HINDI malaman ni Bullet kung anong dapat maramdaman sa kinasasadlakang sitwasyon. Dapat ba siyang matuwa dahil nasa kanyang harapan na ang lalaking kasalukuyan niyang crush? O dapat siyang matakot dahil ito ang professor niya sa subject kung saan siya pinakabulok? Mas tama sigurong piliin niya yung huli.
Considering kung ano ang ginawa niya dito last night, kailangan niya talagang matakot. Baka mamaya dahil do'n sa ginawa niya e bigla na lang siya nitong i-singko. Hindi pa man nagsisimula ang semester at wala pa siyang ginagawang effort, bagsak na siya agad. No. Hindi 'yon pwedeng mangayari. Hindi siya pwedeng bumagsak.
Pinagmasdan niya ito. Kasalukuyan nitong binabasa ang attendance sheet na ipinasa nito kanina sa buong klase. Kagaya nung huling gabi niya itong nakita, napakalinis na naman nitong tingnan at napakagwapo pa rin. Hay. Bakit ba ang lakas ng dating ng isang 'to?
Napaigtad siya nang bigla itong tumingin sa kanya. "Ms. Aguilar, can you remove your glasses? Nasa loob ka ng klase and as I can see it, hindi naman masyadong maliwanag dito para kailanganin mo pang magsuot ng shades."
Napangiwi siya. Gumaganti ito sa kanya. Alam naman kasi nitong may hangover siya. Kung sa simula pa lang ay gusto na agad siya nitong mapahiya, hindi talaga malayo na ibagsak siya nito. Puwes hindi siya papayag. Kahit gaano pa kalaki ang pagka-crush niya dito, hindi siya papayag na gawin lang nito ang gusto nito at lalong hindi siya papayag na ibagsak siya nito dahil lang sa ginawa niya dito. "I can't take it off Sir. May sore-eyes po kasi ako, baka mahawa kayo. Nasa unahan pa naman ako." Pagsisinungaling niya.
"Really?"
Nginitian niya ito. "Of course Sir. Do you think I'm lying?"
"Of course not. Why would I think that?"
Hindi siya makapag-concentrate sa kabuuan ng klase. Dapat talaga hindi na lang siya umupo sa unahan. Sa halip kasi na sa powerpoint presentation siya nakatingin, nasa gwapong professor lang ang buo niyang atensiyon. Nakakainis. Idagdag pa na sobrang sakit pa ng ulo niya. Wala tuloy siyang maisulat sa notebook na dala-dala. Paano pa siya papasa nito?
Pagkatapos ng klase, hinintay niya munang makaalis ang mga kaklase niya bago lumapit kay Red. "Can I talk to you Sir?"
Tumingin ito sa kanya. "Meron pa akong klase after this, I don't think I can entertain you right now."
"But Sir-"
"If you have questions, you can just go to my office during my consultation hours." At iniwan na siya nito.
NAKASIMANGOT na pumunta si Bullet sa tambayan nilang magkakaibigan. Tanghali na pero hindi pa rin niya makalimutan ang nangyari kaninang umaga.
"Consultation hours my face! Kainis. Ano ba naman yung maglaan siya ng isang minuto para pakinggan yung sasabihin ko? Bwisit talaga."
Pagdating sa tambayan nila nakita niya agad sina Ice at Jiggs. Agad siyang umupo sa tabi ng mga ito. "Si Gui?" tanong niya.
"May klase pa ata." Sagot ni Ice.
"Teka- ba't nakasimangot ka? Dahil ba 'yan dun sa prof mo sa math? Terror ba siya?""Worse. You won't believe this, yung Prof ko sa math turned out to be the same guy I kissed last night."
"What?!" magkasabay na wika ng dalawa.
"Seryoso ka?" hindi pa rin makapaniwalang wika ni Jiggs.
"Ba't naman ako magbibiro?"
"Nakita ka ba niya?" parang excited pang tanong ni Ice.
"Yes. Sa unahan kasi ako umupo. Kung alam ko lang na siya ang magiging Prof ko sana do'n na lang ako sa pinakalikod naupo."
"E ano namang reaksyon niya nung nakita ka?" tanong ulit nito.
BINABASA MO ANG
Gothic Chickz: Bullet
NouvellesSa apat na miyembro ng kanilang bandang Gothic Chickz, ang lead guitarist na si Bullet o Violet ang maituturing na pinaka-game sa lahat ng bagay. Kaya sisiw sa kanya ang dare ng mga kaibigan na halikan niya ang isang lalaki sa bar. Bonus pa na guwap...