23 ♥ Bleeding Love

5.9K 134 18
                                    


Chloe's POV


Sobrang gulo na ng sitwasyon. Kailangan ko ng ayusin ang gusot na ito konting-konti na lang mapupunit na kami.


Mahirap mamili sa dalawang taong mahalaga sayo. Pero mas mahirap bitawan yung taong mahal mo dahil baka habang-buhay ng butas yung puso mo. Ngunit, iniisip ko na lang yung sinasabi ng mga tao.. Na sa una lang iyon masakit. Na balang araw maghihilom ang lahat. Sana.


Huminga ako ng malalim bago kumatok sa unit ni Ryker. Tinawagan ko sya na magkita at mag-usap kaming dalawa. I suggested na sa condo na lang nya upang wala ng makakita pa samin.


Buo na ang desisyon ko. Tatapusin ko na lahat ang namamagitan samin ni Ryker. Nakakatawa. Ni hindi pa nga sya nagiging akin talaga, ngunit kailangan ko na syang ibalik sa tunay na nag mamay-ari sa kanya. Wala akong ginawa kundi hiramin si Ryker at magnakaw ng mga sandali. Masasayang sandali. Maling uri ng kasiyahan.


Naglakad-lakad ako sa loob. Puro black and white ang nakikita ko. Yung mga gamit nya, high-end lahat.


"You're early. That's new."


Pinaupo ako ni Ryker sa sofa. Naupo ako sa tapat nya.


Ilang beses ng nag-play sa utak ko ang eksenang to. Ilang beses ko ng na-practice ang mga sasabihin ko. Walang ng atrasan 'to.


Huminga ako ng malalim at tinigasan ko ang boses ko. "Ryker, Hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa. Gusto ko ng--"


"Gusto mo ng tapusin lahat ng namamagitan sa atin." pagtapos ni Ryker sa sasabihin ko. Tumayo sya. "Alam mo? Alam kong darating din ang araw na 'to." He looked at me with disbelief. "But I didn't expect that you would let go of me this easy."


Labis akong nasaktan sa sinabi nya. Hindi ba nya alam kung gaano sya kahirap mahalin?


"Akala ko ba matapang ka Chloe? Bakit pagdating sakin napakahina mo!"


"OO RYKER! MAHINA AKO! DAHIL PUMAYAG AKONG GAWIN MONG KABIT!"


Napaluha ako because of that thought.


His facial expression changed from angry to shock. Napaupo sya. "Ganyan ba ang tingin mo.. Ganyan ba ang tingin mo sakin.."


"GANYAN BA ANG TINGIN MO SA PAGMAMAHAL KO SAYO!?"


"Ano bang gusto mo Ryker! Mamili ako sa inyong dalawa ng kapatid ko?!"


"DAMN CHLOE! I'M NOT ASKING YOU TO CHOOSE! I JUST WANT YOU TO BE BRAVE FOR ME!"


"R-ryker.."


Kinuha nito yung cellphone nya. "I'll call Cassie right now.. I'll break up with her.."

My Sister's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon