Bakit 'di kita napuna?

6 0 0
                                    


"May pagmamahal na merong limitasyon. Hanggang doon lang."

Usong uso sa lugar namin ang tumambay. Matanda, bata, nag-aaral, may trabaho man o lalo 'yung wala. Karaniwang tanawin na sa gabi ang mga taong pakalat kalat at kung anu anong ginagawang kalokohan sa kakalsadahan. Kasama na dyan ang tropahan namin. Sanay na nga ang mga tao sa lugar namin sa mga ganitong eksena. Mas kataka taka pa nga kung walang nag-iingay.

Halos o mahigit 20 kaming magkakabarkada. Minsan bukod tumatambay ang lalaki sa babae, mas madalas hindi. Dahil naniniwala kaming the more the merrier.

"Oi balita ko lilipat na sila pare sa canada" sabi ng isa.

"Oo nga ehh. Sya! makakatikim na lagi ng turkey 'yun" tugon naman ng isa pa.

"Alam mo ba 'yung turkey?" tanong ng mga babae."Ayun 'yung pagkatapos ng 29...turkey!"

"Ahahahaha!!!"sabay sabay naghalakhakan at bumilang lahat.

"Turkey 1, Turkey 2, Turkey 3, Turkey 4"umuusad pa ang bilang ng sumingit ang isa.

"Oi girl, 'wag mong hawakan yan! Turkey 'yan!!! Eeewww!!"

"Ahahahahahaha"

"Turkey nge! Nekekeernes nemen keyeerr!! Heller!"

"Penge ngang softdrinks, turkey na ko,"sabi ng lalaki.

"Turkey lang."

"Gusto kong kumain ng turkeyaki"pagsingit pa ng isa.

Ganito ang nagpapasaya sa mga gabi namin. Ang sounds like. Sa tatalino lang din naman sa kalokohan ng mga taong 'to eh hindi mauubusan ng ibabanat.

Meron din kaming kubong tambayan at bahay na pinaglalagian. Napakasarap maging kabataan. Ang problema mo lang ay paano pupunuin ang araw ng kaligayahan. Kapag may pera magpicnic kapag wala magtiis. Simple lang naman ang tropahan namin noon. Sapat na ngang mag ulam ng tinolang papaya dahil ang mahalaga sama-sama.

Pero tulad ng ibang grupo dumarating ang lahat sa punto na mamulat sa mga bisyo. Pangunahin na ang yosi at alak. Maswerte kaming ganito lang ang natutunan namin at hindi droga. Sa panahong ito, dahil natuto ng malasing ay nagkaroon na ng lakas ng loob para magpahayag ng ikinukubling damdamin. At ang mga puppy love ay naging love team. Dahil nagiging seryoso ang intensyon at mga hangarin. (Naks! Ang bangis! Ganyan ang mga killer words ng magagaling mambola!) Kaya di na rin nakapagtatakang naging love birds ang mga love team.

Minsang nagkainuman kami ay napagtripan ako ng tropahan.

"Oi! bagay pala kayo ni pareng Greg!"puna ng isa sa mga pinsan nyang lalaki.

"Ha?"tugon ko naman.

Sa totoo lang isa si Greg sa sadyang 'di ko pinapansin sa mga kabarkada namin. Masyado kasi kaming opposite. Kung anong iningay ko, sya namang ikinatahimik nya. Para ngang pinipilit lang nyang makisama samin dahil dun kami madalas natambay sa kanila at kabarkada din namin ang kapatid niya.

"Bagay nga kayo!"pagsang ayon ng iba pa.

Nanahimik na lang ako. Hindi ko kasi gustong matukso sa kanya. Dahil 'di ko sya bet. At parang 'di ko rin bet ang makipagjowa sa katropa kasi palaging may nakabantay. Kaya kapag may nagooffer na manliligaw at kabilang sa samahan namin, agad kong tinatanggihan. Presidente rin ako ng samahan namin noon. Ayaw kong maapektuhan ang pagiging mabunga ng grupo namin dahil lang mabibitter ako sa magiging jowa ko at madadamay pati 'yung iba. Ganoon kafuturistic! Ganoon kadami ang dahilan ko pagdating sa tanong na "Bakit wala ka pang boyfriend?!"

Pero ayaw paawat ng pinsan niya. Maya't maya ng inungkat na bagay daw kami. May tama na rin ng alak kaya 'di ko na sinuway. Nalalasing na rin kasi ako at hilo kaya pangiti ngiti na lang. Tinitingnan ko si Greg. As usual tahimik at walang reaksyon. Ang boring ng muka, parang may bayad ang tawa. Basta isipin nyo 'yung lalaking 'di mo papangarapin makasama habang buhay. Dahil ni walang sex appeal. Naisip kong ayos lang! Mukang 'di rin naman nya ko bet! Good thing!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 08, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PossibilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon