ONE week na lang at pasukan na naman. Kahapon lang nakabalik si Bullet sa apartment nila sa Quezon City mula sa bahay ng ama niya sa Laguna. Gusto pa sana nito na magkasama sila hanggang magbagong taon pero tumanggi na siya. Alam niya kasing pupunta ang mga ito sa Laoag, doon kasi nakatira ang pamilya ng asawa nito.
Mararamdaman lang niya na out of place siya kapag sumama siya sa mga ito.Sa makalawa pa ang balik ni Gui samantalang sina Jiggs at Ice naman ay the day before pasukan pa babalik. Kaya heto siya ngayon, mag-isa lang sa apartment. Bumangon siya mula sa pagkakahiga at nagpasyang lumabas ng apartment. Bibili na lang siya ng makakain.
Habang naglalakad, bigla na naman niyang naisip ang nangyari sa Sephiroth higit isang linggo na ang nakakaraan. Tuwing naiisip niya 'yon ay hindi niya talaga mapigilang maiinis. Bakit ba kailangan pa niyang madamay sa problema ng mga ito? Dahil sa mga ito ay muntikan na siyang mag-break down. Kung hindi pa siguro siya umalis agad ay baka ilang gamit na sa bar na 'yon ang nasira niya.
Hindi niya talaga gusto ang sarili kapag nagagalit. Ang naiisip lang niyang dahilan kung bakit siya nagkakagano'n ay dahil lumaki siya na lagi na lang tinatago at kinikimkim ang sariling damdamin. Nagsimula lang siyang magbago nang unti-unti niyang matanggap ang sitwasyon ng kanyang mga magulang. At malaki din ang naging epekto ng pagkakakilala niya sa mga kaibigan. Ang isang bagay lang siguro na hindi nagbago ay ang paraan ng pag-cope up niya sa tuwing nakakaramdam siya ng matinding galit. Ang mga bagay pa rin sa paligid niya ang kanyang pinagdidiskitahan dahil 'yon lang ang alam niyang paraan para mailabas ang nararamdaman.
Pinipilit niya na kalimutan ang mga naganap sa Sephiroth pero sa tuwing gagawin niya 'yon, isang katotohanan lang ang laging lumilitaw sa kanyang isipan. Na may ibang babae nang nagma-may-ari sa puso ni Red. Kaya tamang habang maaga pa ay pigilin na niya ang kahit na anong atraksyong nadarama niya para dito. Dahil alam niyang wala din naman yung patutunguhan at sa bandang huli ay baka siya lang din ang masaktan.
Nag-take out na lang siya ng pagkain sa isang fast food restaurant. Paglabas niya ay isang lalaki ang humahangos ng takbo papunta sa direksyon niya.
"Magnanakaw!" narinig niyang sigaw ng isang dalagita na nakatayo sa kabilang parte ng kalsada.
Agad naman niyang naunawaan ang sitwasyon kaya nang makakalampas na sa kanya ang humahangos na lalaki ay tinalapid niya ito. Nang magtaob ito ay mabilis niyang ipinatong ang suot-suot na high-heeled boots sa dibdib nito. "Subukan mo lang gumalaw at nang bumaon 'tong heels ng boots ko diyan sa lalamunan mo."
Halata namang natakot ito dahil sa sinabi niya.
HINDI malaman ni Red kung saan hahanapin ang nakababatang kapatid. Kanina lang ay magkasama pa sila at namimili ng pagkain, nalingat lang siya ng konti ay bigla na lang itong nawala. Alam niya kung gaano kahina ang sense of direction nito kaya tiyak na kanina pa ito naliligaw. Ilang beses na rin niya itong tinawagan sa cellphone nito pero laging operator lang ang nasagot. Malamang ay patay ang cellphone nito. Kaya naman labis na talaga siyang nag-aalala. Baka kasi kung napano na ito.
Rose, nasaan ka na ba?
Sabay tunog ng kanyang cellphone, pagtingin niya sa screen ay isang unknown caller i.d. ang natawag. Agad naman niya yung sinagot. "Who's this?"
"Kuya."
Agad siyang napahinto sa paglalakad pagkarinig na pagkarinig niya sa boses na nasa kabilang linya. "Rose! Nasaan ka? Ayos ka lang ba?"
"Ayos lang ako Kuya. Sorry ha, ang bagal ko kasing maglakad kaya nagkahiwalay tayo. Tapos hindi na kita mahanap kaya kung saan-saan na ako nakapunta. Namatay pa bigla yung cellphone ko kaya hindi kita matawagan."
BINABASA MO ANG
Gothic Chickz: Bullet
Historia CortaSa apat na miyembro ng kanilang bandang Gothic Chickz, ang lead guitarist na si Bullet o Violet ang maituturing na pinaka-game sa lahat ng bagay. Kaya sisiw sa kanya ang dare ng mga kaibigan na halikan niya ang isang lalaki sa bar. Bonus pa na guwap...