BOOK 2

15.4K 128 80
                                    

THIS IS DIARY NG PANGET'S SEASON 2. MAHALAGANG MABASA ANG SEASON 1
DAHIL HINDI MO MAIINTINDIHAN KUNG HINDI MO BABASAHIN YUN DAHIL
KONEKTADO PA RIN ITO SA SEASON 1.

[ Diary ni Eya ]
...when the duckling dates the monster.

Lagi na lang sya nakasigaw! Akala mo bingi kausap!
Lagi na lang nagsusungit! Kalalaking tao daig pa babaeng may menstrual issues!
Kung makautos daig pa presidente ng Pilipinas!
Napakasuplado akala mo kung sinong gwapo! Well, gwapo sya pero kahit na! Abnormal nya talaga!
Nagagalit na lang kahit sa maliit na bagay! Ansarap ibalibag at baliin ang buto nitong lalaking 'to!
Hindi marunong rumispeto ng kapwa!
Ang kapal kapal ng mukha, tinalo pa ang pinagsamang dictionary at encyclopedia sa kapal!
Napakafeeler pa!


Nakakainis sya... sobrang nakakainis! Abnormal sya, autistic sya, cookie monster sya! Eeeee! Nakakainis!
Pero nawawala lahat ng inis ko sa tuwing... nagiging mabait sya.
nagiging mahinahon.
nagiging mapang-unawa.
natututong rumespeto.
nagiging mapagkalinga.
at nagiging sweet kahit hindi halata...
Natutuwa ako kasi kahit nilalait nya ako at sinasabihan palaging panget ay pinapahalagahan nya naman ako.
Siguro kung hindi ka sanay kay CM, iisipin mo isa lang talaga syang WALANG PUSONG HALIMAW pero...

hindi mo naman pedeng husgahan ang isang tao sa maikling panahon... hindi mo pedeng husgahan ang tao sa
panlabas na anyo nya o kahit sa ugali nya, hindi mo pedeng husgahan ang isang tao hangga't hindi mo alam
ang storya nya at buong pagkatao nya. Kung iisipin mong halimaw si CM at hindi ka na mag-a-attempt na
kilalanin ang buo nyang pagkatao, halimaw na sya habang buhay sa pananaw mo at halimaw ka na rin sa hindi
mo pagbibigay ng tsansang ipakilala nya ang tunay at
buo nyang sarili sayo.

Hindi lahat ng halimaw, walang puso. Ang Cookie Monster ko may puso, at ang ritmo ng puso nya ang pinakapaborito
kong pakinggan. Pakshett, ang baduy ko pero so what? Yun talaga nararamdaman ko eh.

Dear diary,

I'm dating cookie monster.

- Eya

Entry --- 32


"Okay, almost done... o--kkaayy, DONE!" iniikot ako ni Lory paharap sa salamin at dahan dahan kong minulat ang mga
mata ko, "See? It's only light make up so please don't erase it! I can't let you go on a double date wearing
tomboy shirts and without any make up on!"


Ah oo nga pala, gusto nyo flashback? Wag na, tinatamad ako saka nagmamadali ako, kung magfaflashback pa ako sa inyo
male-late na kami ni Lory sa double date na pupuntahan namin. Ayy, oo DOUBLE DATE. Ah oo, D-A-T-E. Ulitin ko ulit,
DATE NA DOUBLE. Isa pa ha, ulitin ko ulit, MAKIKIPAGDOUBLE DATE AKO. Sorry ha, unlimited ako ngayon eh kaya paulit ulit. = =

Tanda nyo nung niyaya ako ni CM na makipagdate sa kanya? Akala ko joke lang nya yun...

*saglit na flashback *

"Can you go out on a date with me?" hawak hawak nya yung kamay ko habang nakayuko sya. "Eh?" yun lang yung nasabi ko.
Iniintay ko na maya-maya sasabihin nya 'JOKE JOKE JOKE!' or
something like 'ASA KA!' o kaya 'TEKA, NAKADRUGS ATA AKO ANO BA PINAGSASABI
KO'.... yun bang nagaantay ako na babawiin nya yung sinabi nya pero wala eh, nakayuko lang sya habang hawak hawak
nya pa rin ang kamay ko.
"Sabi ko, can you go out on a date with me?" hindi nya inaangat ang ulo nya.
"Eh?" pag-uulit ko lang sa tanong ko kanina. Eh pakshett eh, parang najojoke time ako dito eh. >
"BINGI KA BA, SABI KO KUNG GUSTO MONG MAKIPAGDATE SAKIN?!!!"
"BAKIT MO AKO SINISIGAWAN?!"
"EH ANG BINGI BINGI MO EH! KANINA PA KITA TINATANONG KUNG GUSTO MONG MAKIPAGDATE SAKIN TAPOS 'EH' KA LANG NG 'EH',
ANO KA BA TINITIBE O ANO?!"
"BASTOS! EH MALAY KO BA, NAKAKABIGLA KA KASI EH! SIGE NA, OO NA!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 31, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Diary ng Panget (BOOK 2) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon