Season 1 (All Completed )

32.1K 285 50
                                    

Diary ng Panget (Book 1)

Diary ng Panget
written by Denny

Mahirap maging maganda
Bawat galaw mo tinitignan nila.
Magkamali ka, hindi makakatakas sa kanilang mga mata.
Ang mahirap pa, pag gusto mong mangulangot kahit patago...
Hindi mo magawa.

Mahirap maging matalino
Kelangan lahat alam mo.Lahat itatanong sayo.
Lahat gusto mong alamin.
Mismong evolution ng ipis, gusto mong madiscover.

Mahirap maging sikat
Lahat sinusundan ka.
Kahit saan ka magpunta, andyan sila.
Sa flash pa lang ng camera nila, hindi na kelangan pa ng ilaw sa gabi.
Wala ka ng privacy.
Lahat inaalam nila, mismong napkin na ginagamit mo gusto din nilang alamin.


Mahirap maging mayaman
Lahat nakadikit sayo.
Lahat nakaasa sayo. Lahat umuungot sayo.
Lahat gusto magpalibre.
Hangga't may singkong duling ka pa sa bulsa, hindi ka nila tatantanan.





-----------------------------------------------------------------------------------
Dear Diary,
Today nadapa ako sa may hallway. Walang nakapansin, buti na langpanget ako.

-Eya

PS. joke lang, nakita at pinagtawanan ako ni Cross, schoolmate kong model ng Bench.
-----------------------------------------------------------------------------------
// Introduction

*Here we go, come with me
There's a world out there that we should see
Take my hand, close your eyes
With you right here, I'm a rocketeer*

"Oh please, another 5 minutes." yung unang niyayakap ko nilagay ko sa tenga ko at binaon ang mukha ko sa unang pinapatungan ng ulo ko.

*Let's fly
Up, up here we go
Up, up here we go
Let's fly
Up, up here we go, go
Where we stop nobody knows, knows*

"Uggh! Five minutes, five minutes lang!" inabot ko yung alarm clock ko sa bedside table ko at pinatay ang alarm nito. Astig ng alarm clock ko nuh? May ringing tone, napalanunan ko lang yan sa isang raffle draw sa supermarket. :D

Pabalik na sana ako sa mahimbing na tulog ko ng may isang halimaw na kumatok.

"Hoy Rodriguez, second week of June na! Yung bayad mo sa rent! 1week delay ka na ah!" shet, eto nanaman sa singilan ng rent. Ang kulit naman ng landlord namin, sinabi ko na ngang hindi pa ako makakabayad dahil sa delay rin yung sweldo ko! "Hoy aba! Rodriguez, alam kong andyan ka pa! Buksan mo 'tong pinto at magbayad ka na ng rent mo!"

Hindi ko sya pinansin at hinayaan ko na lang syang magkakatok at sumigaw sa may pinto ko habang ako naman ay nagbibihis na ng uniform ko at binuksan ko na ang bintana ko, tumalon ako mula sa second floor. Ops, hindi po ako si superman. Kinaya kong tumalon mula sa ikalawang palapag dahil sa ang apartment ko ay hindi naman ganun kataasan kahit pa nasa second floor sya. Saka sanay na akong tumalon dito para tumakas sa singilan.

Haay, pasukan nanaman. Shet naman oh, hindi ko alam kung anong meron sa bago kong school. Alam nyo ba kung saan ako papasok? Sa Willford Academy, sounds sosy right? Well, school talaga kasi sya ng mayayaman. Ang sabi, school sya ng mga anak ng mga sikat na personalities or mga models sila or actors. Pero wag nyong isipin na mayaman ako, sikat ako at maganda ako. I'm the total opposite, as in X & Y ang situation.

"All freshmens please proceed to the gymnasium. All freshmens please proceed to the gymnasium."
"Sakto lang pala ang dating ko, magsisimula na ang opening ceremony."naglalakad na ako on my way sa gymnasium, medyo masikip ang daan since halos lahat ng estudyante ay patungo sa gymnasium kaya naman bigla akong dinanggil ng isang babae.
"Err, ano ba! Look where you're going nga!" sabay inirapan ako. I expected this, ini-expect ko na na ganto ang mga estudyante dito-- mga mapangmata at mapagmataas. Afterall, they are spoiled rich brats.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 31, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Diary ng Panget (BOOK 1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon