JANELLA'S POV
Right after our mall show in Cebu, nagpahinga lang kami saglit bago dumiretso sa airport. Wala si Marlo kaya kami lang ni Jerome ang naglead sa mall show sa Gaisano Mall. And he's surprisingly quiet right after the show. Gusto kong matuwa kasi hindi na niya ako ginagambala. Kaso hindi 'yun ang nangyari because I am very bothered. God.
Pagkasakay namin sa eroplano, umupo agad ako sa tabi ng bintana. I thought he'd at least ask my mom if he could seat beside me. Pero ni hindi niya ako pinansin, nagtuloy-tuloy lang siya ng lakad. Napabuntong-hininga ako habang sinusundan ko siya ng tingin sa gilid ng mata ko. Doon siya umupo sa may likuran ko.
"Dude ang ganda nung nasa front seat kanina. Nakita mo?" I heard Phytos say. I didn't hear a response.
"Tara, oh. Daanan natin para lang makita mo. Nakablue siya."
Bakit ba ang daldal nitong si Phytos? Idadamay pa si Jerome sa kalokohan niya. Nakakainis.
I was even more annoyed to see the two of them walking in the aisle papunta sa harap. Gusto kong sugurin 'yung dalawa. God! I'm doing my best to stop myself from doing inappropriate things. Naiinis na talaga ako.
Nakikita ko pa silang nagtatawanan habang naglalakad na parang nagpapapansin pa sa ibang tao. Of course maraming napapatingin lalo na kay Jerome.
Huminto sila kasi may isang nagpapicture. Na sinundan pa ng isa. At ng isa pa.
"What's with the face?" my mom asked when she sat beside me.
I shook my head. Hindi na niya ako tinanong pa, she must have been really tired na nakatulog din kaagad siya.
Nasa likod ko na ulit 'yung dalawa dahil lumipad na kami pabalik sa Manila. Pumikit ako at sumandal sa upuan ko. I tried to sleep but I ended up glancing at him.
Tahimik lang siyang nakatingin sa bintana habang nakikinig sa music. Alam ko namang mapapansin niyang lumingon ako pero ni hindi talaga siya tumitingin sa akin. Hindi ko tuloy alam kung paranoid lang ako o ayaw niya lang talagang mamansin. Bakit naman hindi niya ako papansin? Kanina lang, kahit nasa pagitan namin si Mama nung nasa eroplano kami papunta sa Cebu, ayos lang sa kanya kahit ang lamig at ang sungit ko sa kanya. Did he suddenly get tired? He gave up?
Umayos ako ng upo at itinuon na lang ang atensyon ko sa view sa labas. Napapasimangot ako kahit ang ganda ng view. That's why I'm scared of giving him another chance, baka magsawa rin siya o mauwi lang ulit sa wala. Ngayon pa nga lang na hindi pa talaga kami okay, naapektuhan na ako kapag parang susuko na siya. What more kung bibigyan ko siya ng pangalawang pagkakataon? It wouldn't work.
That's why I wanted to move on but he wouldn't let me. And I can't help but be happy with that.
Pagkarating namin sa Manila, nag-uwian na kami. Nagpaalam na ako sa lahat, ganoon din si Mama. Hindi ako nagkaroon ng chance na kausapin si Jerome kasi pagkakita ko sa kanya, may kausap na siya sa phone. Hindi na lang ako nagpaalam.
Nagulat ako nang isang araw biglang sumulpot si Jerome sa bahay.
"Jerome, you can't be on my guesting tonight."
Tumango siya.
"Ihahatid lang kita, doon rin naman ang punta ko."
"Si Mang Rene na ang susundo sa 'kin," I said. Kumunot ang noo niya.
"Sinundo kita. Ako ang maghahatid sa 'yo pauwi."
Nairita na naman ako. Ang bossy. Parang kailan lang ni hindi niya ako kinausap. Hindi naman talaga dapat kasi umaayaw na ako pero he still pushed through kaya hinayaan ko, tapos biglang parang ayaw na niya. But now he's here again. Ang gulo. Sobrang gulo namin.
BINABASA MO ANG
What's The Real Score? [JerNella]
RandomWhat's the Real Score between Janella Salvador and Jerome Ponce? Reminder: This is a FAN FICTION Book Two of The Real Scenes BUT unlike other stories, offcam fanfic ito. You don't have to read the book one kung ayaw niyo. Parang updates lang kasi it...