Malapit na matapos ang bakasyon, pasukan na naman ulit. Huling taon na sa high school ganun padin walang inatupag kundi kalokohan at katuwaan kasama ang tropa ngunit kahit papanu ay di napapabayaan ang pag aaral. Ako si Keanne Joseph Lukas, 16 taon gulang, panganay sa apat na magkakapatid, di katangkaran, di kaputian, di kayamanan, di kasikatan.. sakto lang, simpleng tao na gusto maenjoy ang buhay kahit walang girlfriend, tawa lang. dadating din sya sa tamang panahon at sa tamang lugar. Ika nga “tiwala lang”.
Ilang araw nalang at pasukan na, nasa kwarto lang at nakahilata, walang magawa kundi mag muni muni. Di naenjoy ang bakasyon sa panay utos ng magulang ko. Kesyo nung pasukan lagi nalang sa eskwelahan, ngayon lang nakakatulong sa bahay. Hay nako kay sarap isipin pasukan na naman, iwas utos sa bahay at may baon pa. sigurado madami na naman kwento galing sa barkada.
“kuuuuuuyyyyyyyaaaaaaaaaaaa!!!!!!” nakakarinding tawag galing sa ibaba. Kapatid ko. Si Alice.
“oh anu na naman?” iritadong sagot ko.
“tawag ka ni mama, punta daw kayo sa mananahi. Papatahian ka ng uniform mo sa school”
“sige na, sige na. bababa nako”
Badtrip! Nasira pa ang konsentrasyon sa pagtunganga, pero wala tayong magagawa. Oras na para maghanda. Malapit na ang pagbabalik ng pinakamalupit.
BINABASA MO ANG
Spoiled Brat
Teen FictionHello! My name is Kruffer, if you’re wondering; my name is pretty much unique my parents got it in a German book. Don’t know what it means even though I searched it on the internet there is still no results. He he! I’m 20 years old and you could sa...