong life size teddy bear!




Tumingin ako kay Ethan dahil naguguluhan ako.




"anong ibig sabihin nito Ethan?''






Wala siyang sinagot sa tanong ko kundi isang matamis na ngiti.




Nilahad niya ang kamay niya sa akin at hinawakan ko naman ito.




Pinaupo niya ako sa malaking blanket.




Hindi maalis ang tingin ko sa kanya.




Ang gwapo talaga ni Ethan kahit meron siyang salamin.






Hindi na ako magtatakakung bakit habuli siya ng mga babae dito sa school.




Bukod na gwapo, mabait, tahimik, maputi, matalino ay hindi pa siya nag kaka girlfriend.


All in one.


may kinuha siya sa bulsa ng polo niya.




napatakip ako ng bibig ng may ilabas siya ditong malit na box




Binuksan niya ito at isang magandang singsing ang bumungad sa harap ko!




naramdaman kong pinunasan ni Ethan ang gilid ng pisnge ko.




Hindi ko napansin naiyak na pala ako.




"Zoe, pinayagan na ako ni lola manligaw sa taong gusto ko basta ipangako kong hindi ito magiging distraction sa pagaaral ko''




sabi niya sa akin ng nakangiti






''Will you be my girlfriend?''






biglang tumugtog ang  pinano at gitara at kasabay nun ang pag kanta ni Elaine.




masaya akong tumango kasabay nun ang pagyakap niya sa akin








*RIIIIINNNGGGGG*






"Hoy Zoe break time na nagpapantasya ka na naman diyan'' -Abilene


--


























Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 15, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PhantasmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon