CHAPTER 20

44 0 0
                                    

Kinabukasan agad naglakbay sila Stephen at ang dalawang hari kasama ang mga magigiting nilang kawal.
Lingid sa kanilang kaalaman merong nagmamasid sakanila.

Si Stephen naman magulo parin ang isip. Ang babaeng ayaw pakasalan at ang taong gusto niya ay iisa.

"Kung sino man ang kumuha sayo sisiguraduhin kung magbabayad ng mahal. " galit na bulong ni Stephen sa sarili.
Napansin naman ni haring Minandro na mukhang malalim ang iniisip ng anak kaya nilapitan niya ito.

Anak, ayos ka lang ba ? Tanong nito kay Stephen.
Naiisip ko lang ama, kung saan natin hahanapin ang Reyna at prinsesa? "Malungkot nitong tanong sa kanyang ama.
Alam mo ba ama? Yung babaeng gusto ko at babaeng nais niyong ipakasal sakin ay iisa.

Talaga anak? Mabuti kong ganon akalain mo yun. Hindi kana tatakas ng palasyo para puntahan siya. Kasi pwede mo naman siya dalhin sa atin. "Nakangising sabi ni haring Minandro.
Ama, naman eh. Seryoso po ako hindi nga natin alam saan sila hahanapin. "Malungkot nitong sagot sa ama.
Alam mo anak magtiwala ka lang mahahanap din ang babaeng mahal mo. "Pangumbinsi nito sa anak.

Sana nga ama.

KASTILYONG ITIM

Ina, ayos lang po ba kayo?"nag aalalang tanong niya sakanyang ina.

Ayos lang ako anak,wag ka mag alala ililigtas tayo dito ng iyong Ama."sagot ni Ayesha sa anak, kahit kinakabahan siya hindi niya pwede ipaalam sa anak. Kailangan niya maging matapang para hindi matakot ang prinsesa.

Bigla naman sila nagulat kasi may bumukas ng kanilang kulungan . Si Esmeralda lang pala ang pumasok. Nakangisi pa ito at naka pamewang habang titig na titig sa mag ina. Kumusta naman kayo dito?hindi ba kayo nainitan oh nagugutom manlang? "mapang asar niyang tanong sa mag -ina. "Ah Esmeralda ayos lang naman kami. kahit gutom kami kaya pa naman tiisin. Kasi kahit mukha ng basahan yung damit namin at gutom maganda parin kami. " nakangiting sagot ni Reyna Ayesha. Kahit na medyo naasar si Esmeralda sa sagot ni Ayesha hindi siya nagpahalata.

"Ganun ba? sayang naman itong dala kung pagkain masarap pa naman ito."pag mamayabang niya kay Ayesha.

Pero mukhang hindi magpatalo si Ayesha sa asaran sakanya.

"Hindi bale na Esmeralda kung sayo lang naman galing mas gugustohin pa namin magutom ng anak ko. Kesa tanggapin yan na galing sa demonyo ."sagot sakanya ni Ayesha. Napikon si Esmeralda kaya sinampal niya si Ayesha.

"Ang kapal ng mukha mong sampalin ang aking ina. Bakit ka nagagalit totoo naman sinabi ni Ina tungkol sayo,tapos ikaw pa itong may ganang manakit ikaw na nga ang may kasalanan. Pasalamat kang bruha ka nakatali ako dahil kung hindi, kinalbo na kita at pinalapa na kita sa Leon !"sigaw ko sakanya. Laspatangan siya wala siyang karapatan saktan ang aking ina.

Ang dami kung sinabi tinalikuran lang ako ng bruha na yon. " Ina ayos lang po kayo? tanong ko kay Ina nag alala kasi ako ang lakas ng sampal niya. "ayos lang anak wala to". nakangiting sagot ni ina sakin. " Sigurado po kayo?" paninigurado ko at tumango lang naman siya.

psssst.. pssst... Chloe? Chloe?

May tumatawag yata sakin Ina. Sandali lang po sisilipin ko , paalam ko kay Ina. "anak mukhang wala naman eh." sabi ni Ina. Hindi po meron akong narinig eh . Kaya sinilip ko pero madilim di ko maaninag . At biglang may lumitaw sa harapan ko. "Sino ka? tanong ko , pero nagulat ako dun ha.

"Chloe ikaw ba yan? tanong niya sakin. " Oo sino ka? bakit mo ako kilala?

"Chloe si Stephen to, wag kang maingay baka marinig ka ng mga kawal. Wag kang mag aalala ililigtas ka namin."

"Talaga Stephen ikaw yan? salamat naman at nahanap mo kami." Salamat panginoon at nahanap nila kami .

"Ayos lang aking prinsesa wag kang mag alala ililigtas kita. Oo nga pala kasama ko si Ama at iyong Ama. Hindi naman maiwasan ni Chloe pumula ang pisnge dahil sa hatid na tuwa sa kanyang puso. Siguro kung hindi lang madilim baka nakita ni Stephen ang kanyang pamumula.

Aking prinsesa? paulit ulit na naririnig ni Chloe sa kanyang isip ang sinabi ni Stephen. Bakit ang sarap pakinggan nong sinabi niya.

"Chloe.. Chloe.. hoy Chloe? tawag ni Stephen.

aah ... Bakit? nagulat niyang sagot

"Anong bakit? lumabas kana diyan at baka maabutan pa tayo ng mga kawal." paliwanag ni Stephen

"ah Ina halina po kayo, umalis na po tayo. " at dali dali silang lumabas ng kulungan. Ginabayan sila ni Stephen palabas kasi alam na niya ang palabas sa kastilyo ni Esmeralda.

Samantala naka abang na sa labas ang dalawang Hari. Ito namang si Esmeralda walang kaalam alam na nakatakas na pala ang bihag niya.Huli na ng malaman na wala na pala mga ito sa kulungan kaya galit na galit siya sa mga tauhan niya.

"Mga bwesit kayo, mga inutil, paano kayo na takasan ng mga yun?" galit na galit niyang sigaw sa mga tauhan niya. hindi sumasagot ang mga tauhan niya marahil ay takot sakanya.

"Mga walang kwenta . Hanapin niyo sila huwag kayong babalik dito pag hindi niyo sila kasama. Dahil kung hindi kayo ang papatayin ko, naintindihan niyo? Tumango lang ang mga kawal niya at umalis.

Ang prinsesa at ang kanyang prinsipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon