ELLA, SELINA AND RAIN IS BACK! PART FIVE

12 0 0
                                    

KRISTINE'S POV:

"Rain please kung wala kang magawa lumayo ka sa akin. Huwag ako ang pagtripan mo."-Ako.
"Kristine, hindi kita pinagtitripan. Tumabi lang ako sayo riti yun na agad ang iniisip mo."-Rain
"Eh anong gusto mong isipin ko? Na nakikipag usap ka lang sa akin na parang walang nangyaring gulo sa pagitan nating dalawa dati? Ganun ba yun?"-Ako.
"Kristine, nakaraan na yun eh. Let's just forget what happen between us before."-Rain
Hindi ko alam kung may sapi ba talaga tong lalaking kausap ko o wala.
"Kristine, kalimutan na natin yun. Past na yun. Saka nagbago na ako. Pinagsisihan ko na yung ginawa kong pambabastos sa iyo noon"-Rain.
Maniniwala ba ako sa kanya o hindi? Nakikita ko kasi sa facial expression niya na totoo yung sinasabi niya. Magsasalita na sana ako kaya lang eh naduduwal na naman ako. Tumakbo ako papuntang CR. Sinundan naman ako ni Rain.

"Hey, Ayos ka lang ba? Gusto mo dalhin kita sa hospital?"-Concern na sabi ni Rain.
"Ayos lang ako..........."-Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil bigla nalang nagdilim ang paningin ko.

Hospital:

RAIN'S POV:

"Doc kamusta na po si Kristine?"-Tanong sa babaeng doctor na tumingin kay Kristine.
"She's fine now. And pati na rin yung baby sa kanyang sinapupunan."-Doc.
"Baby? Sa kanyang sinapupunan?"-Nagtatakang tanong ko kay Doc na nag check up kay Kristine.
"She's two weeks pregnant. Kailangan niya ng regular check up. Bawal din siya mapagod dahil makakaapekto yun sa baby. Bibigyan kita ng gamot na ipapainom mo sa kanya."-Doc.
Binigay sa akin ni Doc ang isang gamot na para sa mga buntis.
"Kailangan niya tong inumin 3x a day. Sige Rain una na ako"-Doc.
"Sige po Doc Salamat po."-Rain

"Sigurado ka bang okay ka na? Walang masakit sayo?"-Rain.
"Oo okay na ako. Wala ng masakit sakin. Am Rain, salamat nga pala sa pagdala mo sakin sa hospital. Kundi dahil sayo baka kung ano na ang nangyari sa akin."-Kristine
"Kundi dahil sa akin baka kung ano na ang nangyari sa inyo ng anak mo."-Rain.
"Walang anuman yun Kristine. Basta kung may kailangan ka, wag kang magdadalawang isip na humingi ng tulong sa akin."-Rain.
"Hindi ko akalain na mabait ka pala."-Kristine.
"Mabait naman talaga ako eh"-Pagmamayabang ko sa kanya.




KRISTINE'S POV:

Inihatid ako ni Rain pauwi dito sa Mansion.
"Rain, salamat ha. Ingat ka sa paguwi."-Ako.
"Salamat din. Magpahinga ka ha, remember bawal ka magpagod."-Rain.
"Oo na po sir. Sige na umuwi ka na."-Ako






Pagpasok ko sa loob ng Mansion, nakita kong nakaupo si Wu Chun my loves sa may single sofa. Nagababasa pa siya ng magazine.
"San ka nagpunta?"-Wu Chun.
"Sasabihin ko ba sa kanya na dinala ako ni Rain sa hospital o hindi na?"-Ako.
"Ahm jan lang sa tabi tabi nagpahangin"-Pagsisinungaling ko.
Kapag sinabi ko kasi sa kanya ang totoo na nahospital ako at kasama ko pa si Rain ay baka magalit lang siya. Alam ko kasi na hindi magkasundo ang dalawang magpinsan.
"Nagpahangin? NAGPAHANGIN KA KASAMA SI RAIN!?"-Ibinagsak ni Wu Chun my loves yung magazine na kanina lang ay binabasa niya.
Naku patay! na anak ni aleng betchay! na lola ni Inday garutay! Galit si Wu Chun my loves!. Anong gagawin ko?.
"Ahm sinamahan lang niya akong magpahangin. Alam mo naman mainit sa set kaya ayun!"-Ako.
"NAGPAHANGIN KAYO NANG KAYONG DALAWA LANG! AT UMABOT PA SA GANITONG ORAS! ALAS DIYES NA NANG GABI!!!!!"-Wu Chun.
Natatakot na ako sa kanya. Lord, give me strength na harapin siya lord!.
"ALAM MO BANG PINAG ALALA MO AKO?! KUNG SAAN SAAN KITA HINANAP KANINA. TAPOS TINATAWAGAN KITA NI HINDI MO SINASAGOT ANG TAWAG KO!. TAPOS MALALAMAN KO NA KASAMA MO SI RAIN!"-Wu Chun.
"Sorry na. Nainip lang kasi ako kanina sa set kaya naisipan kong magpahangin kanina at saka hindi ko naman alam na sinundan pala ako ni Rain. Babe sorry na please"-Ako.
Nagpacute pa ako sa kanya pero wa epek eh. Nagalit pa rin siya sa akin., tinalikuran niya ako at alam kong papasok na siya sa kwarto niya.






MOLLY'S POV:

"O anong balita?"-Ella.
"Nag aaway po silang dalawa"-Molly.
Ang tinutukoy ko ay sina Kristine at Sir Wu Chun. Inereport ko kay Ma'am Ella yung nangyari. At ayun tuwang tuwa na naman siya.
"Mukhang umaayon na naman ang panahon sa atin. O sige na ibababa ko na ang telepono., may kailangan pa akong kausapin"-Ella.






ELLA'S POV:

"Ang saya saya mo yata girl? May dala bang good news si Molly?"-Selina.
"Aha!. At masasabi kong umaayon na sa atin ang pagkakataon at ang panahon."-Ella.
"Hi Girls"-Si Rain na kadarating lang. Masaya ang mukha nito na magpakita sa amin.
"O anyare naman sayo? Galing ka ba ng Mental?"-Selina.
"Hindi ako galing sa mental. Actually good news din itong dala ko para sa inyo at alam kong matutuwa kayo"-Rain.
"Okay tell us now, what is it!"-Excited na sabi ko kay Rain.
Kinuwento niya sa amin yung nangyari kay Kristine kanina. Pati yung natuklasan niyang pagbubuntis ni Kristine ay hindi niya rin pinalagpas.
"Mukhang kailangan nating gumawa ng bagong plano. Yun bang makakagulantang sa kanilang lahat!"-Ella.
"So you mean gagamitin natin ang pagbubuntis ni Kristine?"-Selina
"Yup. Rain, this is now your chance!."-Ella.
"You know what Ella?"-Rain
"What?"-Ella
"Gusto ko talaga kapag ikaw ang nagpaplano ng mga ganito."-Rain
"At dahil jan cheers"-Selina.
Itinaas naming tatlo yung aming mga baso na may lamang wine at nag cheers kami.

Ang Artista At Ang Julalay(Magandang Alalay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon