Sophia Pov
Malas na araw! Ang shemay! Bwisit! Tapos bwisit pa yung lalaki na yun.
Flashback
"Sorry talaga"
Tinignan ko yung nabangga ko at iyon ay si Mr. PMS.
"Ikaw nanaman!" Sabay na sigaw namin
"Wag mo nga akong gayahin pwede ba!" Sabay parin kami.Ano to? Gayahan lang?
"Bakit palaging pangit ang nakikita ko ngayon?" Sabi ni PMS
"Hoy hoy hoy lalaking palaging may dalaw.Di palibhasa sa inyo tong school.Sisigawan mo na ako ng ganyan.Tsaka ikaw na yung tinulungan ko.Ikaw pa yung ganyan"
"Eh bakit nga ba kasi tatanga tanga kang babae ka ha! Umalis ka nga sa daan ko"
End of Flashback
Pinahiya nya pa ako.How dare he do that to me! Sapukin ko yung pagmumukha nya eh
"Iha badtrip ka ata.Kanina ang saya mo.Anong nangyari?"Tanong ni kuya Mario
Papunta na kami ngayon kay Phoebe para sunduin.
"Pano po kasi may isang asungot na nakakabeast mode.Alam nyo po yun eepal epal.Ikaw na nga yung nag sorry sya pa yung galit"
"Babae ba yan o lalaki?"
"Lalaki pong may dalaw!"
"Alam mo ba iha sabi nila The more you HATE.The more you LOVE"
"Ehem kuya Mario I don't love him"
Ngumiti na lang si kuya mario ng kakaiba.Ano to sinapian?
Nandito na kami ngayon ni Phoebe sa bahay.At ako badtrip parin.Letchugas kasi ung lalaki na yun eh.
"Anong nangyari sa ate mo?"
Tanong ni mama kay Phoebe"Ewan ko nga po eh.Ge po akyat na po ako sa taas"
"Ma ako rin po don na po ako sa taas!" Sigaw ko
"Sophia sandali lang.Kakausapin lang kita."
Haay! Ano nanaman ba to?
"Ma good news ba yan o bad news?"
"Bad at good.Ang bad ay babalik na si Christian dito"
Si Christian Capili sya yung bestfriend ko na naging boyfriend ko.Ex-boyfriend.Sya yung nag pasakit sa puso ko ng ilang taon.
"Ano po! Hindi po pwede yan at kailan naman sya babalik?"
"Bukas na sya babalik at good naman ay babalik na rin si Catherine yung bestfriend mo"
Si Catherine Capili kapatid nya si Christian.Bestfriend ko rin sya.Para ko na syang kapatid.
"Ma saan naman po sila tutuloy bukas kapag umuwi sila?"
"Dito sa bahay.Doon muna sila sa Guest room"
"Sige po Ma akyat na po ako sa taas"
Wala naman akong magagawa diba?
Sinabi ko na kay Phoebe na dadating na sila Catherine bukas.At pumunta na ako sa kwarto ko at sinara ko ung pinto.
"Bakit pa sya babalik?"
iiyak nanaman ba ako? mag pakatatag ka Sophia kaya mo to!Kinabukasan dumating na sila
"Hi Phoebe laki mo na ah"sabi ni catherine.As usual ang ganda ni Catherine.
"Hey Sophia ang gumanda ka lalo ah"
"Ikaw rin Catherine.Welcome back.Dun muna daw kayo sa guest room sabi ni mama"
BINABASA MO ANG
When I Found You
Novela JuvenilIto ay kwento tungkol sa babaeng palaging umaasa at lubusang nag mamahal pero sa huli sobra lang syang nasaktan.Paano kung mahanap nya talaga ang tamang lalaki para sa kanya?