Kuya kuya! PLEASE MEND MY BROKEN HEART

342 2 0
                                    

Ang hirap pala ng humanga ng palihim malamang panong di magiging mahirap kung ang bagay na gusto mong ipagsigawan ay ang bagay naman na mas mabuti kung itatago mo nalang .. Ito ang storya ng simple kong paghanga ang simpleng pagtingin at ang simpleng pagsira ko sa sarili kong puso ang puso na hindi ko alam kung meron pa ba ako dahil sobrang sirang sira na ito  panong di masisira kung ilang tao na ang sumira nito at di man lang inabalang ayusin at hanapin ang mga nawawalang piraso nito .. kaya naman naghanap ako ng taong magaayos nito at bawat tao ay sinasabigan ko ng KUYA! KUYA! PLEASE MEND MY BROKEN HEART

ito na sisimulan ko na

Sama sama kami ng barkada kong paakyat ng classroom namin sa 5th floor,  sina Shane Charrie  at Fae ay nasa unahan ko ako naman ay likuran wala lang mas komportable kasi ako pag nasa likuran lang ako at ayun nga  pagkarating namin sa tuktok ng bundok este sa 5th floor pala  eh Grabe hingal na hingal talaga kami! kala mo ehh mga ahas  na kami kung makalabas ng dila at ngayon ay naglalakad na kami sa corridor papunta sa classroom namin 

" Hoy! Charrie itago mo naman yang dila mo tiktik ka talaga eh no! ." sabi ni Shane 

sinuntok ni Charrie si Shane sa tiyan pero mahina lang syempre " Kapal mo naman ikaw nga eh baboy nagmamantika hahahaha." si charrie

" Hoy makababoy ka wagas ah! gusto mong tusukin kita ng buto ni Fae! ." sagot naman ni shane kay charrie 

" ba't ako nadamay dyan! tingnan nyo nga si Chloe oh tahimik may iniisip siguro si ano hahaha ." sabi ni Fae

Nagtaka ako kung bakit sila nakatingin sakin wala akong nalalaman sa mga pinaguusapan nila bakit? kasi nagsosoundtrip  po ako at huling huli na ako sa mga kalokohan nila 

" ano? bat kayo nakatingin?."  tanong ko sa kanila habang tinanggal ko ang isang earphone ko para marinig sila 

nagkatinginan sila at nagtawanan bigla 

" sayang! dapat pala sinigaw ko na pangalan di mo rin pala maririnig." sabi ni Fae

" ehh ikaw eh! di mo sinabi eh! na crush nya lang naman si Shark! ." sabi ni Shane

" hoy! kokotongan kita ng malutong pag may nakarinig na iba! ." sagot ko 

" hahaha ahhh! crush nya si Shark Crush nya si Shark ." sigaw na malakas ni Charrie 

Aba'y talaga naman eh! inaasar ako kaya naman kinutusan ko ng pagkasarap sarap si Charrie .. 

" Aray! makakotong eh! ." charrie

" yan! sarap ohh lutong eh! ." Fae

" Hahaha tara kainin natin malutong pala eh! ." sabi ni Shane kay Fae

" Loko! ." sagot naman ni Fae 

" Andito pala kayo di nyo ako inintay! ." sabi ng boses sa aming lukuran

Siguro nagtataka kayo kung sino yan si Shark na yan? di po siya petname dahil name nya talaga yan at speaking of Shark ayan na po siya ! ang aking crush yiie kinkilig ako wahaha landi eh! barkada namin sya at the same time crush ko narin o diba 2n1 parang ice cream pero bawal eh kasi kasi huhuhu baklush sya? di ko alam kasi  hindi naman  talaga sya baklush na baklush magsalita pero yung tono nya alam nyo yun ang lambot  mahinhin na ewan . pero hihihi crush ko parin sya who cares crush lang naman eh 

Nagkatinginan ang tatlo Shane Charrie at Fae at nagngingitian 

" Eh kasi sabi ni Chloe dito ka nalang namin intayin." sagot naman ni Shane kay Shark 

" Ba't naman ganun Chloe ang bad mo ." Sabi ni Shark

" Hoy hindi ah! tagal mo kasi eh! ." sagot ko naman 

Kuya kuya! PLEASE MEND MY BROKEN HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon