HOW COULD AN ANGEL BE A MISTRESS?
by:Yeshameen BrejenteCHAPTER 11
MAY sasakit pa ba sa nadarama ni Angelica ngayon? Ngayong nagkamali siya nang di sinasadya, Kitang-kita niya ang matinding galit sa mga mata nina Travis at Jewel.
"Mom, di ho ako masamang babae." Luhaang sabi ni Angel kay Sharlz na agad nang napaluhod dito. Naghahanap ng kahit isang kakampi. Napaiyak naman si Sharlz dahil di niya kayang nagdurusa ng ganito si Angel.
"Talaga ba'ng wala kang alam na may asawang tao na si Russel?" tanong ni Sharlz sa dalaga.Umiling naman agad si Angel.
"Kung alam ko ho sana ay di ako masamang babae upang patulan pa siya. How I wish that I knew about it before something happened between us, mommy."
Luhaang sabi ni Angel kay Sharlz."Naniniwala ako saiyo, hija.Kilala kita.Mahabang panahon na tayong nagsama bilang isang tunay na mag-ina ang turingan. At batid ko'ng matalino kang bata at puno ng pagmamahal ang 'yong puso.Pero sa ngayon, tiisin mo na muna." Aniya. "Tiisin mo na muna at unawain mo ang galit ng daddy mo at ng kapatid mo.Kahit ano'ng pilit, dahil sa nangyari saiyo ay di nila sinasadyang manumbalik ang sakit na kanilang pinagdaanan sa nakaraan." Sabi ni Sharlz at itinayo ang dalaga saka niyakap nang buong higpit.
Bitbit na nina Travis at Jewel ang ilang suitcase ni Angel pababa nang hagdanan.
"Bitiwan mo ang babaeng 'yan, Sharleeze!" sigaw ni Travis sa asawa na para ba'ng kung sino'ng masamang babae ang yakap nito.
Agad namang humiwalay mula sa pagkakayakap kay Sharlz si Angel. Luhaan at labis na nasasaktan. Lalo na nang makita niyang pabagsak na ilagay sa harap niya ang kanyang mga gamit.
"Travis, pakinggan mo na muna ang anak mo.Wag mo naman sana siya'ng husgahan nang gano'n na lamang! Tao lamang si Angelica.Taong minsan ay maaaring magkamali.Hindi siya perpekto, Travis." Galit na sabi ni Sharlz sa asawa.
"Mommy, siya pa rin ba ang kakampihan mo? Malinaw na malinaw sa ating pumatol siya sa isang lalaking may asawa na! Sa kanya ka pa ba papanig? Ano 'to mommy? Pagku-kunsinti?" galit namang sabi ni Jewel sa kanyang ina at hinagod ng tingin mula ulo hanggang paa si Angel. "How dare you upang dungisan ang ating pamilya? Lumalabas na rin ang 'yong tunay na kulay!"
Tanging pagluha na lamang ang kayang isagot ni Angel sa kanilang lahat. Mukhang wala na siyang lakas upang magpaliwanag pa, dahil alam niyang wala namang makikinig sa kanya.Para ano pa at kailangan pa niya'ng i-defend ang sarili niya.
"Lumayas ka na sa pamamahay na 'to Angelica.You disappointed me, really! Asahan mo'ng wala ka nang babalikan pa sa pamamahay na 'to.Itinatakwil na kita bilang anak ko." Sabi ni Travis kasabay no'n ang pagpatak ng luha mula sa kanyang mga mata.
Iniabot naman ni Jewel kay Angel ang susi ng kotse nito't mga alahas. At perang nakapaloob na rin sa puting envelope.
"Huling sustento mo 'yan! Or should I say, huling limos para sa isang kabit na tulad mo!" sabi ni Jewel.Pakiramdam ni Angel ay labis na nga siya nitong iniinsulto.
Dahil sa awa ni Sharlz kay Angel ay walang pag-aatubiling sinugod niya si Jewel at pinadapuan ng isang malakas na sampal sa pisngi.
"Ate mo pa rin si Angelica, Jewel Alexis! You have no right to insult her that way.Kung umasta ka'y parang asawa mo ang naka-relasyon niya.Hindi naman di ba?" sabi ni Sharlz sa anak at agad na ngang napaluha.
"You are defending her over me, mom? Di ba't ako 'yung anak mo?" tanong ni Jewel habang hawak ang nasaktang pisngi. Si Travis naman ay parang tuod na nakatayo na lamang sa isang sulok habang pina-pakinggan ang bawat sides ng kanyang asawa't mga anak.
BINABASA MO ANG
How Could An Angel Be a Mistress?
RomanceHow could an Angel be a mistress, when she deserves what she had? For him, Meeting Angel was an unforgettable moment of his life and is something special to be cherished, to forevermore. He's going to do everything to make her love him. Russel is An...