Chapter 27

6.6K 147 17
                                    


I love being a wife. Ngayon ko lang naramdaman ang feeling na 'to. Yung tipong inspired kang magtrabaho at excited kang umuwi dahil may naghihintay sa pag-uwi mo. Kung dati, halos wala na akong balak umuwi at pinakahuling gugustuhin ko ang manatili sa bahay ngayon ay bumaliktad na.

"How's your day, hon?" bungad sa 'kin ni Chris after I gave him a light kiss on his lips. I smiled at him dearestly. This is the reason why i'm excited everyday to go home.

"As usual hon, a long stress and tiring day." I answered. He put my head on his shoulder and kiss me on my temple.

"I'm sorry. It's my fault kung bakit lagi kang pagod. Sinalo mo lahat ng trabaho ko." saad niya saka siya napabuntong hininga.

I reached for his cheek and caressed it gently. "It's only for the meantime habang hindi ka pa gumagaling. Ilang araw na lang aalisin na rin naman yang benda mo eh. Bawi ka na lang soon tapos ako din ang magli-leave.. at bawal na umangal." i said joking to ease the moment. Ayokong makaramdam siya ng guilt.

He laugh and nodded. "Ofcourse, I won't. Pero paano kapag—" I cut him in his mid-sentence.

"Walang pero pero, okay? Think positive!" masiglang saad ko rito bago ko siya hinalikan sa labi. He response sweetly and again, we make love.

...

Mahigit isang linggo na rin simula ng magkaayos kami ni Chris. Things gets better between us. Kung dati lagi kaming nagbabangayan, ngayon naman halos hindi na kami maghiwalay.

Pumapasok pa rin ako sa kompanya dahil kailangan talaga ako doon at bilang kapalit ni chris kailangan tutok ako sa kompanya.I must admit na nagugustuhan ko na rin ang trabaho ko. Kaya naman, inspired na inspired akong pumasok. Pero kahit ganon ay kada oras ko namang tinatawagan si Chris at kinakamusta kay Arlene.

Si Arlene ang nag-aalaga sa kanya. Well, dahil nga siya ang private nurse niya. Kailangan niyang mag stay in sa bahay 24/7.

Si Dr. Perez naman, every other day siya pumupunta sa bahay para suriin si Chris kahit hectic ang schedule niya. Minsan naman sinamahan ni Arlene si Chris sa ospital para sa ibang pagsusuri kay Chris. Mukhang maalaga naman si Arlene at tutok siya kay Chris kaya panatag ako.

Tatlong araw na lang aalisin na ang benda sa mga mata ni Chris. Malalaman namin kung makakakita na siya. Hindi ko lang ipinapahalata pero maging ako ay kinakabahan sa magiging resulta. Paano kapag hindi pa rin siya makakita?

Wala na kaming ibang choice kundi ang ipagamot siya sa Amerika. At kapag hindi pa rin naging maayos... hindi ko na alam.

Sa ngayon, hindi ko muna iyon iniisip. Ayokong ipakita sa kanya na pinanghihinaan ako ng loob. I need to be strong nang sa gayon ay maging matapang rin siya. This is the least thing i can do for him as his wife.

"Umm, Kiana? Sa'n ang lakad mo? Dinner ka muna." anyaya ni Arlene kay Kiana na mukhang may lakad yata base sa itsura at suot niya. Magbabar hop na naman yata siya.

Hindi ba nagsasawa si Kiana?

Napatingin sa amin si Kiana. Mukhang nagmamadali ito.

"No, thanks, Arlene. Sa labas na lang ako kakain." aniya.

"Kiana? Lalabas ka na naman? Gabi gabi ka na lang umaalis!" sita dito ni Chris.

At totoo yun. Halos gabi-gabi siyang lumalabas. Hindi nga mapirmi dito sa bahay. Para siyang magkakasakit kapag hindi siya nakakalabas. At kapag umuuwi naman, lasing na lasing.

Magmula noong unang beses siyang umuwi na ibang lalake ang naghatid sa kanya, pinakiusapan ko siyang magpasundo na lang kay Manong Edwardo.

Mabuti na nga lang at si Manong Edwardo (yung driver namin) ang sumusundo sa kanya eh. Dahil mapagkakatiwalaan si manong, eh paano kapag ibang lalake? Ewan ko na lang kapag na-rape siya!

Unfaithful Wife | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon