A/N: Hi, guys! Ngayon lang 'to na-update kasi super busy. Dapat noong isang araw ko pa ito i-po-post kaso mahina ang internet connection. I hope you enjoy this chap. Paki-play din ng "When I look at You" by Miley Cyrus.. Yan kasi ang pinapakinggan ko habang sinusulat ito.
__________________________________________________________________________________
- Zeryll's POV-
"Zeryll, don't blame yourself. Hindi naman ikaw ang nag-utos sa kanya na saluhin ang bala."
"Kahit na, Xyrene. Ako parin ang dahilan."
"Look at yourself, Zeryll. Stop that drama of yours! You look like a shit to me now. Para kang manika na de-remote, walang kabuhay-buhay. Isipin mo na may anak na naiwan ang Lucas nayun kaya umayos ka dyan at alagaan mo ang bata." Pangaral naman ni Nyx o Black Frost sakin.
"Bakit biglang naging concern ka sa bata, Nyx? Diba inaway mo pa nga yun?" Xyrene asked suspiciously.
"Bawal ba maging concern? Hoy, minsan lang to kaya sulitin niyo na. Saka kawawa kaya si Farah, namatay na nga ang daddy nya tapos itong mommy naman nya parang kasamang namatay din. Tsk." Sagot naman ni Nyx na nakataas pa ang kilay pero lumambot din ang mukha ng bigkasin niya ang pangalan ng bata.
"Eh di, ikaw na ang mag-alaga. Diba mahilig ka sa mga bata?"
"Tigilan mo nga ako, Xyrene. Pag-aalagain mo ako nun? N-E-V-E-R. Itong babaeng to ang gisingin mo para maalagaan niya ang anak kuno nila." Sabay turo ni Nyx sakin.
Umalis nalang ako sa harap nilang dalawa at iniwan sila sa opisina ko. Nagtungo ako sa garden kung saan nandun si Farah kasama ang ilang bantay.
Lalong inatake ako ng guilt ng makita ko ang masayang bata na namimitas ng bulaklak tapos inilalagay niya sa likod ng tenga ng mga Knights na nakabantay sa kanya. Ayaw kong mawala ang ngiti sa mga labi niya. Ayaw kong makita siyang umiiyak. Ayaw kong masaktan siya. Pero paano ko sasabihin sa kanya na namatay ang daddy niya dahil sakin?
How can I say that without making her cry? Without breaking her heart?
God! I know I can't keep that and hide it from her. May karapatan siyang malaman yun.
"Matalinong bata si Farah. She'll understand." Rinig ko na may nagsalita sa tabi ko. Si Boss.
"Understand? How? Her father just died because of me. Don't you think she'll be mad at me? Of course, she'll be mad. She'll hate me to death." Puno ng sakit na saad ko. Hindi ko maatim na magalit si Farah sakin. I don't want her to hate me.
"Face it, Zeryll. Either you tell it to her as early as possible. She'll get mad at you and probably hate you. Or you'll tell it later, she's still going to be mad and probably hate you. What's the difference? Kung sasabihin mo ngayon, baka sakaling maintindihan niya talaga at mapatawad ka. Kesa ilihim mo sa mahabang panahon at kapag nalaman niya, mas lalo lang siyang magagalit sayo. Death is inevitable." Payo sakin ni Boss sabay tapik sakin sa balikat at iniwan ako.
Siguro nga na mas makabubuti kung malaman agad ni Farah. Pilit kong pinapalakas ang loob ko habang naglalakad palapit kay Farah.
Nang makalapit ako sa kanila ay tinanguan ko ang mga nakabantay na Knights sa kanya. Nakuha naman nila ang nais kong ipahiwatig kaya umalis sila at kami nalang ni Farah ang naiwan sa garden.
"Farah..." Tawag ko sa kanya. Nakangiti naman siyang lumingon sa akin.
"Mommy!" Tuwang-tuwa na tawag niya sakin at sinalubong ako ng mahigpit na yakap.
"I miss you so much, mommy." She whispered.
Di ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Damn! It's very hard! Damn hard! Parang pinipisa ang dibdib ko sa sobrang sakit.

BINABASA MO ANG
TGA: The Lost Ultimate Hacker Assassin
AdventureAfter that tragic war, she was no longer found and was declared dead. She was dead to the eyes of many, but she still exist. She just woke up one day remembering nothing and surprisingly she already had a husband and a child. Could this be true or j...