Prologue

521 26 10
                                    

"Paano ba kayo mag-mahal?"Tanong ng babaeng nakaharap sa 'ming tatlo ngayon.

Napatungo ako. Ano bang ginagawa ko dito? Hindi ako dapat nandito. Wala kaming problema ng boyfriend ko. Mali 'to.

"Ikaw na nasa gitna. Paano ka magmahal?"Narinig kong muli ang boses ng babae.

Teka, nasa gitna? Ako 'ata 'yon. Malamang ikaw Hanabel, tatlo lang naman kayong magkakasamang nakikinig sa babaeng nasa harapan niyo eh mag tatanong ka pa.

"Miss Soon-to-be-wife." Napatingin ako sa babaeng nasa harapan namin.

"Hindi pa man din kayo kasal, may kabit na agad ang fiancé mo. Alam mo na pero natatakot kang harapin, tama ba?"

Wow, Walang preno kung magsalita. Ang sakit ah!

"A-ano. Kasi . . . "hindi ako makapagsalita.

Napabuntong-hininga ang babae saka niya ibinaba ang hawak-hawak niyang ballpen.

"Ikaw na may floral na damit. Paano ka mag-mahal?" Tanong niya sa babaeng nasa kaliwa ko.

"Lahat, ibibigay ko sa taong mahal ko. Pera, katawan o kahit pa ang dangal ko,"tugon niya sabay iwas ng tingin sa nagtanong.

Ano ba 'to? Kahibangan ang pagpunta ko dito. Mali ang desisyon ko na magpunta sa seminar na 'to. Baliw na nga talaga ako siguro. Pumatol ako sa imahinasyon ko. Ako lang ang magbibigay ng problema sa aming relasyon, kapag nagpatuloy ako sa ganito. Baka ikasira pa 'to ng future namin.

"Kaso yung pinakasalan ko, hindi tao. Nalinlang ako. Hayop siya! Hayop! Ang kapal ng mukha niya. Hindi na siya nahiya! May dalawa na kaming anak!" Tumingin siya sa babaeng nasa harapan namin.

Napalunok ako. Natakot ako sa kanya. Kulang na lang bumuga siya ng apoy. Napatingin ako sa harapan namin nang marinig kong tumawa yung panay tanong na babae.

"Ikaw, alam mo, first time ko magkaroon ng lalaking kliyente. To be honest, you look very young para magkaroon ng asawa." Usisa ng babae.

Napatingin naman ako sa isa ko pang katabi. Napahawak ako sa mukha ko. Mas makinis pa ang mukha niya kaysa sa 'kin. Bigla akong nahiya.

"This is shit! Wala akong makukuhang sagot dito."

Nagulat ako nang bigla siyang tumayo. Ang tangkad niya!

"Sandali,"pigil ng babae.

"What?"Plain na tanong ng lalaki kahit hindi niya nililingon yung babae.

"I know what your problem is." Nakangising wika ng babae.

Mukhang tsismosa nga ang itong babae.

"Really huh?"

Sa pagkakataong ito, nilingon na ng lalaking matangkad yung babaeng tsismosa ng taon.

"You caught your wife having sex with another guy. Gusto mo silang patayin pero 'di mo magawa. At dahil gusto mong malaman kung bakit nagagawa 'yon ng asawa mo, nagpunta ka dito para intindihin kaming mga babae."

Hindi nagsalita yung lalaki sa halip ay napabuntong-hininga ito saka naupong muli. Napatingin lang ako sa dalawang katabi ko. Siyempre salit-salitang tingin. Grabe ang pinagdadaanan nilang dalawa.

"You all three have the same problems with your own partners. Kaya kayo nandito, ay para may makausap at mahingan ng payo, hindi ba? 'Yan ang trabaho ko. Ang kausapin ang mga taong dumaranas nang hindi magandang sitwasyon. By the way, I'm Venus Pring, "The Goddess of trials." Nakangiting wika ng babaeng tsismosa ng taon.

"And of course, hindi ako tsismosa ng taon,"sabay tingin ni Venus sa akin kaya napa-lip bite ako.

Paano niya nabasa ang isip ko?

"Lahat ng bagay sa mundo ay may dahilan. Kayong tatlo? Hindi lang basta-basta pinagtagpo. May dahilan kung bakit kayo nandirito ngayon. May dahilan kung bakit kayo pinili."

Pinili?

"Mahirap talaga ang magmahal. Kadikit na niyan ang sakit. Kayong tatlo, ang pag-ibig ninyo ay parang sili. Ayaw niyong kainin kasi alam niyong sili na 'yon. Natatakot kayo na maangahangan nang sobra. Parang problema niyo. Ayaw ninyong kumprontahin ang asawa n'yo at ungkatin ang lahat, na alam n'yo na ang ginagawa nila. Mas pipiliin n'yo ang sakit na nararamdaman n'yo ngayon at least kasama n'yo pa rin sila kaysa kapag kinompronta ninyo ang mga asawa n'yo, alam ninyong hihiwalayan na kayo at mas higit kayong masasaktan kaysa sa nararamdam n'yo ngayon."

Bigla akong nakaramdam ng sakit. Totoo ang sinabi niya. Ayokong subukang alamin ang katotohanan. Sawa na akong maiwan mag-isa.

"'Wag kayong mag-alala. Nandito ako para gabayan kayo. Para bigyan kayo ng linaw."

Napatindi ang kapit ko sa 'king bag.

"Miss Venus, sa tanong mo kanina, may mga sign na may kabit na ang boyfriend ko. At oo, natatakot akong harapin ang problemang umuusok na. Ayokong paapuyin dahil alam kong ako lang akong masasaktan." Napapikit ako habang sinasambit ang mga salitang ayokong aminin sa sarili ko, na ayokong mamutawi sa bibig ko dahil hindi ko matanggap ang katotohanan at nasasaktan ako.

Ako si Hanabel Crisostomo. Takot iwanan ng fiance. Takot mag-isa. Matutuldukan ko ba ang mga parating na pagsubok sa buhay ko? Kaya ko bang harapin ang mga problema ko?

"Alam ko Hanabel. Alam ko rin ang problema mo." Nakangising wika ni Venus.

---

A/N:

Ang lahat po nang mangyayari sa kwentong ito ay pawang likha ng aking malikot na utak. Kung sakaling may pagkaka-hawig ito sa kwento ng buhay mo ay 'yon ang hindi ko alam kung bakit. Hindi ko sinasadya kung magkaganoon man. Ang bawat pangalan at lugar ay gawa-gawa lamang din po. Lahat nang gagamitin ko sa multimedia ay hindi akin. Karamihan ay nakuha ko lamang sa google.

Genre: General Fiction. Matured story ito para sa mga mature mag-isip. Bukod sa usapang bawal na pag-ibig ay mga slightly detailed sa mga bed scene.

Style Used: My own style of writing. Ang mga mababasa niyo po sa kwento ay ang tanging mga nakikita lamang ng tatlong pangunahing tauhan lamang. No side stories. Diretso agad. Walang paligoy-ligoy pa.

Language: Tagalog/Informal Tagalog, TagLish at English.

Trailer po yung nasa taas.

Hana Dul SetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon